Chapter 5

17K 318 39
                                    

Present.

Nagdoorbell si Kathryn sa isang bahay. Isang matandang babae ang nagbukas ng gate at nginitian nya ito.

"Pwede ko po bang makausap si Mr. Mendoza?" Magalang na tanong nya.

Gumanti naman ng ngiti ang matandang babae. "Halika hija, pasok ka." Pinagbuksan sya nito ng pintuan. "Isa ka ba sa mga dati nyang estudyante?"

"Opo."

"Sige, tatawagin ko lang sya. Nasa kusina kasi sya."

She roamed her eyes around the living room. Ang mga dingding nito ay puno ng mga litrato ng mga dati nitong estudyante. May nakita syang isang picture ng isang batang babae na nakasuot ng pink na dress. Napangiti sya doon at nilapitan ang litrato. Pinadala nya ito sa guro ilang taon na ang nakalipas.

"Kathryn?" Someone uttered in surprise.

Ngumiti sya sa dating guro nya na may katandaan na ngayon. "Hello, Sir." Lumapit sya dito at niyakap.

"Kamusta ka na?" Malumanay na tanong ni Mr. Mendoza.

"Mabuti naman po."

"I'm so proud of you."

Tears stung in her eyes. Sobrang say nya sa narinig. Pinaghirapan nya ng sampung taon para marinig ang mga katagang iyon and it's worth it.

"You did very well." Patuloy ng guro habang pinupunasan ang luha sa mata ni Kathryn.

Umiyak na lamang ng tuluyan si Kathryn at nagpasalamat sa guro.

__________

She filled her lungs with fresh air. Nasa paboritong spot nya si Kathryn sa park. Napalitan na ang dating bench na madalas nyang upuan, but the feeling was still the same. This spot held so many stories about her. Nostalgia rushed through her whole being.

Tumingin sya sa paligid. Namiss nyang gawin iyon. Sa America, may nahanap din syang special bench. Iyon ay nasa Central Park sa ilalim ng isang Maple Tree, pero ang spot na inuupuan nya ngayon meant a whole lot more. Dito sya unang bumuo ng mga pangarap. Dito nya inamin sa sarili nyang mahal nya si Daniel. Dito sya laging umiiyak whenever she feels so alone.

Zinoom nya ang lens nya at kumuha ng mga pictures. She felt like she was 16 again. Hindi mapawi ang ngiti sa mga labi nya at nagulat sya nang may nag-abot sa kanya ng cone ng ice cream. Napatingala agad sya.

Daniel.

"Dejavu?" Nakangiting bati nito sa kanya.

She chuckled habang tinatanggap ang ice cream. Dinilaan nya ulit ang gilid nito.

Naupo si Daniel sa tabi nya at nang-aasar na ginulo ang buhok ng dalaga.

She pouted and swatted his hands away. "Twenty six na ko, hindi na sixteen."

Tinawanan lamang sya ni Daniel. "Sorry, Kath. Siguro nga nagdalaga ka na. Ang Kathryn kasi sa utak ko ay little girl pa rin. It's been 10 years pero feeling ko parang kahapon lang tayo huling tumambay dito."

"Dito ako nagsimula." She said while roaming her eyes around.

"Balita ko magaling ka ng photographer."

"Sino naman nagsabi sayo nyan?"

"Isang kaibigan."

Ngumiti lamang si Kathryn.

"Alam ko naman kahit noon pa man na you will succeed. I never doubted that. Nakita ko ang isa sa mga works mo and masasabi kong magaling ka talaga."

Napakunot ang noo ng dalaga. "Anong work ko naman ang nakita mo?"

"Yung Beggar portrait." He glanced at her sideways.

She smiled tenderly. "Binigay ko yun kay Jerome after I won the grand prize dahil sa picture na yun."

"Nabalitaan ko nga."

"Iyon ang unang work ko na nanalo sa isang contest. Madami na kong sinalihang contests dito at sa America pero hindi ako nananalo until that picture. Binigay ko yun kay Jerome dahil sya ang dahilan bakit ako sumali sa contest na yun. Pinilit nya ko hanggang pumayag ako."

"Paano kayo nagkakilala ni Jerome?"

Kathryn smiled meaningfully.

--FLASHBACK-

Eight years earlier.

Nakaupo si Kathryn sa paborito nyang bench sa Central Park. Nung una syang makarating sa park na iyon, ang bench sa ilalim ng Maple Tree agad ang nakakuha ng attention nya. Naalala nya ang paborito nyang bench sa Pilipinas. Nagsimula na naman syang kumuha ng pictures ng mga tao at bagay sa paligid.

Busy sya sa pagkuha ng mga litrato nang may nag-abot sa kanya ng ice cream. Agad syang tumingala expecting na si Daniel iyon pero hindi.

It's a stranger. A stranger with soft features. Nakangiti ito sa kanya. Ngumiti na lang sya at tinanggap ang ice cream. Siguro ay baliw sya to trust a stranger pero wala na muna syang pakialam. She needs a friend. She needs someone to talk to.

"Pinoy?" Tanong sa kanya nung lalaki at naupo sa tabi nya.

Tumango sya habang kinakain ang ice cream. Naalala nya si Daniel. Namimiss na nya ito.

"Pinoy din ako pero dito na ko nakatira simula nung 15 pa lang ako."

"Salamat sa ice cream."

"Nagustuhan mo yung flavor?"

"Oo."

He sighed in relief while smiling. "May sasabihin ako pero sana wag kang matakot. Alam mo bang I've been watching you from afar for a year now?"

"Stalker ka ba?" Hindi naman sya kinakabahan dito.

"Parang ganun na nga." Natawa ito. "Pero wag kang matakot. Gusto lang kitang pagmasdan. It makes me feel better everytime I see you smile. You had the sweetest smile my eyes had ever laid on."

"Bolero." Asar nya nito. She felt flattered. Wala pang nagsasabi ng ganun sa kanya. Nagblush tuloy sya. Dapat syang kabahan pero nararamdaman nyang mabuting tao naman ang kausap.

"Jerome Ponce." He offered his hand for a handshake.

"Kathryn Bernardo."

__________

"I won!" Sigaw ni Kathryn habang niyayakap si Jerome ng mahigpit.

"Sweetheart, hindi ako makahinga." Jerome choked dahil sa higpit ng pagkakahawak ni Kathryn sa leeg nya.

Pero hindi pa rin sya pinakawalan nito. "Thank you." Bulong ni Kathryn.

Jerome's face softened. He made her face him at sa wakas ay nakita nya din ang happiness sa mga mata nito. Yun ang importante. Her happiness will always be the only thing that will matter to him. Gusto nyang makita ang mga matang iyon na may sobra sobrang kasiyahan. He would trade everything for her happiness.

Hinalikan nya ito sa noo, sa ilong at sa labi.

Pumikit si Kathryn to savor his gentle kiss. Ito ang first kiss nya and she's glad it's Jerome. Jerome isn't Daniel, pero she wants to give it a try. Mamahalin din nya ito at makakalimutan nya si Daniel.

Yes, she can forget him.

--END OF FLASHBACK-

"Hindi mo sinagot ang tanong ko." Daniel's voice brought her to the present.

"Nagmeet kami sa Central Park two years simula nung umalis ako dito. Isa syang painter at sikat sya doon. Nagclick kami agad dahil pareho kaming artists at madali naming naiintindihan ang isa't isa."

"Eh si Enrique naman. Paano mo nakilala?"

Natawa na lang si Kathryn. "Naging pasyente nya ako noon. Nainis sa akin. Sabi nya I'm his most impossible patient pero eventually ay naging friends din kami."

"So nagkakilala sila ni Mara dahil sayo?"

"Wala bang nakwento sayo si Mara?"

"Tungkol sa kung paano sila nainlove? Sabi nya lang ay may girlfriend si Enrique for two years nung nainlove sya dito."

"Ako yung ex-girlfriend ni Enrique." She said non-chalantly.

Natigilan si Daniel. He's gaping at her like a fish out of water. Nakakatawa ang itsura nito. She zoomed her lens at kinunan ito ng picture.

"Kathryn!" Saway nito sa kanya.

Nagpakawala si Kathryn ng malakas na tawa. "Okay lang ako."

Daniel's face softened nang makita nyang tumatawa si Kathryn. Sobrang ganda nito pag tumatawa ng ganun. "Kamusta ka naman for the last 10 years?" Tanong nito sa dalaga.

"The first year was total hell. Nahirapan akong mag-adjust sa Western living pero nakasanayan ko na rin. Nagstay ako sa school dorm habang naghahanap pa yung agent ni Lolo ng bahay para sa kin. Konti lang ang kaibigan ko doon pero sapat naman na. Jerome and I worked in an art gallery pagka-graduate ko dahil painter sya at photographer naman ako. Tapos nagpakasal sya at tumira na dito, ako naman naiwan magisa doon. Yung friend ko na secretary ko din ngayon ay nagsuggest na magtayo ako ng sarili kong photo gallery. Nagsisimula pa lang akong magestablish ng career noon kaya nung una tumanggi ako pero eventually ginawa ko rin at kahit nagsimula sa maliit eh naging stable din naman."

"You did a great job." Bati ni Daniel sa kanya, admiration in his eyes.

"Hindi naman iyon naging madali. I experienced a lot of hard work, pero worth it naman. It's a dream come true. Ikaw? Anong nangyari sayo for the last 10 years?"

Nagkibit balikat si Daniel. "Wala naman masyadong dapat ikwento. Pagka-graduate ko ay inassume ko ang position ni Daddy sa kumpanya. 3 years pagkatapos mong umalis ay nagmigrate ang pamilya ni Sam sa London at kababalik nga lang nya kelan lang. Sina Julia, Janella at ako naiwan dito at pinakasalan ni Janella si Jerome. After a year, meron na silang anak na babae."

"Medyo inexpect ko na kasal na kayo ng kapatid ko pagbalik ko. Kaya nagtataka ako bakit hindi pa rin nangyayari yun."

"Wag ako ang tanungin mo. Tanungin mo sya. Hindi ko nga alam what's wrong with her. Lagi nya kong tinanggihan whenever I ask her to marry me."

"Gusto ko nang magkaroon ng pamangkin, ano ba yan!" Nakangiting sambit ni Kathrn. "Gawan mo naman ng paraan!"

He smiled sadly. "Gusto ko rin yun. Gusto ko magkaroon ng maraming anak. I wanna see little Daniels and Julias na naglalaro sa park. Gusto kong umuwi sa bahay kung saan naghihintay sa kin ang asawa at anak ko. I'm turning 30 next year, sana naman tulungan mo kong kumbinsihin ang kapatid mo to build a family with me."

"With pleasure, bayaw-to-be." Tapik nito sa balikat ni Daniel. "Ipangako mo lang na lagi mong mamahalin ang kapatid ko at bibigyan mo ako ng maraming pamangkin para ispoil."

"Alam mo naman kung gaano ko kamahal ang kapatid mo. This..." He pointed to his heart. "...heart will only beat for her."

She felt a sharp pain sliced in her heart. Pamilyar ang sakit na iyon gaya ng naramdaman nya when she was only 16 and hopelessly in love with him. Possible kayang in love na naman sya dito?

All of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon