Chapter 9

12.2K 292 48
                                    

Mara and Enrique's Wedding Day

"Kath, pwede bang tigilan mo na yan?" Inis na sabi sa kanya ni Enrique.

"Ang alin?" Inosenteng tanong nya.

"Hindi ikaw ang official photographer namin kaya tigilan mo na ang pagkuha ng pictures. Andito ka para mawitness ang kasal namin, hindi para picturan kami." Segunda naman ni Mara.

"Pero ang ganda kasi ng garden wedding nyo. Hindi ko mapigilan ang hindi magpicture. It's perfect. Mararamdaman mo ang pagmamahal nyo sa isa't isa. Wag kayong mag-alala part lang to ng personal collection ko. Makakaasa kayong hindi ko ito ibebenta o kaya ididisplay sa gallery ko."

Nagulat sya nang may bigla na lang may umakbay sa kanya. "Ang ibig sabihin nina Enrique at Mara ay nakakatawa kang tingnan na nakasuot na gown pero may nakasabit na camera sa leeg." Pang-aasar ni Daniel.

"Ang sama mo!" At pabiro nya itong hinampas sa dibdib.

He groaned in pretend pain. At walang anu-ano'y hinila sya nito papunta sa dance floor. Tinanggal ni Daniel ang camera sa leeg nya habang naglalakad sila at kumuha ito ng isang puting rosas mula sa isang flower arrangement sa lamesa at inilagay iyon sa may tenga ng dalaga.

"Now, you look prettier." Malambing na sabi nito sa kanya at hinila sya papalapit sa katawan ng binata.

She smiled habang nilagay nya ang mga kamay nya sa leeg ni Daniel. Buong pagmamahal nyang tiningnan ang mukha nito. She felt sixteen again. She guessed that the little girl would always live within her.

"Nasaan ang kapatid ko?" Tanong nya kay Daniel.

"Sabi nya pupunta lang sya sa CR. Alam mo naman yun masyadong conscious sa itsura nya kahit na maganda naman sya kahit anong gawin nya."

She smiled sadly, feeling so insecure.

Matapos ang halos 20 minutes na pagsasayaw ay hinila na naman sya ni Daniel papunta sa isang part ng garden kung saan hindi pwedeng pumunta ang mga guests. Ito ang private garden ng ina nina Mara at Daniel. Maraming roses doon na may iba't ibang kulay at meron ding malaking greenhouse.

"Anong gagawin natin dito?" Hinihingal na tanong nya sa binata.

"Meron akong gustong ipakita sayo." Nakangiting sabi nito habang binubuksan ang isang jewelry box.

She gasped aloud upon seeing a diamond ring in the box.

"Ang ganda." Puri nya dito.

"You liked it?

"Like is an understatement, Daniel. Hindi mo ba alam na diamonds are a girl's bestfriend? I love it."

"May magbibigay din sayo ng diamond ring in the future, Kath." Malambing nitong sabi sa kanya. "Magppropose na ko sa kapatid mo mamaya pagkatapos ng reception." Excited na sabi pa nito.

Agad na nawala ang mga ngiti ni Kathryn. Oh God! Lalo pang nagiging complicated ang sitwasyon.

"M-m-mabuti kung ganon. I'm happy for you." Pinilit nya ang sariling ngumiti.

"Hindi ka mukhang masaya, Kath. Hindi ka ba natutuwa na finally mabibigyan na kita ng mga pamangkin gaya ng request mo sa kin?"

"Syempre masaya ako. Bakit naman ako hindi magiging masaya?" Nagawa nyang magmukhang talagang masaya pero sa loob loob nya ay worried sya.

Ngumiti sa kanya si Daniel at hinawakan sya sa kamay. Hinila sya nito muli papunta sa greenhouse.

"Gusto kong tulungan mo akong iarrange ang greenhouse. Dito ako magppropose. Isa kang photographer kaya alam mo kung anong magandang gawin para mas maganda ang effect." Masayang sabi ni Daniel bago buksan ang pintuan ng greenhouse.

Pero bago pa sya makasagot ay nanlaki ang mga mata nya sa nakita. Sam and Julia in a passionate kiss. Agad syang tumingin kay Daniel para makita ang reaksyon nito. Hurt, shock, and anger were in his eyes pero agad nyang naitago ang mga ito. He remained emotionless.

Naramdaman ata ng dalawang taong naghahalikan na may nanonood sa kanila kaya't tumigil sila. Shock immediately registered on the two.

"Daniel." Bulong si Sam at hindi ito makagalaw sa kinatatayuan.

Bumaling si Julia kay Kathryn. "Sabi mo sa kin hindi ka magsusumbong sa kanya!" Pagaakusa nito sa kanya. "Hindi ba sabi ko na sasabihin ko naman pagkatapos ng kasal. Hindi ako makapaniwalang nagawa mo to, Kath!"

Magsasalita sana sya pero naunahan sya ni Daniel.

"Gaano katagal nyo na akong niloloko?" Malamig na tanong nito.

"Daniel." Bulong ni Julia.

"Let me explain, Daniel." Singit ni Sam.

Tinaas ni Daniel ang kanang kamay para patahimikin ang kaibigan. Humarap ito kay Julia. "I guess, patas lang pala tayo."

And to Kathryn's amazement ay hinapit sya ni Daniel sa bewang at hinalikan ng mariin. Masyado syang nagulat para makapagreact pa.

She heard her sister's loud gasps.

Pinakawalan ni Daniel ang mga labi nya at hinarap ang dalawa na gulat na gulat din kagaya nya. Nasa bewang pa din nya ang mga kamay ni Daniel.

"I like your sister." Sabi ni Daniel kay Julia. "Siguro ay nagsawa na din ako sa relasyon natin. I think I'm falling for her." Pagkatapos ay inilabas nito ang singsing at inilagay sa daliri ni Kathryn. "In fact, I want to marry her."

Alam ni Kathryn na ginagamit lang sya ni Daniel to save his ego, pero bakit hindi nya ito matanggihan?

"Oh my God! I cant believe this!" Sigaw ni Julia.

"Better believe it now, Julia. Mas pinadali mo nga ang mga bagay para sa amin. Thank you." Pagkasabi ni Daniel noon ay hinila na sya nito palabas ng greenhouse.

__________

All of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon