Chapter 24

14.4K 339 152
                                    

"Anong gagawin natin dito?" Tanong ni Daniel kay Julia. Nasa tagong parte sila ng garden sa hotel kung saan ginaganap ang exhibit ni Kathryn.

"Diba dati lagi mo akong kinaladkad sa garden pag nabobore ka na sa mga parties?"

"Dati yun."

"Lagi mo kong niyayakap at hinahalikan." Nanunuksong sabi pa ni Julia while her fingers started drawing small circles on his chest.

Hindi makapag-salita si Daniel. He hates himself for being affected.

"Julia, boyfriend ako ng kapatid mo." Saway nya dito. "Respetuhin naman natin sya. Nasa exhibit nya tayo!"

"Mahal mo pa din ako. Wag mong lokohin ang sarili mo, Daniel. Wag mo na ring lokohin ang kapatid ko."

He clenched his fist.

Matagumpay na ngumiti si Julia. Hinawakan nito ang mukha ni Daniel at hinila papalapit. Sinubukan ni Daniel na lumayo but the urge to kiss her is strong. Hinalikan nya ang dalaga. He kissed her hungrily.

"I love you too." Bulong ni Julia. Pinutol ni Daniel ang halik at tinitigan ito sa mga mata.

"Talaga?"

"Mahal kita. Narealize ko yun nung kami pa ni Sam. Hindi ko makalimutan ang mga memories natin for ten years. Gusto ko uli na makasama ka, Daniel. Give me a chance. Alam kong mahal mo din ako. Let's be together again."

"Pano si Kath?" Naguguluhang tanong ni Daniel. Hindi na nya alam ang iisipin. Hindi sya sigurado kung sino ang totoong mahal nya. Hindi nya alam sino ang pipiliin.

"Maiintindihan naman nya. Kilala ko sya. Lagi syang nagpapaubaya para sa happiness ng iba."

"Hindi ko alam. Naguguluhan ako."

"Kakausapin natin sya. We will explain."

Mariing pinikit ni Daniel ang mata nya at hinila nya uli si Julia para halikan. Hindi nya alam kung tama ba ang desisyon nya pero pinapaubaya nya na lang ang lahat sa kapalaran.

__________

Kathryn stood numbly sa harap ng dalawang taong naghahalikan. Kanina pa nya hinahanap si Daniel pero di nya ito makita hanggang may nakapagsabing nakita daw ito sa may garden. Nagmadali syang pumunta doon at naabutan nyang naguusap ang dalawa kung gaano nila kamahal ang isa't isa. Gusto nyang saktan ang mga ito pero nanghihina sya. Lahat ng pag-asa nya kanina ay naglaho agad. Hiling nya ay sana bumukas ang lupa at lamunin sya.

"Tama ka. Maiintindihan naman ni Kathryn." Narinig nyang sabi ni Daniel.

Gumuho ang mundo nya.

"Yan ba ang tingin nyo sa kin?" Bigla syang nagsalita na ikinagulat ng dalawa at napalingon sa kanya. Bakas ang shock sa mga mukha nito. "Okay lang na saktan ako kasi maiintindihan ko naman? Ibig nyong sabihin na I deserve this because it's fucking okay with me? Tao din ako! For a moment umasa ako na may pakialam ka sa nararamdaman ko. Sa tingin mo ba hindi ako masasaktan pagkatapos nito? Daniel binigay ko sayo lahat!"

"Kath." Naglakad papalapit sa kanya si Daniel pero tinaas nya ang isang kamay para patigilin ito.

"Hindi ko alam kung ano bang meron ako to always deserve this." Umiiyak na sabi nya. "Pagod na pagod na ko."

Humarap si Daniel kay Julia. "Pwede bang iwan mo muna kami?"

Tumango si Julia at naglakad palayo.

All of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon