Chapter 22

12.3K 266 67
                                    

"Siguradong sigurado ka na ba sa desisyon mo?" Tanong ni Chienna kay Kathryn habang papasok sila sa isang Italian restaurant para mag-lunch.

"Oo, ayoko na ng malayo kay Daniel." Sagot nya at naupo na sila sa isang lamesang pang-dalawahan sa isang sulok ng restaurant.

"Kung dyan ka sasaya, go for it!"

Pakiramdam nya ay napakaswerte nya dahil meron syang mga kaibigang handa syang suportahan. Alam nila ang nangyayari sa relasyon nila ni Daniel pero hindi sya hinusgahan ng mga ito. Lagi lang nilang pinapaalala sa kanya na naroroon lang sila pag kailangan nya ang mga ito.

"Wag mo kaming kalimutang iinvite sa kasal." Paalala ni Chienna.

"Syem..." Hindi nya maituloy ang sasabihin dahil nakita nya ang dalawang taong tumayo mula sa isang lamesa di kalayuan sa inuupuan nya. Mukhang katatapos lang ng mga itong kumain.

Pakiramdam nya ay nadurog ang puso nya. For the nth time.

Si Julia at si Daniel. Masayang tumatawa ang dalawa habang magka-hawak kamay na lumabas sa restaurant. Tinawagan nya ang binata kanina para imbitahang maglunch pero sabi nito ay may meeting sya sa isang kliyente.

"Anong problema?" Tanong ni Chienna at sinundan ang tingin nya. Buti na lamang ay nakalabas na sina Julia at Daniel kung hindi ay gagawa ng eksena si Chienna doon panigurado.

Pinilit nyang ngumiti. Hindi sya pwedeng umiyak sa harap ng kaibigan nya. Ayaw nyang mag-alala ito sa kanya. Sobra sobra na ang mga nagawa ni Chienna para sa kanya. "Wala naman. Kala ko lang may nakita akong kakilala."

Tinitigan sya ni Chienna at alam nitong may mali sa nangyayari. Binalewala ni Kathryn ang mga titig nya at nagsimula ng kumain. Pilit nyang nilunok ang pagkain habang pinipigilan ang luha nya.

__________

"Kamusta ang meeting mo kaninang lunch?" Hindi napigilan ni Kathryn na magtanong. Naghahanda na silang matulog. Maghapon nyang pinag-isipan kung kukumprontahin ba nya ang binata o hindi. Gusto nya sanang direktang tanungin ito kung bakit kailangan pa ni Daniel na magsinungaling sa kanya but at the same time ay natatakot din sya sa isasagot ng binata.

Napansin nyang hindi ito makasagot sa tanong nya.

"O-okay naman." Nauutal na sagot ni Daniel ng hindi tumitingin sa kanya. Halatang may tinatago ito pero pinili na lang nyang wag pansinin.

Tumabi ito sa kanya sa kama. Niyakap nya ang bewang si Daniel. "I love you." Lambing nya dito.

Ngumiti lamang ito sa kanya. "Matulog na tayo. Maaga pa tayo bukas." Sagot nito sa kanya at tinanggal ang pagkakayakap nya sa bewang nito. Tumalikod din ito sa kanya.

Napakasakit noon para kay Kathryn.

Pakiramdam nya ay isa syang basurang itinapon. Namumuo ang mga luha sa mata nya pero pinilit nyang wag itong tumulo. Mariin syang pumikit at pinilit matulog pero hindi nya magawa.

Hatinggabi nang marinig nyang nagring ang cellphone ni Daniel. Nagpanggap syang natutulog. Naramdaman nyang marahang gumalaw ang binata. Dumilat sya at pinabayaan nyang tumulo ang mga luha nya nang makita nya itong lumabas ng kwarto.

Alam nyang kapatid nya ang kausap nito. Nitong mga nakaraang araw ay lagi syang nagigising dahil naririnig nya na nagriring ang phone ni Daniel.

Marahan syang naglakad sa pintuan at binuksan ito ng bahagya. Nakita nyang may kausap pa rin ito sa phone. Nakangiti ito at kita sa mga mata ni Daniel ang kaligayahan.

Never nyang nakita ito na ganoon kasaya sa buong duration ng relasyon nila. Tuloy tuloy ang pagpatak ng mga luha nya.

Dapat na nga ba nyang igive up si Daniel gaya ng ginawa nya kina Jerome at Enrique?

Paano na ang mga plano nyang magstay sa Pilipinas for good?

Oh God, why does it have to be always her?

__________

Abala si Daniel sa trabaho nang tumawag si Kathryn sa private line nya.

"Hello." Sagot nya dito. Naguiguilt sya na napapabayaan nya ang dalaga nitong mga nakaraang araw. Pero hindi lang talaga nya mapigilang makipagkita kay Julia.

"May gagawin ka ba pagkatapos ng trabaho mo?"

"Wala naman. Free na ko after 6. Bakit?"

"Namimiss ko na kasing tumambay sa park kasama ka. Pwede ba tayong magmeet dun mamaya? Mga 7?"

"Sige."

"Okay. Bye. Love you."

"Bye." At binaba na nya ang telepono.

Sa kabilang linya ay napabuntong hininga na lang si Kathryn.

Aalis na sana si Daniel ng opisina dahil alas sais na pero biglang dumating si Julia.

"Uwi ka na?" Tanong nito.

"Sort of."

"Bakit hindi ka magdinner sa bahay?"

"Sure." Sagot nya ng hindi nag-iisip. Magkaholding hands silang lumabas sa opisina.

Nakalimutan na naman nya si Kathryn.

Nakaramdam ng awa si Cherry para kay Kathryn nang makita ang boss nyang naglalakad kasama ang ex nito. Alam nyang maghihintay na naman sa wala si Kathryn. Hiling nya ay sana wag pagsisihan ng boss nya ang ginagawa nito pero sa loob loob nya ay hiling din nya na magsisi ito.

__________

Tinanggal ni Kathryn ang singsing mula sa daliri nya at iniwan iyon sa bench.

Hindi na naman dumating si Daniel.

She felt sixteen again waiting for nothing.

She left the place with a shattered heart.

__________

All of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon