Chapter 15

13.9K 324 34
                                    

Hatinggabi na nang nagdesisyon si Kathryn na umuwi. Buong araw ay nasa park sya kasama si Tamara pagkatapos ng away nila ni Daniel. Nasasaktan pa rin sya pero dapat ngayon pa lang ay ayusin na nya ito. Kailangan nyang intindihin si Daniel, hindi naman nito pwedeng kalimutan ang sampung taong relasyon sa isang iglap lang.

Huminga sya ng malalim bago binuksan ang pintuan. Natigilan sya sa kinatatayuan nang makita ang loob ng sala. Punong-puno ito ng iba't ibang kulay ng bulaklak, at may music pa sa background. Nasa couch si Daniel na may hawak na bouquet ng roses at tila ay nakatulog ito. Napangiti sya, malamang ay nakatulugan na ni Daniel ang paghihintay sa kanya. Her heart swelled with happiness, agad nyang nakalimutan ang nangyari kanina.

Lumapit sya kay Daniel at hinalikan ito sa labi. Nagising ang binata sa ginawa nya.

"I'm sorry." Bulong ni Daniel na medyo garalgal pa ang boses.

"Okay lang."

He gently smiled at her at hinaplos ang pisngi nya. "Hindi ko mappromise na ito na ang last time na masasaktan kita pero sana kumapit ka lang."

Hinalikan nya ang binata. "Wag kang mag-alala. Let's take it one step at a time."

Hinawakan sya ni Daniel sa batok at pinalalim ang halik nila.

__________

Nagmamadaling pumunta si Kathryn sa pintuan nang marinig nyang may kumakatok. Si Janella at Tamara. Napansin nyang may dalang bag si Janella. Napakunot ang noo nya, nag-away na naman kaya sila ni Jerome? Pinapasok nya ang mga ito.

"Good morning, Kath!" Nakangiting bati sa kanya ni Janella.

"Good morning, Tita." Bati din sa kanya ni Tamara.

"Good morning din." Medyo nakahinga sya ng maluwag dahil mukha namang walang problema si Janella. Pero bakit may dala itong bag?

"Nasaan si Daniel?" Tanong ni Janella habang umuupo sa sofa.

"Natutulog pa."

"10am na!" Gulat na sabi ni Janella. "Buong pagkakaalam ko maaga syang gumigising."

Nagkibit balikat lamang si Kathryn. "Sunday naman. Pabayaan na natin. Bakit nga pala kayo biglang napadalaw? Diba family day ngayon?"

"May iaask kasi sana akong favor sa inyo ni Daniel. Pwede bang magstay dito si Tamara for one week?"

"Huh?"

"May business conference kasi si Jerome sa Singapore and niyaya nya kaming sumama, pero ayaw ni Tamara. Gusto nya daw magstay dito kasama nyo ni Daniel."

"Pwede po ba akong magstay dito? Please?" Pacute na pakiusap ni Tamara.

"Okay lang sa kin, pero kailangan natin ipagpaalam kay Daniel kasi bahay nya to."

"Ako na po magtatanong sa kanya." Biglang tumakbo si Tamara sa kwarto nila.

"Masaya ako na naayos na ang relasyon nyo ng asawa mo." Sabi nya kay Janella pagkaalis ni Tamara.

"Salamat sayo."

"Nako hindi mo kailangang magpasalamat sa akin."

"Ikaw ang nagparealize sa akin ng maraming bagay. Kaya salamat."

Ngumiti lang si Kathryn.

At nakita nilang bumalik na si Tamara na hila hila ang antok na si Daniel.

"Pumayag na si Tito!" Masayang sigaw ni Tamara.

Daniel sleepily smiled at hinila si Kathryn para yakapin. "Good morning, Wifey!" Antok na sabi nito at hinalikan sya sa labi nang hindi man lang nahihiya sa mga kasama nila.

__________

"Daddy!" Tawag ni Tamara mula sa bathtub.

Busy pa naman sa paghahalikan sina Daniel at Kathryn pero napilitang bumitaw si Daniel. Umirap na lamang ito. Natawa si Kathryn sa reaksyon ng binata. Pangalawang araw na ni Tamara sa condo nila, at sinuggest ng bata na maglaro sila ng bahay bahayan. Kaya napagusapan nilang simula sa araw na iyon ay tatawagin na sila nitong Mommy and Daddy. They were having a lot of fun. Hindi pumasok si Daniel sa opisina para makasama sila. Nagpunta din sila sa amusement park na para talagang isang pamilya.

Tumayo na si Daniel mula sa sofa at nagpunta sa CR kung saan naliligo ang bata.

"Anong gusto mo, baby?"

"Nakalimutan ko po yung bathrobe ko." Naka-pout na sabi ni Tamara.

Inabot sa kanya ni Kathryn ang robe at ibinalot naman ito ni Daniel kay Tamara. Binuhat nya ito papasok sa kwarto. Isa lang kasi ang kwarto sa unit nya kaya't magkakatabi silang natutulog. Yun ay sobrang ikinaiinis ni Daniel lalo na sa gabi!

Hinanda na ni Kathryn ang pajamas ni Tamara at magkatuwang nilang binihisan ang bata. Sinuklayan ni Daniel si Tamara pagkatapos ay tumakbo na ito papunta sa sala para manood ng cartoons. Susundan sana ni Kathryn si Tamara pero pinigilan sya ni Daniel at isinandal sya sa dingding.

"Pagod na ko. Paliguan mo din ako." Nanunuksong sabi ni Daniel habang hinahalikan sya sa gilid ng labi.

Ngumisi si Kathryn.. "Si..."

"Mommy!" Tawag ni Tamara mula sa sala.

Napalakas ang tawa ni Kathryn nang makita ang pagkainis sa mukha ni Daniel. "Nagsisisi na ko sa pagpayag kong dumito sya." Reklamo nito.

Hinalikan sya ni Kathryn sa lips bago lumabas ng kwarto.

Sinamahan ni Daniel ang 'mag-ina' nya na manood ng TV pagkatapos nya magshower. Kinandong nya si Tamara habang ang isang kamay nya ay nakayakap kay Kathryn. For one moment, inisip nyang asawa nya talaga si Kathryn at anak nila si Tamara. The thought of building a family with Kathryn seems to be so appealing.

Humarap sya sa dalaga at hinalikan ito sa pisngi.

__________

Kinabukasan ng umaga ay nagshopping sina Kathryn at Tamara. Binilhan ni Kathryn si Daniel ng mga bagong damit. Ayaw nya kasi sa mga suot nito, lagi na lang itong naka-black o di kaya gray. Masyado itong nagmumukhang stiff. Binilhan nya ito ng maraming long sleeves in bright colors. Gusto nyang tumawa dahil naiimagine na nya ang reaksyon ni Daniel pag nakita yun.

Nag-enjoy din syang mamili ng gamit para kay Tamara. Binilhan nya ito ng mga accessories at ilang dresses. She loved the thought of having her own Tamara someday.

Nitong mga nakaraang araw, lahat ng nangyayari sila ay nagiging maayos. Hindi na nya naririnig na binabanggit ni Daniel ang pangalan ng kapatid nya pag natutulog ito. Lagi sya nitong binibilhan ng ice cream at flowers pag umuuwi ito. Mas naging sweet ito sa kanya. Daniel is starting to love her now, nararamdaman nya at masaya sya doon.

"I'm home." Rinig nyang sabi ni Daniel.

Agad na tumakbo si Tamara papunta sa 'daddy' nya. Sya naman ay nasa kusina at naghahanda ng dinner.

"Daddy! Nagshopping kami kanina. Marami kaming binili para sayo." Rinig nyang kwento ni Tamara.

"Talaga?" Tanong ni Daniel. "Cant wait na makita yan, baby." Narinig nya ang mga yapak nitong papalapit na sa kusina.

"Hi, wifey!" Bati ni Daniel sa kanya at hinalikan sya sa labi. Karga nito si Tamara.

"Kamusta ang work?"

"Nakakapagod. Gutom na ko."

Ngumiti sya dito. "Matatapos na ang dinner in a few minutes. Tam, pakita mo muna kay Daddy kung anong binili natin sa kanya."

Excited namang niyaya ng bata si Daniel pero hinalikan muna sya nito sa pisngi bago pumunta sa kwarto.

__________

Napailing na lang si Daniel nang makita ang mga colorful na necktie na binili ng 'asawa' at 'anak' nya para sa kanya. Hindi nya alam kung kaya nya ba yung isuot sa opisina. Sobrang colorful. Napatitig na lang sya sa mga Justice League na necktie at napailing uli sya.

"Nagustuhan mo ba, Daddy?" Tanong ni Tamara.

"O-o."

"Sabi ni Mommy ayaw nya yung mga damit mo, masyado kasing formal. Time na para magsuot ka naman ng iba."

Sasagot sana sya pero naramdaman nyang bigla syang niyakap ni Kathryn mula sa likod. Hinalikan nya ito sa cheeks. "Anong binili mo para sayo?" Tanong nya dito.

Hindi sya nito sinagot. "Wag mong sabihing wala kang binili?"

"Yes, Daddy. Wala po syang binili. Sabi ko bili sya ng dress pero ayaw nya." Sumbong ni Tamara.

Hinila nya si Kathryn at kinandong ito. "Ayaw ko ng ganyan, Kath. Isipin mo din ang sarili mo, hindi puro kami lang." Pinisil nya ang ilong nito.

He hated it kapag inuuna sya nito bago ang sarili nito dahil he can't do the same. Naguguilty sya na hindi pa nya kayang ibigay dito ang buong puso nya.

Ngumiti lang si Kathryn sa kanya at hinila na sya patayo. "Wag mo ng ginagawang big deal yan. Halika na, kain na tayo."

He sighed in defeat.

_________

Kinabukasan ay suot ni Daniel ang isang pink longsleeves at Batman necktie para matuwa naman sa kanya si Kathryn. Ayaw na ayaw nyang magsuot ng ganung kulay pero ginawa pa rin nya as long as he can see happiness and satisfaction in her eyes.

Nabigla ata sa kanya lahat ng tauhan nya sa opisina, natulala ang mga ito nang makita sya. Akala nya ay maiinis sya doon pero hindi naman. Natuwa pa nga sya nsa suot nga ang mga damit na pinili ni Kathryn para sa kanya.

Naupo sya sa harap ng desk nya at binuksan ang computer nya. Napatigil sya sa pagbabasa ng files nya nang .may napansin syang pamilyar na picture frame sa desk nya.

"Cherry, pumasok ka sa opisina ko, ngayon na." Utos nya sa secretary nya through the intercom. "Sino naglagay ng frame na yan dito?" Tanong nya pagkapasok pa lang ng secretarya nya.

"Akala ko po kasi aksidenteng naitapon." Kabadong sagot ng babae. "Hindi nyo po kasi yan tinatanggal dyan."

"Akala ko pa naman ay matalino ka, Cherry." Malamig na sabi nya. "Alam mong minahal ko si Julia pero tapos na kami. Wala kang karapatang idisplay dito ang picture nya sa desk ko. Naiintindihan mo ba?"

Tumango lang ang sekretarya.

"Ayokong makita ni Kathryn yan pag bumisita sya dito." Inabot nya sa sekretarya ang frame. "Itapon mo yan at bilhan mo ko ng bagong picture frame."

Tumango ito ulit sa kanya at lumabas na.

Time to move on.

__________

All of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon