Tulad ng kahapon ay inikot namin ang bayan ng San Andress, marami paring tao na nagpapakuha ng litrato, todo ngiti naman ako.
"Sa bahay na tayo magtanghalian, iyon na rin ang huli nating destinasyon." Tumango ako habang kumakaway sa mga tao. "Maka-kaway ka kala mo ikaw yung tumatakbo sa eleksyon ah." Sarkastikong saad ni Chad. Inirapan ko lang sya at nagpatuloy sa ginagawa. He's not even enjoying what he is doing, what's up with him?
Tahimik lang nakaupo at kumakaway sila tita Lydia sa gilid kasama ang mga tao.
Nang napatingin ako sa kanya at tinaasan nya lang ako ng kilay. I smiled. Nauna syang nagputol ng tingin dahil kinausap sya ng isang babae na halos kaedad nya lang.
"Hindi ba't sya yung dapat mapapngasawa ng panganay mo? Bakit nandito sya at tinutulungan si Chad?" Tanong nito. Mabilis akong napaiwas ng tingin.
How did they know that Nealle is supposed to be my husband? Ako nga hindi ko alam.
"She ran away eh." Saad ni Tita with so much disgust.
"Bakit sya nandito?" Tanong ng babae.
"Ewan ko sya kanya, baka may kailangan sa anak ko?" Natigil ako, nakakapanghina na ganoon na ang tingin nya sa akin.
Napalingon naman sa akin si Chad at siguradong narinig nya iyong sinabi ng mama nya.
Hinawakan nya ako sa siko. May biglang humila sa braso ko at muntikan na akong mahulog, buti nalang ay nahila ako ni Chad, pareho kaming napaupo sa sahig. Napatayo ang mga tao sa pick up. Lima ang tao sa pick up, isang lalaki, yung kausap ni tita Lydia at sya, ako at si Chad.
Dahil napaupo kami ni Chad ay natigil ang sasakyan at sumakto ito sa isang pamilyar na gate."Okay ka lang ba?" Tanong ni Chad. Hindi ako nakaimik at tiningnan lang ang mansion sa likod ng malaking gate.
Inalalayan akong tumayo ni Chad. Nang makanpante syang maayos na ako at pinaandar nya muli ang sasakyan sa driver. Nanlaki ang mata ko ng bumukas ang gate ng mansion
Hindi ko alam kung maiiyak ba ako o ano.
Napahigpit ang kapit ko sa kapitan sa pick up.
"Why are we here?" Tanong ko, nagsisimula ng kumalabog ang puso ko.
Carreon Mansion.
"Dito kasi gaganapin ang project ko para sa mga hayop. Mas malapit kasi ito sa mga nangangailangan ng tulong." He said. "You okay with this?" Nang pumarada ang sasakyan ang bumaba na sila tita. Kita ko naman na umaayos na ng pila ang mga tao na may hawak na hayop. Ang iba ay nauupo.
Inikot ko ang paningin ko. Malinis ang paligid.
Huminga ako ng malalim at nagsimula ng maglakad, inalalayan ako ni Chad na bumaba sa sasakyan.
"Handa na po ang lahat Senyorito." Saad ng isang lalake. Tumango si Chad, nakasunod lang ako sa kanya nagalalakad, hindi alam kung saan pupunta.
"Sup man?" Nahinto ako sa paglalakad ng makarinig ng boses.
"I'm doing fine kuya." Mabilis akong napatingin sa harap kung nasaan ang kausap ni Chad. "You're really doing this huh?"
Tila huminto ang mundo ko, takot ang biglang bumalot sa sistema ko.
Napalunok ako ng magatama ang mata namin. Kumunot noo sya.
"Nealle!" Naputol ang titigan namin ng may tumawag sa pangalan nya. Sabay kaming napatingin sa entrance ng mansion.
"Hey!" She kissed him on cheeks, tila sinaksak ng mga malalaking kutsilyo ang puso ko sa nakita.
Really? Infront of me?
Ano bang karapatan kong masaktan?
Umiwas akong tingin.
Come on luha, wag kang tutulo.
"Excuse us." Saad ni Chad tsaka ako iniwas sa dalawa.
Oh dang heart! Makisama ka naman. Luha wala kang karapatang tumulo.
"That's Eclipse, my mother's friend daughter."

BINABASA MO ANG
Wicked Her
RomanceArabella Carreon is living her perfect life. Prinsesa ang turing sa kanya ng mga kasama nya sa bahay. Lahat ah sa kanya, walang kahati. Nasanay sya doon. Alam nyang sa kanya ang mga bagay na gusto nya, so she fight for it. Kahit na sa maduming paraa...