Chapter 23

12.3K 268 63
                                    



Nakangiti si Kathryn sa bawat bisitang dumadating sa exhibit nya. Ginanap iyon sa isang hotel, at laking gulat nya nang lahat ng inimbita nila ay dumating. Hindi nya alam paano nagawa iyon ni Hope, pero ang laking pasasalamat nya sa nangyari.

Hindi nya pa nakakausap si Daniel maghapon. Iniiwasan nya ito. Hindi pa rin sya umuuwi sa condo ng binata. Hindi pa sya handang makita ito. Hindi nya alam paano haharapin ang sitwasyon nila dahil alam nyang kahit gaano pa sya katapang, sya lang din naman ang magdudusa sa huli. Lahat ay magiging masaya at her expense. It's unfair, but it's the reality that she have to accept.

"Bakit nagbago ang isip mo?" Tanong sa kanya ni Hope nang masolo sya nito.

"Siguro dahil ang career ko ang pinaka-importanteng bagay para sa akin. Hindi ko pwedeng iwan lahat yun para lang sa pag-ibig." Sagot nya pero di sya makatingin sa kausap. Napagdesisyunan nyang pakawalan na si Daniel at bumalik na kung saan sya nararapat. Narealize nya na ang tanga nya para umasa para sa kaunting pag-ibig na imposible namang makuha nya. Aalis na sya ng bansa sa isang araw.

Sa wakas ay nagising na sya sa katotohanan na ang puso ni Daniel ay titibok lamang para kay Julia. Hindi nito kayang magmahal ng iba bukod sa kapatid nya. Kung naging matagumpay ang relasyon ni Sam at Julia, baka tinanggap nya ito kahit hindi sya mahal ng binata. Ganon sya katanga. Pero alam nyang nagbreak na si Sam at Julia sa mismong araw na nagsimula si Daniel na iwasan sya.

Ayaw na nyang tumira sa mundo ng puro kasinungalingan kaya't nagdesisyon syang lumayo na. Dapat ay matagal na nyang ginawa iyon. Sabi ng puso nya ay manatili sya pero natatakot na sya. Natatakot sya na dumating ang araw na hindi nya na matingnan ang sarili nya sa salamin nang hindi sya nakakaramdam ng awa para sa sarili. Natatakot sya na magising ng wala na ang kanyang pride at self-esteem. Kung nakaya nyang mag-move on mula sa ilang taong relasyon kasama nina Jerome at Enrique, siguradong kaya din nyang gawin yun. Besides, 2 months lang naman ang tinagal ng kanila ni Daniel.

But the sad truth is, she gave everything to him. Heart, body, and soul!

Makahulugan syang tiningnan ni Hope. At isang staff ang lumapit dito at may binulong. Napangiti si Hope. "Dumating na ang pamilya mo kasama si Daniel. Sya talaga ang nag-arrange nito for you."

Umusbong ang pag-asa sa puso nya. Mali ba ang mga hinala nya? Kaya ba nakikipagkita si Daniel sa kapatid nya ay para ayusin ang issue nya sa pamilya? Sana ay tama sya.

Nagmamadali syang pumunta sa entrance ng hotel para i-welcome sila. Nakangiti sa kanya ang Lolo nya kaya't agad syang naiyak sa sobrang tuwa.

Hinalikan sya ni Daniel sa pisngi. "Thank you." Bulong nya sa binata.

"I'm sorry." Panimula ni Julia.

"Sorry din." Sagot nya.

"Para saan?"

"Para sa lahat."

Ngumiti sa kanya si Julia. "You didn't do anything wrong. Ako ang may kasalanan. I'm sorry"

"Okay lang."

Sobrang saya ni Kathryn at lubos ang pasasalamat nya. Finally, maayos na ang lahat.

__________

"Lahat to ay gawa mo?" Tanong ng lolo nya habang tinitingnan ang mga litratong kuha nya.

Tumango si Kathryn.

"Magaling ka. They're impressive."

Simpleng mga salita pero sobrang saya nya ng marinig ito. Madalas nyang naririnig ang mga papuring iyon simula nang kumuha sya ng litrato pero hindi nya pa nararamdaman ang ganitong kasiyahan nang marinig nya iyon mula sa Lolo nya. Medyo malamig pa din ang pakikitungo nito sa kanya pero at least ay kinakausap na sya nito. Sa wakas ay naramdaman na rin nito na may pakialam ang matanda sa kanya.

"Umuwi ka na sa mansion." Mahingang sabi ng Lolo nya.

"Lolo..."

"May tiwala ako kay Daniel pero hindi ako kumportable na magkasama kayo sa iisang bahay ng hindi pa kayo kasal. Gusto kong sa bahay ka muna tumira hanggang sa araw ng kasal nyo."

Kinagat nga ang labi nya para pigilan ang luha nya. May pakialam na talaga ito sa kanya ngayon.

"Speaking of Daniel, gusto ko syang makausap. Gusto kong lumipat ka na sa mansion bukas ng umaga."

"Sige po. Hahanapin ko po sya."

__________

All of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon