Chapter 34

15.2K 287 25
                                    

Pinikit ni Daniel ang mata nya at naghanda ng matulog. Ilang oras mula ngayon ay makikita na nya uli si Kathryn. Lumipad sya papuntang New York. Hindi na sya makapaghintay. Gusto na nya itong makita. Gusto nya na itong halikan. Gusto nya itong yakapin ng mahigpit. Gusto nyang sabihin na mahal na mahal nya ito. Gusto nyang sabihin na he was nothing without her.

Magsisimula uli sila. Sa pagkakataong ito ay totohanan na. Pang-habang buhay.

Hindi nya ipipilit ang sarili nya. Unti unti nyang papasukin uli ang puso ng dalaga. Papatunayan nya dito na karapat dapat sya. Wala syang pakialam kung gaano katagal syang maghihintay. Wala na rin syang pakialam kay Lloyd. Sisiguraduhin nyang mawawala na ito sa buhay nila sa lalong madaling panahon.

Papakasalan nya si Kathryn at magkakaroon sila ng mga anak.

"Salamat, Lolo. Pinapangako ko po sa inyo na bibigyan ko kayo ng maraming apo para ma-spoil nyo. Utang ko yan sa inyo. Aalagaan ko sya at papasayahin palagi."

__________

"How could you do that to me, Lolo?!" Sigaw ni Julia habang prenteng nakaupo lang sa sofa ang Lolo nya.

Nakatitig lang si Don Roberto sa apo nya. Kaka-aanounce nya lang sa lahat na hindi na tuloy ang kasal. Alam nya kung gaano nya nasaktan si Julia pero enough is enough. Hindi nya hahayaang sirain nito ang dalawang taong nagmamahalan dahil sa pagiging selfish ng dalaga. Kailangang matuto ni Julia ng leksyon. Pinigilan nya ang sariling lapitan ang apo at amuin, gaya ng ginagawa nya dati. Hindi na nya pwedeng gawin iyon.

"Tanggapin mo na, Julia. Si Kathryn ang mahal ni Daniel. Wag mo ng lokohin ang sarili mo. Alam ko naman si Sam talaga ang mahal mo. Nakita ko kung paano mo sya tinitingnan ng buong pagmamahal. Ginagamit mo lang si Daniel para saktang ang kapatid mo noong umpisa pa lamang."

"Hindi yan totoo!"

"Nakita mo kung gaano kamahal ng kapatid mo si Daniel noong bata pa lang kayo kaya't lahat ay ginawa mo para nakawin sa kanya ang kaligayahan nya. Nagtagumpay ka noon, pero hindi na ngayon. Sinisi mo sya sa nangyari sa pamilya mo. Iniisip mo na sya ang may kasalanan sa pagtataksil ng Papa mo. Pero walang kinalaman doon si Kathryn. Nainlove ang Papa mo sa babaeng iyon sa hindi tamang panahon. Tigilan mo na ang pagpapahirap sa kapatid mo dahil pinapahirapan mo din ng sarili mo."

"Kinuha ni Kathryn ang lahat sa akin." Patuloy na pagluha ni Julia. "Mas minahal sya ni Papa kesa sa akin. Sila ng Mama nya kinuha nila ang Papa ko sa akin. Namatay ang Mama ko out of depression. Pinatay nya ang Mama ko! Kinuha ka din nya sa akin, Lolo. Mas mahal mo sya!"

"Hindi yan totoo!" Bahagyang tumaas ang boses ni Don Roberto. "Binigyan kita ng lahat ng pagmamahal na kailangan mo, sobra pa nga. Pinili kong balewalain ang kapatid mo dahil alam ko ang nararamdaman mo. Pinabayaan ko sya. Hindi ko sya pinansin. Nagpanggap ako na hindi sya nag-eexist. Lahat yun ay dahil sayo. Ayokong maramdaman mo na kulang ka sa pagmamahal."

"Itigil mo na ang pagsasabi ng mga kasinungalingang yan, Julia. Utang na loob."

"Ah talaga? Alam mo ba kung ano ang una kong achievement sa school? Naaalala nyo ba kung anong contest ang una kong sinalihan? Pupusta ako na hindi. Pero alam mo ang lahat tungkol kay Kathryn. Andun ka pa nung unang beses syang sumali sa photography contest na ibang pangalan ang ginamit nya. Buong buhay ko si Sam ang gusto ko pero hindi ko sya makasama kasi pinilit ko ang sarili kong mahalin si Daniel para saktan si Kathryn. Gusto kong kunin lahat ng gusto nya gaya ng ginawa nya sa kin."

Nakatulala si Don Roberto kay Julia. Hindi sya makapaniwalang kinimkim nito ang lahat ng iyon sa loob ng maraming taon. Buong akala nya ay simpleng sibling rivalry lang ang lahat. Hindi na nya alam ang gagawin nya. Ayaw na nyang mamili uli. Wala na syang maraming oras. Sooner or later ay mawawala na sya at ayaw nyang maiwan ang mga apo nyang may galit sa isa't isa. Magkapatid pa rin ang mga ito kahit anong mangyari. Gusto nyang maging masaya ang mga ito sa oras na mawala sya sa mundo.

All of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon