Chapter 35

13.9K 274 16
                                    

Mas maagang nakabalik si Kathryn sa gallery nya mula sa Photography school kesa sa inaasahan.

"Hi Boss." Bati sa kanya ng guard

Matamis syang ngumiti dito.

"Your brother-in-law is upstairs." Pahabol pa nito.

Brother-in-law?

Isa lang ang kapatid nya at ang fiancè nito ay si...

Agad syang tumakbo paakyat sa opisina nya.

"Nandito si Daniel?" Tanong nya agad pagkakita kay Hope.

Nanunuksong ngumiti ito sa kanya. "See for yourself." Sabay turo sa pintuan ng opisina nya.

Pakiramdam nya ay sasabog ang dibdib nya anumang oras. Her heart is beating above normal. Halo-halong emosyon ang nararamdaman nya. Masaya sya at excited na makita ito uli pero natatakot din sya. Bakit nga ba nandito si Daniel? Natatakot syang mawala na naman sya sa sarili nya.

Bayaw mo sya! Paalala nya sa sarili nya.

Dahan dahan syang naglakad papasok sa opisina nya. Nakita nya ang binatang nakasandal sa sofa habang nakapikit. Tulog ito. Gusto nyang umiyak. Sa wakas ay nakita din nya ito matapos ang ilang buwan. Gusto nya itong yakapin ng mahigpit. Gusto nya itong halikan gaya ng dati.

Pero off-limits na ito sa kanya.

Hindi na sya sa kanya.

Pagmamay-ari na ng kapatid nya.

Tinapok nya ito sa balikat para gisingin. Dahang dahang dumilat ang binata at ngumiti sa kanya. He looked dreamy pero hindi nya magawang ngumiti dito.

"Ang ganda mo." Bulong ni Daniel na medyo hoarse pa ang boses.

"Nanaginip ka pa ba, Bayaw?" Biro nya dito. Sinadya nyang tawagin itong 'bayaw' para ipaalala sa sarili nya na fiancè ito ng kapatid nya. Dapat ay alam nya kung san sya lulugar.

Nawala agad ang ngiti ni Daniel. "Kamusta ka na?"

Pinilit ni Kathryn na ngumiti. "Mabuti naman. Great actually!"

"I'm happy to know that."

"Anong ginagawa mo dito? Iimbitahan mo ba ko sa kasal ko?" Pinilit nyang magmukhang hindi sya apektado pero sa totoo lang ay sobrang apektado sya.

"No. Hindi na tuloy ang kasal." Casual na sagot ni Daniel.

She gasped aloud. Kung sabihin ni Daniel ito ay parang napaka-natural lang ng nangyari. Hindi nya maintindihan kung bakit din parang masaya sya sa narinig nya. Kahit pa hindi tamang maging masaya at someone's expense.

"Bakit? Anong nangyari?"

Nagkibit balikat lang si Daniel. "Siguro hindi lang talaga kami meant to be."

"Kalokohan yan!" Sigaw nya. "Mahal na mahal nyo ang isa't isa. At bakit napaka-casual lang ng pagsasabi mo nyan?" Tinitigan nya ang mga mata ng binata at wala man lang syang makitang pain o bitterness dito. Bakit?

"Kung hindi meant to be ang isang bagay, hindi dapat pinipilit. Pabayaan na lang na tadhana ang magdesisyon para sayo."

"Pero mahal na mahal mo ang kapatid ko. Minsan mo ng sinabi sa kin na y-your h-heart will o-only b-eat for her."

"Noon yun."

"So you're here to mend your broken heart?"

"Andito ako para magbakasyon. How could you mend a heart that's not broken?"

All of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon