"Mommy, gusto mo ng iced tea?" Alok sa kanya ni Tamara.
Ngumiti si Kathryn at tinanggap ang baso. Kinarga nya ito at pinaupo sa kandungan nya. Nasa harap sya ng computer at nageedit ng mga pictures na gagamitin nya para sa exhibit. Isang buwan na lamang ang natitira bago ang exhibit nya, nabago pa nga ang date nito para madagdagan ang oras nya para magprepare.
"Uuwi ka na bukas." Malungkot na sabi nya sa bata. Dadating na kasi sina Jerome at Janella bukas ng umaga. Dapat ay mananatili pa si Tamara sa kanila ng tatlong araw pero nagka-emergency sa kumpanya nila si Jerome kaya napaaga ang uwi ng mga ito.
"Bibisitahin nyo pa din naman ako diba po?"
"Oo, dadalasan namin ang pagbisita sayo, Baby."
"Kasama si Daddy?"
"Oo naman. Gustong gusto ka nya."
"Hindi na po kayo babalik sa New York?"
Natigilan sya. Hindi nya pa napagiisipan iyon. Isang buwan na lang ang natitira para manatili sya dito sa Pilipinas, dapat ay uuwi na sya pagkatapos ng exhibit nya. Will she stay here for good?
For Daniel?
Willing ba syang igive up ang career na pinaghirapan nyang iestablish?
Willing ba syang magsimula uli sa wala?
Kung mananatili sya dito, her only reason would be Daniel.
__________
Kinakabahang naupo si Kathryn sa sofa sa loob ng opisina ni Daniel. Naalala pa nya ang nangyari noong huling beses na andito sya. Hindi nya magawang lumapit sa desk ng binata. Nakikita pa rin nya ang isang picture frame mula sa kinauupuan nya. Natatakot syang makita na naman ang mukha ni Julia sa frame na iyon. She can't bear the sight of it, her heart can't bear the thought that Daniel still keeps her sister in his heart.
Pinakiusapan pa naman sya ni Daniel na sunduin sya nito sa opisina pagkahatid nya kay Tamara sa mga magulang nito. Niyaya sya nitong magdinner sa labas pero ngayon ay nasa meeting pa si Daniel kaya't napilitan syang maghintay sa opisina nito.
Ilang minuto ang nakalipas nang biglang nagring ang telepono sa opisina ni Daniel. Alam nyang ang secretary nito ay nasa loob ng conference room at nagsusulat ng minutes of the meeting kaya't walang sasagot sa tawag. Huminga muna sya ng malalim bago naglakad papunta sa desk ni Daniel para sagutin ang tawag habang iniiwasang makita ang picture frame.
"Kath?" Tanong ng kausap sa kabilang linya pagkasagot nya.
Isang malaking ngiti ang naipinta agad sa mukha ni Kathryn. "Mara?"
"Nasaan ang Kuya ko?"
"Nasa meeting pa. Kelan ka dumating? Bakit hindi mo ko sinabihan?"
Alam ni Mara ang totoong nangyari. Nagkausap sila sa telepono noon. Kahit pa ayaw nya talaga sanang makaistorbo sa honeymoon nito pero kinailangan nya ng kaibigan na masasandalan.
"Dumating kami kaninang umaga. Kamusta ka na?" Concerned na tanong ni Mara.
"Okay naman." Naupo sya sa upuan sa harap ng computer. "Mas maayos na ako." Hindi nya maituloy ang sasabihin nya dahil nabigla sya sa nakita nya.
"Okay ka lang?" Tanong ni Mara ng bigla syang tumigil sa pagsasalita.
"Pwede bang tawagan na lang kita mamaya?" Binaba nya ang telepono nang hindi na hinihintay ang sagot ng kausap.

BINABASA MO ANG
All of Me
Fiksyen Umum'Cause all of me loves all of you... Love your curves and all your edges... Your perfect imperfections...