Namamawis ang kamay ko. Napatingin ako sa daan. Halos paliparin na namin ang sasakayan makarating lang sa hospital ng San Andres. Galing pa kami sa Manila.
After two years ngayon lang ulit ako nauwi dito. Hindi kasi pumapayag si daddy tsaka wala na rin namang rason kaya di na ako nagpupumilit.
"Nayding." Naiiyak na saad ko habang hinahanap nya sa reception si daddy. Takbo lakad takbo ang ginagawa namin paakyat sa second floor ng hospital kung nasaan si Daddy.
Bumangga daw kasi yung minamaneho nya kaninag madaling araw. Nang makarating kami sa kwarto ay nakatayo ang mga guard na kala mo isang presidente ang nasa kwarto. Mabilis kaming pinapasok dahil kialala naman kami.
Pag pasok namin ay nakita namin si daddy na inaayos ng nurse. He's awake. Nang nakita nya ako ay ngumiti sya.
"Dad." Naiiyak na saad ko.
"Ara." Nagtamo si daddy ng galos sa braso at putok na kilay. Nakakaawa syang tingnan.
"Ano ba naman kasi daddy! Dahan-dahan naman sa pagmamaneho. Paano ako pag nawala ka?!" Tampo ko sa kanya. Niyakap ko sya gamit ang isang kamay nya ay hinaplos nya ang likod ko. Lumayo ako sa kanya.
"Sorry anak." Sincere na saad nya. Ngumiti ako.
"Ano ba kasing nangyari sa mga baka ay hindi mo kayang ipaalaga sa mga tauhan--"
"Pa!" Tila naestatwa ako sa kinatatayuan ko. May hangin na dumaan sakin tsaka ko lang nakita na may iba nang nakayapak kay daddy. "Bakit di ka nagiingat?" Umiiyak na tanong nito.
Napatras ako na tila nanghihina.
"Ara!" Lumapit sa akin si Nayding.
Napahawak ako sa dibdib ko.
"D-daddy." Naiiyak na saad ko.
Ang sakit. Teka ano ba tong nakikita ko?Ang gulo. Ang hirap huminga. May nagpapasikip ng dibdib ko.
"Arabella." Nulong nya. "I-ito si--" Humarap yung babae sa akin. Tila lalo akong nanghina at tuluyan ng natumba. Nanginginig ang buong katawan ko.
Memories of my yayas talking about dad and some sort of mistress and my possible sibling came to my mind. It was two years ago pero parang kahapon lang nang narinig ko iyon.
"E-e-emil-ly." saad ko. Nanlumo ang luha sa mata ko. Parang nagkulang ang oxygen sa apat na sulot ng kwartong iyon.
"A-ate mo." Hindi ako nakagalaw.
Ate ko?
Nauna sa akin?
Tila hindi nags-sink in sa utak ko ang mga sinasabi ni daddy.
"Hija." Bulong ni Nayding at sinubukang hawakan ang dalawang balikat ko. Wala sa sariling natawa ako nang nanginginig na natumba. Tumawa muli ako kasabay ng luha sa mata.
This is impossible.
Lakas loob akong tumayo. Nanginginig ang katawan na naglakad palayo.
"H-huwag, kayong susunod." Pagharap ko sa pinto ay naalarma ang mga guard. "P-please." Nakayukong saad ko.
"H-hayaan nyo na sya." Narinig kong umiiyak si Nayding.
"Pa.." Rinig ko sa loob ng kwarto.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta.
Kahit di ko alam ang ginagawa ko ay pumara ako ng tricycle tulad ng ginagawa ng iba mula sa hospital. Sinabi ko sa Hacienda Carreon ng tanungin kung saan ang punta ko.
Nang makarating ako ay tumawag ako ng katulong para magbayad.
Tahimik at nakayuko akong pumasok sa hacienda.
Laking gulat ko ng may babaeng nakaupo sa sofa at humihithit ng sigarilyo. Nagulat pa sya sa presensya ko at napatayo.
"S-sino ka?" Tanong nya. Tinapangan ko ang ekspresyon ko.
"Ang may ari ng mansion na ito." Saad ko. Napaataras sya pero nakita ko ang inis sa mata nya.
"Hindi nya--" Pinutol ko sya gamit ang darili at tinuro ang isang malaking frame sa gilid nya.
"See that?" Turo ko sa imahe ng pamilya namin ni daddy at mommy noong bata ako. Ngumisi ako.
Tiningnan ko sya mula ulo hanggang paa. Sya siguro yung babae ni daddy.
Masakit.
BINABASA MO ANG
Wicked Her
RomansaArabella Carreon is living her perfect life. Prinsesa ang turing sa kanya ng mga kasama nya sa bahay. Lahat ah sa kanya, walang kahati. Nasanay sya doon. Alam nyang sa kanya ang mga bagay na gusto nya, so she fight for it. Kahit na sa maduming paraa...