"Smile Ara, natatakot yung aso sayo." Umirap ako ng narinig na magsalita si Chad sa tabi ko.
Tahimik lang akong nakaupo sa gilid nya habang hawak ang isang tuta. Habang si Chad naman ay nasa tabi ko at nakaupo kinakamayan ang mga tao na tapos ng ipatandok ang alaga nila. Hindi naman malikot ang tuta kaya hindi ako nagagambala.
Nanatili kaming ganon hanggang sumapit ang oras ng meryenda. Inasikaso ni Chad ang mga tao kaya naiwan ako kasama ng aso.
"Gusto mo ba yang aso?" Halos mapatalon ako sa gulat ng biglang may tumabi sa akin at nagsalita.
Nagsimula na namang kumabog ang dibdib ko. Nang humarap ako ay hindi ako nakagalaw ng tuluyan.
Bigla nalang tumalon ang aso papunta kay Nealle. Ngumiti si Nealle at hinaplos ang aso.
"This is a chihuahua." Napatingin ako sa aso. "Kanina mo pa ito hawak pero hindi mo tinanong kung kanino ito." Saad nya. Napatingin ako sa kanya. "He's name is Check." Saad nya at lumingon sa akin, mabilis akong umiwas ng tingin.
"S-sayo yan?" Tanong ko ng hindi parin nakatingin sa kanya. Nakita kong ngumiti sya.
"Regalo ko sayo." Napakagat ako sa labi ko.
"B-bakit?" Tanong ko.
"Masama bang regaluhan ko yung crush ko?" Hindi ko alam kung anong irereact ko ng bigla nalang may tumawag kay Nealle.
"Nealle!" Pareho kaming napalingon sa harap namin. Isang magandang babae ang naglalakad papunta sa amin, tila isa itong modelo na rumarampa, sobrang ganda nya. Mabilis akong napalingon kay Nealle na nakatitig lang kay Eclipse na tila manghang-mangha. Mabilis akong napairap at kinuha si Check papunta sa akin.
Napalingon naman si Nealle sa akin.
"Careful." Alalay nya kay Check.
"Careful mo mukha mo." Bulong ko pero tinaasan nya lang ako ng kilay at nakangisi na humarap kay Eclipse.
"Shall we go horseback riding? Turuan mo na ako as you promise me." The lady pouted cutely.
Pasimple akong umirap at lumingon kay Check.
Nagpout ako sa harap nya.
"Mas cute ako diba, diba?" Nakapout na tanong ko kay Check.
"Ikaw ang pinaka-cute para sa akin." Natigil ako.
"Hindi ka naman na busy eh." Saad ni Eclipse pero hindi sya binalingan ni Nealle.
"Ano?" Gigil na tanong ko kay Nealle. Ngumisi sya at bumaling kay Eclipse.
"Dame will teach you." Saad ni Nealle. Natigil naman si Eclipse at biglang namula. Tumaas ang kilay ko.
"Jeez! You promised me! Bahala ka dyan!" Umiiling akong lumingon kay Check.
"She act like a kid." Bulong ko kay check.
"Just like you." Taas kilay akong lumingon kay Nealle. Nakasiko sya sa table at nakangisi sa akin.
"Pwede ba? Kung wala kang magagawang matino lumayas ka dito sa tabi ko!" Sigaw ko sa kanya.
"I missed you." Napakagat ako sa labi at lumingon kay Check. What the hell Nealle? "Hindi mo ba ako miss?" Huminga ako ng malalim.
He's putting me in a awkward situation.
"C'mon Ara, I missed you so much." Malambing na saad nya.
"N-nealle--"
"Nealle!" Mabilis akong napalingon sa pinanggalingan ng pamilyar na boses.
Napakagat ako sa labi ng makita kung sino ito.
Emily.
Mabilis na kumulo ang dugo ko. Ang kapal ng mukha nyang pumunta dito sa mansion.
BINABASA MO ANG
Wicked Her
RomanceArabella Carreon is living her perfect life. Prinsesa ang turing sa kanya ng mga kasama nya sa bahay. Lahat ah sa kanya, walang kahati. Nasanay sya doon. Alam nyang sa kanya ang mga bagay na gusto nya, so she fight for it. Kahit na sa maduming paraa...