Chapter 6

15.6K 294 20
                                    

Present.

Malungkot na ngumiti si Kathryn sa alaalang yun. Dalawang taon din syang nagluksa. All her frustrations were focused on photography. Nag-excel sya sa mga klase nya pero panandaliang saya lang ang nakuha nya mula doon. Umiiyak pa din sya pag dating ng gabi.

Until Jerome came along.

He became her Daniel in New York. Sya ang unang taong nagpakita sa kanya how special she is. Sya din ang nagparamdam sa kanya that she is loved. Sa loob ng dalawang taong relasyon nila, he always make her feel how much he loves her. At mahal din nya ang lalaki.

Pero umuwi ito sa Pilipinas at pinakasalan ang babaeng pinili ng mga magulang nya para sa kanya. Nahirapan si Kathryn magmove on when he left. She felt so lost. It took her 3 years bago tuluyang naghilom ang sugat.

At dumating sa buhay nya si Enrique.

Inalagaan sya nito gaya ng ginawa ni Jerome. Natutunan nya din itong mahalin gaya ng pagmamahal nya kay Jerome. But someone's more worthy of his love. Her bestfriend Mara.

At masaya sya para sa kanila.

__________

"Nice office." Comment nya pagpasok sa opisina ni Jerome. Binisita nya ito doon.

"Nakapag-decide ka na ba?" Tanong ni Jerome sa kanya.

"Oo." Naupo si Kathryn sa couch. "Tinawagan ko si Hope para isend sa kin ang ilan sa mga personal collection ko and my other paraphernalia."

Jerome grinned. "So kelan?"

"Bigyan mo ko ng 3 months para magcollect ng photos."

"Ang tagal naman nun. Bakit hindi next month?"

"Hindi yun ganun kadali, Jerome. I plan my exhibits six months to a year prior. At isa pa, gagamit ako ng digital camera."

Kumunot ang noo ni Jerome. "Bihira kang gumamit ng digital camera, mas comfortable kang gamitin ang traditional silver-halide mo."

"Wala akong dark room dito diba? At kailangan ko yun kung gagamit ako ng silver-halide. Anyway, mas mapapadali kasi sa computer ko na lang ieedit ang pictures ko."

"So anong theme mo?"

She wrinkled her nose cutely. "Iniisip kong kumuha ng portraits ng mga tao. Hindi ko pa lang sure kung anong specific portraits."

Magsasalita sana si Jerome nang biglang bumukas ang pintuan at tumatakbo papasok ang limang taong gulang na anak nito. Niyakap sya nung bata.

"Papa." Bati sa kanya nito habang hinahalikan ang pisngi nya. Jerome smiled in satisfaction.

Tahimik na pinagmasdan ni Kathryn ang mag-ama. They looked so lovely. Dahil doon isang malaman na ngiti ang pinakawalan nya. Now she found one subject. May naisip syang idea.

__________

"No!" Seryosong sagot ni Jerome.

Tumingin si Kathryn kay Enrique with begging eyes.

"No." Sagot din nito.

Nilingon nya si Daniel.

Umiling lang din ito.

She turned to Sam.

Ngumiti ito. "Sure."

Binaling nya uli ang tingin nya sa tatlo. "See? Pumayag si Sam. Hindi naman yun ganon kahirap. Please be my models." Pagmamakaawa nya sa mga ito.

All of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon