10 years ago.
Excited na binuksan ni Kathryn ang envelope. Nilalaman noon ang lahat ng pictures na nakunan nya noong buwang iyon. A contented smile curved upon her lips ng makita ang mga litrato. Not bad. She's improving.
Hinaplos nya ang isa sa mga litrato. Daniel, her secret love happens to be her sister's boyfriend. Isa iyong stolen shot. Nakangiti ang binata and love is in his eyes. Nakatingin sya sa kapatid nya when she took that photo.
Nagkaroon sya ng crush dito nung una pa lang nya itong nakilala. Mas nauna silang nagkakilala ni Daniel bago pa man ito nakilala ng kapatid nya. Sya pa nga ang nagpakilala sa binata at sa kapatid nya and he was instantly smitten. Her young heart broke into tiny million pieces then. Pero wala naman syang nagawa. She's nothing compared to her sister.
Kuntento na syang pagmasdan ang binata mula sa malayo, taking his picture. Akala nya makakaget-over din sya sa pagkakaroon nya ng crush dito pero ang crush ay naging infatuation and the infatuation turned into love. Sigurado sya doon. Mahal na nya ito.
Umaasa pa rin sya na isang araw ay titingnan sya ni Daniel gaya ng pagtingin nito sa kapatid nya. She hopes someday ay mamahalin rin sya nito gaya ng pagmamahal nito sa kapatid nya.
Naabala ang pagmumuni muni nya ng isang katok sa pinto. Itinago nya agad ang mga pictures sa drawer. Binuksan nya ang pinto at nakita si Sam na may hawak na mga mamahaling chocolates.
"Pwede bang dito muna ko?" Tanong ni Sam sa kanya.
Naghalukipkip sya. "Hindi pwede."
"For you." Inabot sa kanya ni Sam ang isang box ng chocolates and she smiled at him.
"Punta tayo sa video room at manood ng movie." Hinila nya ang binata palabas ng kwarto nya. "Hulaan ko, hindi tinanggap ni Julia ang chocolates kaya sa kin mo binigay noh?"
"Don't add insult to the injury, Kath."
"Hindi ka na natuto. Hindi kakain ng ganito si Julia kasi it will ruin her perfect body."
Sumimangot si Sam. "Sana nakita mo kung pano sya ngumiti nung binigyan sya ni Daniel ng isang bouquet ng roses."
"Andito din si Daniel? Nasaan?" Excited na tanong nya at hindi na pinansin ang sinabi ni Sam about the roses.
"Kasama ng kapatid mo nasa garden nyo talking about their future. Kung ilang anak yung gusto nila at anong theme ng kasal nila. Nainis lang ako kaya iniwan ko sila dun."
She smiled bitterly. Nadurog ang puso nya.
Nanood na lang sila ng movie habang kinakain ang chocolates na dala ni Sam. Sam and Daniel were best of friends simula bata pa lang sila. Alam nyang gusto din ni Sam ang kapatid nya pero hindi nito magawang agawan ang kaibigan nya. At mukhang mas gusto naman ni Julia si Daniel kesa kay Sam. The two were very vocal about their fondness over her. Lagi nilang sinasabing sobrang sweet nya and she has the cutest smile. At pareho din silang gusto syang maging kapatid. Papayag naman agad syang maging kapatid ni Sam, pero never kay Daniel.
__________
Nakatitig si Daniel kay Julia. Admiration is on his eyes. Sya ang pinakamagandang babaeng nakita nya. Sigurado syang hindi sya magsasawa sa mukhang iyon. Mahal na mahal nya ito, alam nya iyon unang beses pa lang silang nagkakilala. His heart promised to love this woman as long as he could. Nangako din ang puso nyang sya lang ang babaeng mamahalin.
Hahalikan nya sana ito sa lips nang biglang narinig nilang tumili si Kathryn out of nowhere kasunod na malakas na tawa ni Sam. Matapos ang isang minute ay nakita nilang tumatakbo si Kathryn palabas ng bahay. Hinahabol sya ni Sam, na puro chocolate ang mukha. Para pala kay Kathryn ang chocolates, sabi ni Daniel sa isip nya. Nakita nyang hinawakan ni Sam sa bewang si Kathryn at binuhat ito na parang sako sa balikat nya. Nagpupumiglas naman si Kathryn pero tawa pa rin ng tawa.
"Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa gwapo kong mukha." Natatawang banta ni Sam habang binubuhat si Kathryn papasok sa bahay.
"Gwapo? San banda?" Narinig nyang sagot ni Kathryn sabay tawa.
Ang susunod na mga narinig nya ay ang malalakas na tawanan at sigawan mula sa loob ng bahay.
"Gustong gusto ni Sam ang kapatid ko." Biglang sabi ni Julia.
"Sino ba naman ang hindi?" Sagot nya. "She's so adorable."
Ngumiti si Julia pero hindi iyon umabot sa kanyang mga mata.
__________
Nasa paboritong spot nya si Kathryn sa park. Isa iyong bench sa ilalim ng puno at makikita mo ang mga tao mula doon. Gustong gusto nyang nagmamasid ng mga tao simula bata pa lang sya. Hindi nya alam bakit pero gusto nyang pagmasdan ang mga expression ng iba't ibang tao. At gusto nyang macapture lahat ng iyon sa camera nya.
12 years old sya ng una syang magkaroon ng camera. Nag-ipon sya mula sa allowance nya para makabili sya noon. Madali naman sana para sa kanya na humingi na lang ng pera mula sa Lolo nya at sigurado syang bibigyan sya agad nito ng hindi man lang nagtatanong pero ayaw nya. Inaral nyang mabuti ang pagkuha ng litrato gamit ang iba't ibang anggulo. Gusto nyang maging isang magaling na fine arts photographer balang araw.
At pag dumating ang panahong iyon, Roberto Bernardo will be proud of her. Ipagmamalaki nya sa buong mundo na meron syang apo na isang magaling na photographer.
Ilang beses na rin syang sumali ng mga photography contests gamit ang iba't ibang identity dahil natatakot syang baka ma-disappoint na naman ang lolo nya. Ayaw nyang masabihan sya ng ibang tao na dinungisan na naman nya ang apelyido nila. Hindi man sya nanalo sa kahit alin sa mga contests na iyon, hindi naman naapektuhan ang self-esteem nya. Someday, titingalain din sya ng buong mundo.
Her thoughts were interrupted nang makakita sya ng isang batang lalaki na nadapa pero hindi ito umiyak. At nakita nya ang isang babaeng tumatakbo papalapit sa bata pero imbes na yakapin ito ay pinalo pa ito sa pwet. Saka lamang umiyak ang bata.
Ni-zoom nya ang lens nya para icapture ang moment na iyon. Napangiti sya habang pinapanood na pinapalo ng nanay yung bata. Buong buhay nya ay hindi nya iyon naranasan. Minsan ay pinalo ng lolo nya si Julia, at ang nakakatawa ay kahit na ganoon ang sitwasyon, pinangarap pa rin nyang sana sya ang nasa lugar ng kapatid nya. Para sa kanya, action is the odd way of showing love and concern.
Habang nakatitig pa din sya sa mag-ina ay nagulat sya dahil may nag-abot sa kanya ng ice cream. Tumingala sya para tingnan kung sino iyon. Bigla syang napangiti.
Si Daniel.
Agad nyang tinanggap ang ice cream at dinilaan ang gilid nito. Natawa sa asal nya si Daniel at ginulo ang buhok nya. Nagpout sya dito. Lagi sya nitong tinatrato na parang bata pero wala na syang pakialam basta magkasama sila.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong nya kay Daniel.
Nagkibit balikat lang ito. "Di ko din alam. Parang naisip ko lang na gusto kong pumunta sa park ngayon." Sumandal ito sa bench at tumingala sa langit.
She is an enthusiast of beautiful things and Daniel is a very good subject. Walang anu-ano'y, kinuhanan nya ito ng picture.
"Hindi ako magandang subject, Kath." Nakangiting sita nito sa kanya.
"Sino nagsabi?"
"Ako." At pabirong kinurot sya nito sa pisngi.
"Daniel!" Sinubukan nyang kurutin din ang pisngi ng binata pero hinawakan nito ang kamay nya. Kinuha ni Daniel ang ice cream at pinahid ito sa pisngi ni Kathryn.
Pinakawalan sya nito at tumakbo papalayo. Hinabol nya ito.
"Lagot ka sa kin!" She said while running at pinupunasan ang pisngi nyang puno ng ice cream. Ang lagkit noon pero sobrang saya na feeling nya ay sasabog ang puso nya.
__________
"Let's call it a day." Sabi ni Mr. Mendoza ang 45-year old art teacher nilaa. "Siguraduhin nyong ipapass nyo ang assignment nyo next meeting."
"Bye, Sir." Paalam ng klase.
"Ms. Bernardo, maiwan ka muna saglit." Pigil sa kanya ng guro bago pa man makatayo si Kathryn sa kinauupuan nya.
Tiningnan nya si Mara na nag-aayos ng bag nito. "Hintayin na lang kita sa cafeteria." Sabi nito at saka lumabas na ng classroom.
Inabutan sya ni Mr. Mendoza ng isang envelope at napataas ang kilay nya.
"Buksan mo." Utos nito.
Nanlaki ang mata nya nang makita ang laman noon. Application para sa New York Institute of Photography!
"I'm 100% sure you'll pass. Magpadala ka lang ng mga sampung works mo."
"Pero wala po akong pictures na isusubmit." Sabi nito sa guro.
"Kayang kaya mong makakuha nyan in one week, Kathryn. I trust your talent. Gamitin mo lang ang creativity mo."
"Hindi ako papasa." Nakayukong bulong nya. "Traditional silver -halide camera lang ang gamit ko. At napaka-ordinary ng mga kuha ko."
Hinawakan sya ng guro sa kanyang balikat. "Your photos are from ordinary. It stirs emotions mula sa mga taong tumitingin dito. At hindi naman nakadepende sa camera ang photography kundi sa photographer na gumagamit nito. May malaking role man ang camera, mas malaki pa din ang contribution ng photographer."
"Kung totoo po yan eh bakit ako lagging talo sa mga sinasalihan kong contests?"
"Dahil hindi pa panahon. You still have so many things to learn and see. NYI trained successful photographers. Alam kong kaya mo ito. Explore the world. Find your special place under the sun."
"Hindi ako pwedeng umalis ng Pilipinas. Hindi ko pwedeng iwan ang Lolo ko." At halos pabulong nyang sinabing, "Hindi ko kayang iwan si Daniel."
"Pag-isipan mong mabuti, Kathryn."
She nodded at tahimik na lumabas ng classroom.
__________
"Anong sinabi sayo ni Mr. Mendoza kanina?" Usisa ni Mara. Nasa kwarto sila ng kaibigan dahil nagyaya syang magsleep over sila doon.
Hindi nya sinagot ang tanong, inabot lang nya dito ang envelope na binigay ng teacher nya kanina.
"Ano to?" Nagtatakang tanong ni Mara habang binubuksan ang envelope. "New York Institute of Photography applications! Mag-aaral ka ng photography doon?" Sigaw ng kaibigan.
"Hindi ko pa alam."
Nakangiti sa kanya si Mara at kumuha ng ballpen mula sa drawer. "Go for it!"
"Mara..."
"Patunayan mo sa buong mundo ang talent mo, bestfriend! Patunayan mo sa kanila na hindi ka nila dapat tinatapakan."
Naiyak sya sa sinabi ng kaibigan. Niyakap nya ito ng mahigpit. Tama si Mara. Kailangan nyang patunayan kung ano ang kaya nya. At hindi nya magagawa iyon pag nanatili sya sa Pilipinas dahil laging may pag-aalinlangan sa kanya doon. Lagi syang matatakot na magfail dahil sa lolo nya.
Gusto nyang masubukang sumali sa mga contest na tunay na pangalan nya ang gamit. Gusto nyang makapunta sa mga lugar kung saan di sya makikilala ng mga tao. Sa New York, wala makakaalam na isa syang anak sa labas.
Kailangan nyang subukan.
__________
A month after.
"Stay after class, Ms. Bernardo." Bungad ni Mr. Mendoza bago pa magsimula ang klase nila.
Nagkatitigan sila ni Mara sa narinig. Nagkibit balikat lang sya at nakinig na sila sa klase. Matapos ang klase ay nagpaiwan sya gaya ng sinabi ng guro.
"Eto na." Inabutan na naman sya nito ng isang envelope. Excited na binuksan nya iyon para basahin ang nakasulat sa loob.
Napaluha sya sa nakita.
Ngumiti sa kanya si Mr. Mendoza. "You made it. You've made a step towards your dream."
"Thank you!" Naiiyak na sabi nya sa guro.
"Meron ka pang 2 months bago magsimula ang photography classes, tamang tama at magtatapos na ang school year natin in 2 weeks. Meron ka pang isa't kalahating buwan para makasama ang pamilya at mga kaibigan mo dito. Mamimiss kita, Ms. Bernardo. Mag-iingat ka doon ha?"
Napangiti sya dito at niyakap ang guro. "Mamimiss din kita, Sir. Salamat ulit."
Ginulo nito ang buhok nya. "Balang araw, mahahanap mo din ang kulang sa buhay mo. Someday, you will be complete." Bulong ng guro sa kanya.
__________
She took a deep breath bago kumatok sa pintuan ng library ng Lolo nya. Kumakabog ang dibdib nya sa kaba pero kailangan nyang gawin ito. It's now or never.
"Come in." Narinig nyang tawag ng Lolo nya mula sa loob ng kwarto.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan nya bago sya tuluyang pumasok.
"May kailangan ka ba?" Agad na tanong sa kanya ng matanda.
Napalunok muna sya bago inabot dito ang letter from NYI. It pains her everytime he treated her so coldly na para bang hindi sya nito apo.
Napakunot ang noo ng matanda. "Ano to?" tanong nya habang binubuksan ang sulat.
Hindi nya ito sinagot at pinabayaan na lamang na basahin ang laman ng sulat.
"Kelan mo planong umalis papuntang New York?" Tanong nito pagkatapos magbasa.
Gustong gusto na ni Kathryn na umiyak, but she exerted Superman efforts not to. Wala talagang pakialam ang Lolo nya sa kanya. Wala itong pakialam kung pumunta man syang impyerno o kung saan pa man. Ineexpect nya itong magalit, pero di man lang ito nagpakita ng kahit anong emotions.
It hurts her to see her grandfather took it so casually.
"A week po bago magsimula ang klase."
"Tatawagan ko ang agent ko sa New York para maghanap ng matitirahan mo roon. Ipagbubukas na din kita ng bank account. May iba ka pa bang kailangan?"Umiling na lamang sya at tahimik na lumabas ng library na may napakabigat na puso.
Dumiretso sya sa kwarto nya at doon umiyak magdamag.
__________
Nakita ni Daniel si Kathryn sa garden habang pinagmamasdan ng dalaga ang butterfly na nakadapo sa isa sa mga rosas. As usual, hawak na naman nito ang camera nya. Napangiti sya dito. He's really fond of his girlfriend's sister. Napaka-natural nito at simple. Her smile can light up the whole town. Hindi man sya kasing ganda ng kapatid nya sa paninigin ng binata ay meron naman itong kakaibang charm. Tahimik syang naglakad sa kinaroroonan ni Kathryn at tinakpan ang mata nito.
"Guess who?" bulong nya sa tenga ng dalaga.
Tumawa ito. "Dracula?"
Natawa din sya sa sagot nito at tinanggal ang kamay na tinakip sa mata ng dalaga. Lumingon ito sa kanya ng nakangiti. He smiled back, he really loves her smile.
"Narinig ko kay Mara na mag-aaral ka daw ng photography sa New York." Sabi nya dito.
"Oo."
"Mamimiss kita. Pero alam ko kung gaano mo kamahal ang photography. Galingan mo doon ha?"
"I will. Mamimiss din kita."
"There's no place like home." Malambing na sambit ni Daniel while touching her nose with his forefinger. "Lagi mo yang tatandaan. Pag nagsasawa ka na sa America, you can always come home."
"Magpromise ka sa kin na hindi mo ko kakalimutan, Daniel."
"Hindi kita kakalimutan. Promise."
__________

BINABASA MO ANG
All of Me
Fiction générale'Cause all of me loves all of you... Love your curves and all your edges... Your perfect imperfections...