Seryoso ang tingin ko sa daan. Ewan ko kung bakit kinakabisado ko ang daan pabalik sa mansion. Natigil lang ako ng huminto ang sasakyan at pinasok sa gate.
Kumunot ang noo ko.
Ang lapit lang pala at pwede lakadin ang mansion ng mga dela Vega mula sa mansion namin. Bakit kailangan pa naming gumamit ng sasakyan kung ganoon?
Wala sa sariling pumasok ako ng bahay. Inaantok na talaga ako.
Humikab ako pero kasasara ko palang ng bibig ko ay nagsalita na agad si daddy.
"Did you enjoy the night?" Malambing na tanong ni daddy. Ngumiti ako at tumango.
"Masarap po ang pagkain nila." Saad ko.
Tumango sya. "Nakita kita kanina." His voice became serious. "Do you like their eldest?" Halos mahulog ako sa hagdan dahil sa tanong ng daddy. Bumilis ang tibok puso ko.
Kinunot ko lang ang noo ko at tinakwil ang kaba.
"Dad, i-im too young for that. Tsaka bakit ko magu-gustuhan iyon? Duh! Ang sungit ng istura nya! Nakakatakot." Saad ko. Nakita kong ngumiti si daddy bago umiling.
"You say so.. pupunta ako sa falls bukas para tingnan kung may nag-bago.. sasama ka ba?" Nakangiting tanong ni daddy.
I want to go there pero may plano na ako para bukas.
"Oh! Kung okay lang, kasama ang pamilya dela Vega." Halos maglaho ang plano ko sa narinig.
"W-wala sila sa mansion nila bukas?" Hindi ko mapigilan ang lungkot sa tono. Tumango si daddy.
"Yes, kasama sila bukas." Then the idea strike me. Atleast hindi ako mahihirapang magdahilan kapag nagpunta ako sa mansion ng dela Vega bukas.
"Sasama po ako!" Masiglang saad ko. Ngumiti si daddy at tumango.
"Good night them." I goodbyed and say my good night to him too.
Nakangiti akong pumikit at nagising rin ng naka-ngiti. Nang mapatingin ako sa gilid ko ay maaga pa. Alas-sais palang ng umaga.
Hindi ko pinansin ang oras at mabilis na naligo.
Nang matapos akong maligo ay nag-suot uli ako ng royal blue pero may bulaklak pa rin dress.
Napangiti ako sa repleksyon ko.
Handa na ako para mamaya.
Bumaba ako sa hagdan at dumiretso sa kusina pero hindi pa ako nakaka-apat sa entrada ng kusina ay nahinto na ako sa kwarto ng mga kasambahay. They're talking.
"Mali! Kahapon kasi nung umakyat ang senyorita ay mabilis na may nilakad si Senyor." Saad may edad na kasambahay.
Their talking about us.
Kumunot ang noo ko at tinago ang sarili sa sulok upang makarinig pa sa pinaguusapan nila.
"Bumalik daw yung katulong na nabuntis ni Senyor dito sa San Andres." Tila tumigil ang tibok ng puso ko.
Hindi ko magawang gumalaw. Ang mga narinig ko at parang martilyo na paulit-ulit hinahamapas ang puso ko.
"Ha?!"
"Panagutan daw yung bata. Ang saad ng ambisyosang malanding babae!" Saad ng mas batang yaya. Kumunot lalo ang noo ko.
"Kung alam lang ni Senyor na bugaw ang nabuntis nya!" Huminto saglit ang babae. Kinabahan ako sa maaring isusunod na salaysay ng katulong. "Hindi siguro pupuntahan iyon ni Senyor malamang. Tsaka baka nga hindi kay Senyor ang bata."
"Alam natin sa tagal ng serbisyo natin dito sa hacienda ng Carreon dito sa San Andress, dito nabuo ang pagmamahalan ni Senyora at Senyor." Now their talking about mommy.
"Pero siguro totoo na may nangyari sa bugaw na iyon at kay Senyor kaya umalis ang Senyora. Baka nilason ng babaeng iyon." Hindi ko alam kung sino nagsalita.
"Ano ba naman kayo! Abay tumigil nga kayo. Baka marinig kayo ni Senyor at Senyorita." I heard Nayding's voice.
But too late, I just felt my face full of tears from the eyes.
Those words are just too painful to hear and my little heart is breaking kahit wala namang kasiguraduhan.
BINABASA MO ANG
Wicked Her
RomantizmArabella Carreon is living her perfect life. Prinsesa ang turing sa kanya ng mga kasama nya sa bahay. Lahat ah sa kanya, walang kahati. Nasanay sya doon. Alam nyang sa kanya ang mga bagay na gusto nya, so she fight for it. Kahit na sa maduming paraa...