Chapter 20

12.5K 257 20
                                    

Isang kuntentong ngiti ang makikita sa mukha ni Kathryn. Inayos ang dress na suot at siniguradong sexy sya doon. Ngayon kasi ang 2nd month nila na magkasama ni Daniel at naisip nyang magandang ideya na maghanda ng special dinner para sa kanila. Sasabihin na rin nya sa binata ang plano nyang manatili sa Pilipinas for good. Handa na syang manatili dito. Kung naging posible sa kanya na makapag-establish ng career sa America, kaya din nyang gawin iyon dito.

Sinigurado nyang ayos na ang lahat bago nya dinial ang number ni Daniel sa cellphone nya.

"Hello." Narinig nyang sagot nito.

"Pauwi ka na ba?"

"10 minutes pa at tapos na ko dito sa opisina. Bakit?"

"Wala naman. Namimiss lang kita. Bilisan mo ha?"

"Sure, wifey!" He made a kiss sound bago nito binaba ang telepono.

Napangiti si Kathryn at tiningnan ang singsing na bigay sa kanya ng binata.

'I'm gonna marry you someday.' Hindi na sya makapaghintay na dumating ang 'someday' na yun. Gagawin nya ang lahat para maging mabuting asawa kay Daniel.

Tama ang desisyon nyang manatili na lang dito kasama ng binata. Hindi kumpleto ang buhay nya ng wala ito.

__________

Inaayos na ni Daniel ang mga gamit nya nang may pumasok na di inaasahang bisita sa opisina nya. Biglang bumilis ang tibok ng puso nya gaya ng naramdaman nya nung una nya itong nakita. Mas gumanda pa ito ngayon.

"Can I come in?" Mahinang sabi ni Julia. Namumula ang mata at ilong nito.

"Oo sige. Anong nangyari sayo? Umiyak ka ba?" Hindi mapigilan ni Daniel na makaramdam ng concern dito.

Malungkot na ngumiti si Julia sa kanya. "Nagbreak na kami." At bigla itong umiyak.

Agad na tumakbo si Daniel para yakapin ito. It feels good to have her in his arms again.

"Hindi dapat kita iniwan. Hindi ko dapat ginawa yun sayo. Siguro kung nagstay ako kasama ka, hindi ako masasaktan ng ganito. I'm so sorry Daniel." Humihikbing sabi ni Julia.

Hinimas ni Daniel ang likod ng dalaga. "Ssshhhh. Tahan na." Bulong nya dito.

Mga kalahating oras ding umiiyak si Julia at pinapakalma sya ni Daniel. Lahat ng galit na nararamdaman nya para sa dalaga ay biglang nawala.

Hinatid nya ito sa mansion ng mga Bernardo nang kalmado na ito. Inimbitahan siya ng Lolo ng dalaga para doon na maghapunan at hindi nya ito matanggihan. Itinuring na nya ang matanda na parang totoong Lolo na nya.

"Matagal na din simula ng huli tayong nagka-usap." Sabi ng matandang Bernardo.

"Naging busy po kasi ako Lo... Err Don Roberto."

"Wag ka nang maging masyadong pormal, Daniel. Alam mo namang itinuring na kitang parang apo ko kaya ayos lang na tawagin mo akong Lolo."

Napangiti si Daniel sa narinig. "Kung yun po ang gusto nyo, Lolo."

Naramdaman nya na nagvibrate ang cellphone nya. May tumatawag sa kanya. Inilabas nya iyon at nakita ang pangalan ni Kathryn sa screen. Saka lamang nya naalala na hinihintay sya nito para magdinner. Bakit nga ba nakalimutan nya?

"Who called?" Tanong ni Julia.

"Client." Pagsisinungaling nya.

"Wag mong sabihing iiwan mo kami para sa isang kliyente." Sabi ni Don Roberto. "C'mon, hijo. Matagal na tayong hindi nagkakwentuhan. Dumito ka muna saglit."

Tumango sya at pinatay ang phone nya without thinking any further. Magsosorry na lamang sya pag-uwi nya.

__________

Gusto nang umiyak ni Kathryn sa sobrang pag-aalala dahil hindi na nya macontact ang cellphone ni Daniel. Nagiging wild na ang takbo ng imagination nya. Paano kung naaksidente ito habang papauwi? O di kaya ay may masamang nangyari sa kanya?

Agad nyang dinial ang number ng secretary nito.

"Cherry, si Kathryn ito." Pakilala nya sa telepono.

"Oh bakit napatawag ka."

Naging friendly sa kanya ang secretary ni Daniel at hindi nya alam kung bakit ito nagbago ng pakikitungp sa kanya bigla.

"Hindi pa kasi nakakauwi si Daniel. I was wondering kung alam mo kung nasaan sya? Nag-aalala na kasi ako. Hindi ko macontact yung phone nya."

Narinig nyang nagbuntong hininga ang kausap. "Nauna akong umuwi kesa sa kanya. Pero iniwan ko sya na may bisita."

"Bisita? Sino?"

"Yung kapatid mo."

Naramdaman ni Kathryn na nawala lahat ng lakas sa katawan nya. Hindi nya alam kung bakit pero nararamdaman nyang magkasama si Daniel at ang kapatid nya sa mga oras na ito. Namumuo ang luha sa mga mata nya. Nanghihinang tiningnan nya ang mga hinanda nyang espesyal na hapunan para sa kanila. Niluto nya lahat ng paborito ni Daniel. Ilang oras din ang ginugol nya para maging maganda sya sa mata ng binata.

This night is supposed to be a great night for them.

Naglakad sya papasok ng banyo at umiyak sa ilalim ng shower nang nakadamit pa. Paanong nakalimutan sya ni Daniel? Alam nito na naghihintay sya sa bahay.

Matapos ang halos isang oras na pag-iyak, tumayo na sya at nagbihis. Uminom sya ng sleeping pills at natulog na kahit hindi pa sya kumakain. Gusto na nyang matulog para pagpahingahin ang pagod nyang puso.

__________

All of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon