Nakatingin lang ako sa likuran nya habang may kausap sya sa phone.
"Yes please. Don't tell mom." Saad nya. "Dalawang bote lang. Yes.. Hindi. Nandito lang ako sa Dinaluyan."
So Dinaluyan ang pangalan ng talon na ito. Bakit hindi ako nac-curious dati? Busy ata ako.
"Drink will come here soon." Saad nya nang umupo sya sa harap ko. "You sure you can handle?" Tanong nya. Tumango lang ako. "Is this your first time?" Tanong nya. Tumango muli ako. Kinakabahan kasi ako.
Imagine kahit na gaano na nabasag ang puso ko nagagawa paring kabahan. Hindi ko alam kung dahil first time uminom o sa kasama ko ngayon ang lalaking ito.
"Then i'll teach you, this is like your tuturial on drinking alcohol." Napatingin ako sa kanya.
"Merong ganoon?" Natatawang tanong ko. Natahimik ako ng seryoso syang tumango but amusement is very evident on his face.
"You should learn when to get drunk or tipsy. Kung nasa tamang lugar o kung tamang tao ang kasama mo." Saad nya. Tumatango ako habang nagsasalita.
Napuno ng katahimikan ang paligid hanggan sa napatingin ako sa daluyan ng tubig. May malaking puno don.
Napailing ako sa iniisip.
"P-pwede mo na ulit mahalin si E-Emily." Natatawang saad ko. Bumaling ako sa kanya. Nakakunot noo lang sya sa akin, amusement is still on his eyes.
Hindi sya sumagot. I saw pain in his eyes. I see. He's still affected. Ka-level nya na si Emily sa estado ng buhay. Pwede nya ng balikan. Napangiti ako.
And the world wont be against them anymore.
"You think it's that easy?" Natatawang tanong nya. "Bata ka pa. Marami ka pang malalaman tungkol sa mga pinagsasabi mo." Saad nya.
"Pero halos kaedad lang kita ngayon nung nagmahal ka." Taas kilay na saad ko. Tinaasan nya rin ako ng kilay.
"I was 17 at that time and she's 16." Bawi nya. Napatango nalang ako. Okay. I was wrong at that.
He was really inlove then..with Emily and he knows it.
"Senyorito?" Tinig mula sa entrada ng talon. Sabay kaming napatingin ni Nealle sa nagsalita.
May hawak itong dalawang bote na magkaibang inumin. Halos kaedad lang sya ni Nealle.
"Come here." Saad nya at tinap ang mesa.
Nilapag ng lalaki ang mga inumin sa harap.
"Nasaan yung lemon?" Umatras yung lalaki at may kinuha sa bulsa. Nakasupot ito at hiwahiwang lemon. Kumunot ang noo ko. Napatingin sa akin yung lalaki.
"S-senyorita Arabella!" Gulat na saad nya. Lalong kumunot ang noo ko. "Bakit ka nandito--nakauwi ka na pala!" Tila hindi nya alam ang sasabihin nya. "Nakarating ka na ba sa mansion nyo--"
"Enough Joros. You may now go." Malamig na saad ni Nealle. Yumuko lang si Joros tsaka umalis.
"You ready?" Inikot ko ang tingin ko sa tatlong laman ng mesa. Tumango ako. "This is yours." Saad nya. "It's just a local brand, bilang kasi nila mama yung nasa bahay kaya nagpabili nalang ako." Saad nya. Tumango lang ako.
"San Mig?" Basa ko. I'm famillar with the drink pero never tasted.
"Its lady's drink." Tumingin ako sa inumin nya.
"Red horse?" It's in the commercial. Mukhang local brand nga lang talaga. "Para san yung lemon?" Turo ko habang binubuksan nya yung inumin namin.
"Chaser." Kumunot ang noo ko ng itapon nya ang bula sa inumin ko.
"Para san yan?" Nagkibit balikat lang sya at nilapag sa harap ko ang inumin.
"Try it now. Hindi yan nakakalasing." Nakangising saad nya at kumuha ng lemon. Buong tapang kong tinungga ang bote. Halos masuka ako sa pait nito.
"Pwe!" Saad ko pagkatapos lunukin.
"Here." Abot nya sa akin sa lemon. Hindi ako gumalaw kaya sya mismo ang naglapit ng kamay nya sa bibig ko. Nanlaki ang mata ko.
What?
BINABASA MO ANG
Wicked Her
RomanceArabella Carreon is living her perfect life. Prinsesa ang turing sa kanya ng mga kasama nya sa bahay. Lahat ah sa kanya, walang kahati. Nasanay sya doon. Alam nyang sa kanya ang mga bagay na gusto nya, so she fight for it. Kahit na sa maduming paraa...