Antok na antok na inaabot ni Daniel si Kathryn pero wala na ito sa kama. "Baka nasa kusina na at nagluluto ng breakfast." Isip nya. Inabot nya ang unan na ginagamit ng dalaga at niyakap iyon ng mahigpit. Dahan dahan nyang dinilat ang mata nya at narealize nyang wala na doon si Kathryn. Nagdesisyon na sya. Napatitig sya sa parte ng kama na laging hinihigaan ni Kathryn. Namimiss na nya ito.
Pakiramdam nya ay may kulang sa pagkatao nya. Parang hindi na sumisikat ang araw. Binalot sya ng sobrang kalungkutan. Hindi nya inakalang magiging miserable sya nang wala si Kathryn.
Nanatili lamang sya sa kama hanggang sa may nag-doorbell. Nang buksan nya ito ay nakita nya sina Chienna at Hope.
"Andito kami para kunin yung mga gamit ni Kath. Di sya personal na makapunta para kunin kasi nagpunta sya sa Lolo nya para magpaalam." Casual na sabi ni Chienna.
Ineexpect ni Daniel na magagalit sa kanya ang mga kaibigan ni Kathryn pero kung umasta ang mga ito ay parang walang nangyari. Wala man lang bakas ng inis o galit sa mukha ni Chienna. Kinakabahan tuloy sya.
"Sige ieempake ko na." Sabi ni Daniel.
"Wag na." Pigil ni Chienna. "Ayaw na naming maistorbo ka pa. Kami na lang. Turo mo na lang kung nasan."
Sinamahan nya ang mga ito papasok sa kwarto.
"Gusto nyo ba ng maiinom?" Tanong nya habang nageempake ang dalawa.
"Iced tea." Nakangiting request ni Chienna.
"Ikaw, Hope?"
"Malamig na tubig na lang."
"Sige. Saglit lang." Paalam nya at nagpunta na sya sa kusina para ihanda ang mga inumin. Nilibot nya ang paningin nya sa kusina. Malungkot na itong tingnan ng wala si Kathryn. Lagi kasi nya itong nakikita dito na naghahanda ng pagkain. Binuksan nya ang ref at nakita ang paboritong ice cream ng dalaga.
Napabuntong hininga na lamang sya. Lahat halos ng bagay sa bahay nya ay nagpapaalala kay Kathryn. Madami silang alaala dito. Nararamdaman pa rin nya ang presence nito sa bahay. Parang naaamoy pa nga nya ito.
Nang makabalik sya sa kwarto ay nangangalahati na sina Chienna at Hope sa pageempake. Pinanood nya ang mga ito at pilit nyang pinipigilan ang sarili na patigilin ang mga ito sa ginagawa.
"Pinakapakaba nyo ako." Sabi niya sa dalawa. Hindi na nya kaya ang pagtrato ng mga ito sa kanya. "Hindi naman ako magrereklamo kung bigla nyo na lang akong patayin ngayon."
Lumingon sa kanya si Chienna. "Sa totoo lang di na kami galit sayo ngayon. Alam mo kung bakit? Inexpect na namin na mangyayari to. Nakita namin na confused ka noon pa man."
"Alam naming na isang katangahan ang ginawa ni Kath sa pagpasok sa relationship nyo noon pa lang pero di kami nagsalita. Nakita namin kung gaano sya kasaya na kasama ka at mahal na mahal ka nya." Dagdag pa ni Hope.
He was that obvious?
Oh God, he is so unworthy!
__________
Huminga ng malalim si Kathryn bago pa nya binuksan ang pintuan. Naroroon sya sa library para magpaalam sa Lolo nya. Napakahirap para sa kanya na umalis uli pero kailangan nyang gawin ito. Hindi nya kayang makitang magkasama sina Julia at Daniel. Sooner or later ay paniguradong magpapakasal ang mga ito at hindi nya pa kayang tanggapin na magiging hipag sya ni Daniel.
Balang araw ay matatanggap din nya ang masakit na katotohanang iyon pero sa ngayon kailangan muna nyang lumayo sa Pilipinas. Broken hearted lang sya pero tumitibok pa naman ang puso nya. Buhay pa sya. Dadating din ang araw na matitingnan nga si Daniel nang walang nararamdaman para dito.
"Kathryn." Tawag ng Lolo nya.
Ngumiti sya sa matanda habang pinipigilan ang mga luha nyang nagbabantang tumulo. Hindi nya alam kung kelan uli sila magkikita. Sana lamang ay malakas pa ito pagdating ng panahong kaya na nyang bumalik sa Pilipinas.
"Dumaan lang po ako para magpaalam." Mahinang sabi ni Kathryn.
Nakita nya ang kalungkutan sa mga mata ng Lolo nya. Tumango lamang sa kanya ang matanda. Tumalikod na sya bago pa nya ipahiya ang sarili nya at humagulgol doon. Gusto nya itong yakapin at halikan pero di nya magawa.
"Salamat at binalik mo si Daniel sa kapatid mo." Lalabas na sana si Kathryn ng marinig ito.
Hindi nya ito sinagot.
"Mag-iingat ka ha?" Narinig nya muli at bade sa tono ni Don Roberto ay tila umiiyak ito. "Wag ka ng maghintay ng sampung taon pa bago ka bumalik dito. Baka hindi na ko tumagal ng ganoon katagal." Agad na humarap sa kanya si Kathryn at tumakbo papalapit dito. Nag-aalinlangan man ay niyakap nya ito. Niyakap din sya pabalik ng matanda na para bang napakaimportante nya sa buhay nito. Naiyak sya.
Hinalikan sya ni Don Roberto sa noo. "Umuwi ka agad kapag naghilom na ang sugat sa puso mo. Bigyan mo ako ng pagkakataon na makabawi sayo sa mga nagawa ko. Alam kong hindi kita nabigyan ng sapat na oras para ipakita na mahal kita. Patawarin mo sana ako, Kathryn. At maniwala ka sana na mahal kita, apo."
Baka nga talagang mahal sya ng Lolo nya pero nabulag sya sa pagseselos at di nya ito nakita. Buong buhay nya ay akala nya na kay Julia lang ito may pakialam. Ngayon alam nyang importante din sya sa matanda.
"Promise ko pa na babalik ako dito pag naka-move on na ko." Pinunasan nya ang luha sa mga mata ng Lolo nya. "Mag-iingat din po kayo at alagaan nyo ang sarili nyo, I love you, Lolo."
"I love you too, hija." Nakita nya sa mga mata ng Lolo nya ang sincerity habang sinasabi iyon. Lalo lang syang naiyak.
__________

BINABASA MO ANG
All of Me
General Fiction'Cause all of me loves all of you... Love your curves and all your edges... Your perfect imperfections...