Chapter 14

14.5K 291 46
                                    

Uuwi na sana si Daniel nang may madaanan syang convenience store. Nagpark sya malapit doon at naglakad papasok. Dumiretso sya sa freezer. Ilang araw na din ang nakalipas simula nung binigyan nya si Kathryn ng ice cream. At 2 weeks na simula ng magsama sila sa condo nya at masaya sya sa relasyon nila.

Mabuti na lamang at hindi naapektuhan ang business nya sa naging issue nila ni Julia. Hindi masyadong lumalabas si Kathryn for the last two weeks dahil sa mga paninirang nakasulat sa dyaryo tungkol sa kanya. Sa nakaraang dalawang linggo ay laman ito ng society pages. Sila ni Julia ay sikat na couple noon at sanay na sya sa ganung issues pero si Kathryn ay hindi kaya't nag-aalala sya dito. Alam nyang nagpapanggap lang itong okay pero sa totoo ay nahihirapan na din ang dalaga.

Binilhan nya ito ng tatlong pints ng ice cream na may iba't ibang flavors. Nakakita din sya ng flower shop sa kabilang kalsada. Never nya pang binigyan si Kathryn ng flowers. Kaya't masaya syang tumawid papunta sa flowershop. Binilhan nya ito ng isang dosenang roses.

It was Julia's favorite flower.

He mentally shook his head. Hindi na sya dapat mag-isip pa ng ibang babae bukod kay Kathryn. He cannot betray her in any shape and form. She doesn't deserve it.

Agad nyang naamoy ang pagkain pagkapasok nya sa condo. Napangiti sya. Sigurado syang nagluluto ng dinner si Kathryn. Dumireto sya sa kusina at niyakap ang dalaga. Hinalikan nya ito sa batok gaya ng nakasanayan na nya.

"Hello, Wifey!" Gustong gusto nyang tinatawag nya ito noon.

"Ang aga mo ata, Hubby." Humahagikhik na bati nito sa kanya.

"Namiss kasi kita." Bulong nya sa tenga ng dalaga. It was half the truth. Namiss din nya si Julia buong araw. Binura nya uli yun sa utak nya. Si Kathryn ang nasa harapan nya ngayon, sya lang dapat ang mamiss nya.

Pabiro nyang kinagat ang tenga ni Kathryn. "Meron akong something para sayo." Inabot nya dito ang roses.

Agad lumiwanag ang mukha ng dalaga sa sobrang kaligayahan. And to think bulaklak lang ang binigay nya dito para magradiate ito ng ganoon. Si Julia nga ay tinatapon pa minsan ang mga bigay nyang flowers.

"Thank you!" Masayang inamoy ni Kathryn ang flowers at di napapawi ang ngiti sa labi nito.

"Flowers lang ang binigay ko sayo, Kath. Wag kang magsmile na para bang binigay ko na sayo ang buong mundo." Biro nya sa dalaga.

"Pero ikaw ang mundo ko, Hubby." Malambing nitong sagot.

He felt pleasure rush through his whole being. Napatitig sya sa labi ng dalaga at agad itong hinalikan, hindi na nya mapigilan. She willingly responded.

Her kisses felt good and satisfying.

__________

"Hindi ka ba natatakot tumaba?" Tukso ni Daniel kay Kathryn habang pinapanood itong masiglang kumakain ng ice cream. Nasa sala sila at nanonood ng movie.

"Hindi." Sagot nito habang sinubo ang isang kutsarang ice cream. Nakatulala lamang si Daniel sa kanya habang tumatawa sya sa pinapanood sa TV. Lalo itong gumaganda sa bawat araw na lumilipas. Hindi man ito naglalagay ng make up pero maganda pa rin ito. Niyakap nya si Kathryn na parang isang stuffed toy.

"Pinipisa mo naman ako." Reklamo nito sa kanya pero hindi pa rin nya ito binitawan. Hinalikan nya ito sa pisngi.

"Kamusta ang preparation mo para sa exhibit?" Tanong nya dito habang hinahalikan ito sa iba't ibang parte ng mukha.

"Pinaplano ko ng icancel yun."

"Ano?" Bahagya syang lumayo dito.

Nagbuntong hininga si Kathryn. "Wala akong masyadong pictures para sa exhibit. Meron konti pero hindi iyon sapat.Wala ako sa mood na kumuha ng pictures nitong mga nakaraang linggo."

Tinitigan nya itong mabuti. "Sabihin mo sa kin ang totoo."

Yumuko si Kathryn at kinagat ang labi nya.

Iniangat ni Daniel ang mukha nya gamit ang daliri nito. "Natatakot kang ituloy ang exhibit dahil baka walang umattend? Iniisip mo bang walang bibili sa gawa mo dahil sa issue nyo ng kapatid mo?" Naguiguilty na naman sya. Her career is at stake because of him.

Kaya ni Kathryn na magpanggap na wala syang pakialam pero alam ni Daniel na deep down ay natatakot itong magfail. The pressed tagged her as a traitor and a boyfriend stealer. Alam nyang lagi nitong naririnig ang mga masasakit na sinasabi ng mga tao pag lumalabas ito, kaya't madalas itong magkulong sa condo. People will always talk about how she tainted their flawless family name.

Dahil si Julia ang epitome of beauty, kilala ito sa society habang si Kathryn ay hindi. Hindi sya magtatakang na kay Julia ang simpatya ng press at hindi man lang nila aalamin ang other side ng kwento. Gustong gusto nya tuloy na idemanda ang mga reporters na sumira kay Kathryn pero pinigilan sya ng dalaga dahil okay lang daw yun. But it pains him to see that it was really not okay! Buong Pilipinas ata ay naniniwalang si Julia ay isang anghel at si Kathryn ang masama dito.

"Matutuloy ang exhibit, Wifey." Determinadong sabi ni Daniel. "Cmon. Wag mong isipin ang ibang tao. Sisiguraduhin kong magiging successful ang exhibit mo."

"Hindi ko sigurado."

"Gawin mo para sa kin, please?" Pagmamakaawa nya dito. Hindi nya kayang makita itong nagkakaganon. Photography is the only thing that makes her really happy at ngayon ay kinukulong nito ang sarili sa condo unit nya. Kasalanan na naman nya.

Sa wakas ay ngumiti si Kathryn. "Okay."

Hinalikan nya ito sa ilong. "Magiging okay din ang lahat, Wifey. Trust me. Aayusin ko lahat to para sayo. Wag mo ng isipin ang sinasabi ng iba tungkol sayo. Gawin mo lang kung anong nagpapasaya sayo. Gusto kong nakikitang masaya ka."

Binaon ni Kathryn ang mukha nya sa leeg ni Daniel. "Masaya ako, Daniel. Masaya ako kasi andito ka. I love you so much."

Hinalikan nya ang dalaga. Hindi nya maipaliwanag kung bakit ang saya nya twing sasabihin ni Kathryn na mahal sya nito. Gusto nyang sabihin dito na mahal din nya ito pero hindi nya kaya.

Kasi isa itong malaking kasinungalingan.

He cared for her, but he doesn't love her yet. Sobra nya itong nirerespeto at hindi nya kayang magsinungaling dito ng tungkol sa nararamdaman nya. Masaya sya sa sitwasyon nila ngayon.

Hindi pa rin nya nakakalimutan si Julia. Mahal pa rin nya ito. He hates to admit it pero minsan ay nangangarap pa rin syang isang araw ay babalik ito sa kanya. Paulit uli nyang sinasabi sa sarili nya na mali iyon. Hindi nya pwedeng saktan si Kathryn. But his stubborn heart can't let go of Julia. Galit sya dito but at the same time ay mahal din nya ito.

Masyado pa namang maaga para makapag-move on agad sya. Hindi naman nya kailangang magmadali. Dadating din ang araw na makakalimutan nya ito.

__________

"Nasa office ba nya si Daniel?" Nakangiting tanong ni Kathryn sa secretary ni Daniel. Sa unang pagkakataon ay dinalaw nya ito sa opisina. Gusto nya sana itong yayain na maglunch somewhere. Narealize nya kasing nakakapagod na rin na magkulong sa condo. Wala na syang pakialam sa sasabihin ng iba basta't kasama nya si Daniel.

"Nasa meeting sya ngayon, pero pwede ka ng pumunta sa office nya at dun na lang maghintay. Ikaw naman ang bago nyang girlfriend." Magalang na sabi ng secretary ng binata. Sa sobrang galang eh ramdam na ramdam ni Kathryn ang sarcasm mula dito. Tinitigan sya nito from head to toe na para bang isa syang microorganism sa ilalim ng microscope.

Nawala tuloy ang ngiti nya at tahimik na lang syang naglakad papasok sa opisina ni Daniel. Lahat ata ng tao sa building na iyon ay pinaparamdam sa kanya na hindi sya welcome doon. Mula sa guard, sa mga staff, hanggang sa secretary. Obvious namang di nila matanggap na iniwan ng presidente ng kumpanya nila ang 'perfect' girlfriend nito para sa kanya. Wala namang nakakaalam na ang kapatid nya ang unang nagloko.

Nasasaktan sya pero hindi na lamang nya iyon pinansin. Eventually ay magugustuhan din nila sya dahil wala naman silang ibang choice. Sa kanya na si Daniel ngayon.

Nilibot nya ng tingin ang buong opisina. Typical na opisina ito ng isang presidente ng kumpanya. Naupo sya sa chair ni Daniel at bigla nyang pinagsisihan ang desisyong iyon. Naiyak sya nang makita nya ang picture ni Julia sa isang frame na nakadisplay sa desk ng binata. So, buong araw pala nyang nakikita ang mukha nito.

Pinilit nyang wag tumulo ang mga luha sa mga mata nya. It's normal. Sampung taon din ang nagging relasyon nina Daniel at Julia, hindi naman nya ito agad makakalimutan. Isang buwan pa lang silang magkasama. Kailangan nyang mas maging patient. Mamahalin din sya ni Daniel in time.

Bumukas ang pintuan at pumasok si Daniel. Binigyan nya ng matamis na ngiti ang binata. Tumayo sya para yakapin ito pero napansin nyang kumunot ang noo nito.

"Ano ba yang suot mo?" Natigilan si Kathryn at tiningnan ang suot nya.

She's wearing a pair of ripped jeans, isang fit na putting tshirt, at sneakers.

"Bakit anong problema?"

"Pumunta ka dito na yan ang suot?" Para bang malaking kasalanan iyon sa pagkakasabi ni Daniel.

"Hindi ko maintindihan kung bakit ang laking issue ng suot ko."

"Nakita ka ng mga empleyado kong suot yan."

"Oh ano naman?"

"Julia is always elegantly and beautifully dressed kapag dumadalaw sya dito. Ginagalang sya ng mga empleyado ko dahil doon. Kathryn, hindi ito park. Magdamit ka naman ng maayos!"

That did it!

Nagtaas noo sya para hindi tumulo ang mga luha nya. Hindi sya pwedeng umiyak sa harap ni Daniel.

"Hindi ako ang kapatid ko, Daniel." Malamig na tugon nya dito. "Kumportable akong magsuot ng mga ganitong klaseng damit at kahit gaano pa kita kamahal, hindi ako magpapanggap na maging isang taong alam kong hindi naman ako." Naglakad sya papunta sa pintuan. "At isa pa, you don't have to dress elegantly para galangin ka ng mga tao. People can always look up to someone kahit sako lang ang suot nito basta't karapat dapat silang galangin." At tuluyan na syang umalis.

Napakabigat ng pakiramdam nya.

Sana ay nasa New York na lang sya.

Walang magtatangkang tratuhin sya ng ganoon doon.

__________

Daniel felt an intense pain nang marealize nya ang nagawa nya. Gaano pa ba nya katagal na sasaktan si Kathryn? Naupo sya sa upuan nya at tiningnan ang mukha ni Julia sa frame.

"Puta." Bulong nya nang mapagtanto nyang nakita ni Kathryn ang picture na iyon. It must have broken her heart and he added insult to the injury. Napakagago talaga nya.

Inabot nya ang picture frame at tinitigan iyon. Minahal nya ang babaeng iyon sa loob ng sampung taon at mahirap itong kalimutan. Naiisip pa rin nya ito kapag hindi nya kasama si Kathryn.

Pero tinanong nya ang sarili nya kung hanggang kailangan sya magkakaganon. How long will he hurt the woman who loves him so much?

Kathryn doesn't deserve this.

Huminga sya ng malalim at tinapon ang picture frame sa basurahan.

__________

All of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon