Ala una na ng madaling araw nang makauwi si Daniel. Napasarap ang kwentuhan nila nina Julia at ng Lolo nito at hindi nya napansin ang oras.
Tulog na malamang si Kathryn. Naglakad sya papunta sa kusina para uminom ng tubig. Nahinto sya sa paglalakad nang makita nya ang dining table. It was set elegantly. Lahat ng paborita nya ay nandon! Naghanda si Kathryn ng espesyal na dinner para sa kanya at hindi sya dumating! Naiinis sya sa sarili nya.
Nagmamadali syang pumunta sa kwarto nila at nakita nya ang dalagang natutulog. She looked troubled kahit natutulog ito. Nakita nya ang bakas ng luha sa pisngi nito. Sumikip ang dibdib nya. Marahan nya itong hinalikan sa labi.
Pinaiyak na naman nya si Kathryn.
"I'm sorry." Bulong nua.
Shit!
Kelan ba dadating ang panahon na mapapagod din syang magsorry dito. Nagsisimula na syang maknis sa phrase na yun. Pero wala naman syang ibang masabi dahil yun talaga ang bagay sa sitwasyon nila.
__________Nang dumilat ang mata ni Kathryn ay ang mukha ni Daniel na natutulog agad ang nakita nya. Pangarap nya na makita ang mukha nito tuwing gigising sya for the rest of her life. Napagdesisyunan nyang wag ng ungkatin pa ang nangyari kagabi. Hindi nya ito tatanungin bakit hindi agad ito nakauwi. Magpapanhgap syang okay lang ang lahat.
Sa totoo lang, hindi din nya alam bakit nya ginagawa ito. Hindi na nya kilala ang sarili nya, hindi naman sya ganito sa mga nakaraang relasyon nya. Siguro ay takot sya. Takot syang mawala sa kanya si Daniel. Hindi pa sya handang mangyari yun.
Natatakot syang magtanong dahil baka bigla nitong sabihin ba mahal pa rin nito ang kapatid nya. Hindi nya kayang marinig ang mga salitang yun.
Dahan dahang dumilat ang mga mata ni Daniel at hinalikan ang kamay nya. "Sorry." Sincere na sabi nito.
Ngumiti sya dito. "Okay lang."
Niyakap sya ng mahigpit ng binata. "Pinaiyak na naman kita."
Hindi sya sumagot dahil hindi nya alam ang sasabihin. Hindi tamang sabihin nyang okay lang dahil ang katotohanan ay hindi iyon okay.
Hinalikan sya ni Daniel sa noo bago ito bumangon. "Dyan ka lang. Ako maghahanda ng breakfast ngayon. Tapos magbreakfast in bed tayo." Bigla sya nitong hinalikan sa labi.
Agad syang ngumiti dito. "Gusto ko ng eggs, bacon, and sausages!"
"Right away, ma'am!"
__________
Gabing gabi na at hindi makatulog si Daniel. Bumaling sya sa gilid nya at pinanood nyang matulog si Kathryn. Sabi nya sa sarili nya na masaya at kuntento naman sya kasama ito pero bakit pakiramdam nya ay gusto nyang makasama uli si Julia? Umiling sya. Si Kathryn lang ang babae para sa kanya.
Pipikit na sana sya nang biglang nagring ang phone nya. Nakakunot ang noong inabot nya ito. Sino naman ang tatawag sa kanya sa disoras ng gabi? Biglang bumilis ang tibok ng puso nya nang makita nya ang pangalan ng caller.
Sabi ng utaj nya ay wag nya itong sagutin, pero ang puso nya ay gustong marinig ang boses nito. Nanalo ang puso nya. Lumabas muna sya ng kwarto bago sagutin ang tawag.
"Hello?" Sagot nya pagkapasok nya sa sala.
"Naistorbo ko ba ang tulog mo?" Tanong ni Julia.
"Hindi naman. Hindi din ako makatulog."
"Ako din. Kaya tinawagan kita. I hope you dont mind."
"I dont mind at all. Ginagawa naman natin to dati."
"Yeah we used to call each other pag di tayo makatulog tapos maguusap tayo hanggang madaling araw."
"Memories. Parang ang tagal na nun."
"Pinagsisihan ko talaga ang araw na niloko kita."
"Kalimutan na natin yun. Meron na tayong sariling buhay ngayon."
"Im sorry."
"It's okay."
Halos dalawang oras din silang nagusap at nagkwentuhan tungkol sa kanilang nakaraan noong sila pa. He smiled contentedly bago tuluyang natulog pagkatapos noon.
__________

BINABASA MO ANG
All of Me
General Fiction'Cause all of me loves all of you... Love your curves and all your edges... Your perfect imperfections...