Chapter 3

18K 350 31
                                    

Masayang naglakad si Kathryn papunta kina Mara and Enrique. It's their engagement party, na ginanap sa mansion ng mga magulang ni Mara.

"Congratulations!" bati nya sa mga ito sabay beso. Kakatapos lang ng engagement ceremony.

"Thank you!" Sagot naman sa kanya ni Mara. Love and happiness are so evident in her. "Thank you for giving me Enrique."

Sasagot sana sya sa sinabi ng kaibigan pero may biglang sumingit sa usapan nila.

"Congrats, Enrique and Mara!" Isang boses ng lalaki ang bumati sa newly engaged couple.

"Jerome!" Kathryn exclaimed happily.

"Hi, sweetheart!" Nakangiting bati nito sa kanya.

She flung herself to him. Tumawa si Jerome at niyakap sya ng mahigpit.

"Late ka na naman." Sita ni Enrique kay Jerome.

"Ano naman ngayon?" Jerome taunted.

Enrique chuckled while shaking his head. "Kasama mo asawa mo?"

"Oo. Kasama nya si Daniel and Julia." Sagot ni Jerome at saka humarap uli kay Kathryn. "Sayaw tayo?" then he literally dragged her to the dance floor at iniwan ang newly engaged couple ng walang sabi sabi.

Nakangiting nilagay ni Kathryn ang mga kamay nya sa batok ni Jerome and she lovingly gazed up to him. He's still as gorgeous as ever.

"Namiss kita." Bulong sa kanya ni Jerome at hinigpitan nya ang yakap sa dalaga. "I missed you so much."

"I missed you too." Bulong nya pabalik. "Namimiss ko na ang pamamasyal natin sa Times Square and Central Park."

"Okay ka lang ba?"

"Of course."

"Sigurado ka?"

She smiled. "Masyado kang nagwoworry sa akin. I'm okay. I'm over him like I'm over you now."

"Hindi mo naman nawitness ang engagement and wedding ko. It must be hard to see your ex na ma-engage sa ibang babae."

"Ang importante ay masaya kayong dalawa."

He kissed her forehead. "I am wishing you happiness too, Sweetheart. Mahirap para sa kin ang maging masaya dahil alam kong hindi mo pa nahahanap ang right man for you."

"I am happy. I just failed two relationships pero hindi ibig sabihin nun hindi na ko masaya sa buhay ko. I have so many things to be thankful for."

"That's why I love you so much." Bulong muli ni Jerome.

She was about to tell him that she loves him too nang may biglang tumapik sa balikat ni Jerome.

"Ako naman." Nakangiting bungad sa kanila ni Enrique. Jerome willingly passed her to him.

__________

"Sino yung magandang chick?" Sam asked no one in particular. His stares are full of admiration sa babaeng naka- powder blue na gown. Yung babaeng yun ang kasayaw ni Jerome sa mga oras na iyon. Nakaupo si Sam sa bar kasama ang ilang kaibigan silenty drinking and observing people in the dance floor.

Napakunot ang noo ni Daniel. Kanina pa din sya nagtataka kung sino yung babaeng yun. She is somewhat familiar pero hindi nya maalala kung san nya sya nakita.

"Kilala mo ba yun?" Tanong ni Daniel kay Janella na nakatitig din sa nagsasayaw na si Jerome at sa partner nito. Janella is Jerome's wife.

Mas lalo syang nagiging familiar habang tumatagal. She's beautiful, simple, yet elegant. Ngumiti ang babae kay Jerome. That sweet smile. The smile seemed to be familiar too.

Natawa si Julia sa usapan ng mga kasama nya. "Hindi nyo ba sya naaalala?" Tanong nya kina Daniel at Sam.

"Familiar sya." Sagot ni Daniel.

"Ano ba kayo. You were so fond of her when she was just 16." Natatawa pa ring sambit ni Julia. "That's Kathryn, my sister."

"That's Kath?!" Gulat na tanong ni Sam. "Oh my God! That's my Kathryn."

Daniel's jaws dropped. Goodness! Sya nay un?

Saan napunta ang skinny at petite na batang kilala nya? The Kathryn in her head was a cute girl with long black hair and not the Kathryn that he's seeing right now. Ang black straight hair nito noon ay kulot na ngayon at kulay dark brown. The skinny girl is now endowed with a perfect body, but still petite. She has grown beautifully.

Ilang taon na ba ang lumipas? 10 years. Hindi sila nagkita ng 10 years.

"Kathryn?" Tanong ni Janella kay Julia. "Kathryn Bernardo?"

"Yes. Hindi mo sya nameet kasi nag-aaral na sya sa New York nung nakilala ka namin." Paliwanag ni Julia. Janella had been their friend since college days.

"Hindi ko alam na kilala din sya ni Enrique and Jerome." Comment ni Sam. Nakilala kasi nila si Jerome through Janella at si Enrique naman through Mara.

"Nakatira si Jerome sa New York bago pa sila magpakasal ni Janella. Si Enrique naman ay doctor din doon bago sya nagdecide na magsettle dito kasama ni Mara. Dun siguro sila nagkakilala." Paliwanag ni Daniel.

"My husband never looked at me the way she's looking at her now." Nagtatampong sabi ni Janella. Nakatitig pa rin ito sa dalawang nagsasayaw. "Hindi nya ko hinawakan ng ganyan gaya ng pagkakahawak nya sa babaeng yun. It was like he's holding the most important person in his life."

"Nagseselos ka na naman, Janella." Sam said.

"Anong gusto mong palabasin?" Mataray na tanong ni Julia.

"Julia." Hinawakan sya ni Daniel para kumalma.

"Kapatid ko yang sinasabihan mo nyan, Janella."

Tiningnan sya ni Janella. "I'm trying to imply na may affair ang kapatid mo at ang asawa ko. And please lang ha. Don't act as if you're a loving sister dahil alam naman natin na you were never a sister to her."

"You're so insecure, Janella." Umiiling na sagot ni Julia.

Janella and Jerome's wedding was arranged by their parents kaya naiintindihan ni Daniel kung anong nararamdaman ni Janella, pero he feels like she was overdoing it. At alam nyang hindi kayang gawin ni Kathryn ang inaakusa sa kanya.

Nakita nilang pinasa ni Jerome si Kathryn kay Enrique.

"Professional photographer sya diba?" Biglang tanong ni Janella.

"I think so." Malamig na tugon ni Julia.

"Magaling sya. Her works are expensive."

"How did you know?" Nagtatakang tanong naman ni Sam.

"Meron ang asawa ko ng iba sa mga works nya. We had an American visitor last year na sobrang nacaptivate sa isa sa mga photos nya lalo na yung Beggar photo. Nang nalaman nya na si Kathryn Bernardo ang may kuha nun, he offered a large amount of money para bilhin yun. Sabi nya it was Kathryn's most priced work as of that year. She captured that photo when she was just 18."

Julia snorted. "It's just an ordinary photo. Nakita ko na yun. How can that particular work be worth a large amount of money?"

"It was far from ordinary." Paliwanag ni Janella. "It stirs emotions sa mga tanong nakakakita noon. Hindi mo maiintindihan dahil hindi ka naman naging pulubi kahit kelan sa buong buhay mo, figuratively and literally."

"Sigurado ka bang si Kath talaga may gawa nun?" Daniel asked to divert Janella's attention.

"Oo naman."

"Wow." Sam said. "Magaling pala talaga sya."

"Sabi din sa kin yan ng American visitor namin. She was one of the top 10 artists in America, kasali dati doon si Jerome bago pa kami ikasal. Nanalo ang Beggar photo ng grand prize sa isang prestigious photography contest sa New York. According to the American, may mga balitang binigay nya ang lahat ng napanalunan to her model na isa talagang totoong pulubi. He had used the money wisely at may magandang buhay na ang pulubi ngayon. And that makes the photo more expensive."

"Wow!" Yun na lang uli ang reaksyon ni Sam sa sobrang pagkamangha.

"Hindi binenta ni Jerome ang photo. Sabi nya isang special person ang nagbigay sa kanya noon. Ngayon, alam ko na kung sino ang special person na yun."

__________

Nilapitan ni Kathryn si Jerome pagkatapos nyang makipagsayaw kay Enrique.

"Nasaan ang asawa mo? Gusto ko syang mameet." Tanong nya dito. "Mabait ba sya?"

"Ipapakilala kita sa kanya mamaya. Gaano ka katagal magsstay dito?"

"Andito ako 'til the wedding day."

"One month?"

"Oo."

"Bakit hindi ka magtagal ng kaunti pa. 10 years ka ding hindi umuwi."

"I don't know."

"You need a break, Sweetheart. Bakit hindi ka muna magbakasyon dito. Andito ang friends and family mo. Bakit hindi mo ipakita ang talent mo sa Pilipinas? Conduct an exhibit."

"Kakatapos lang ng exhibit ko last week. Wala na kong photos for another exhibit."

"Wag mo nga kong bigyan ng ganyang palusot. You can collect photos in a month's time. Ang daming interesting subjects dito. C'mon, sweetheart, do it." His eyes were begging.

"I don't think it's a good idea, Jerome."

"Bakit naman?"

"Wala namang bibili ng works ko dito. This is not America."

"Eh di panahon na to start proving yourself here. Nakakalungkot naman na ang mga Amerikano nakikita ang galing mo at ang mga Pinoy hindi."

"Pag-iisipan ko."

Jerome smiled triumphantly. Sisiguraduhin nyang magkakaroon ito ng exhibit dito.

"Pwede ba kong makisali sa inyo?" Someone asked.

Tumingala si Kathryn para tingnan kung sino iyon. Ngumiti sya nang makilala ito. "Of course, Sam!"

Tumawa si Sam nang malakas at naupo sa tabi ni Kathryn. "Grabe. Hindi ako makapaniwala. Nakilala mo ako! I wonder bakit ikaw hindi ko nakilala kanina?"

"I've changed."

"Yeah you did, Kiddo. Kung alam ko lang na lalaki kang ganito kaganda, niligawan na sana kita nung 16 ka pa lang."

"Cradle snatching yun!" Natatawang sagot nya.

"19 lang ako nun noh. 3 years lang tanda ko sayo. Hindi pa ko ganun katanda para ma-accuse ng cradle snatching."

She giggled and he smiled tenderly.

"I missed you, alam mo ba yun?" Malambing na sabi ni Sam.

"Talaga?"

"Oo, lalo nung first year na wala ka na dito. I missed giving you chocolates."

Nawala ang ngiti ni Kathryn. "Alam naman nating dalawa na hindi naman talaga para sa kin yun."

Sam chuckled. "Kalimutan na natin yun. Let's dance?" Inilahad nya ang kamay nya sa dalaga. "Okay lang ba, Jerome?"

Tumango lamang si Jerome. "Go ahead."

__________

Daniel followed Kathryn's every move. Hindi pa rin sya makapaniwalang ang batang nakilala nya noon have turned into a beautiful princess. Namiss nya ito nung umalis ang dalaga, her smile always make him feel better. Pero matapos ang ilang taon na pagkawala nito ay nakalimutan na rin nya si Kathryn, until now. Hindi rin naman nya kasi narinig si Julia na banggitin ang kapatid through the years. They had actually forgotten her existence.

"Ang ganda nya, diba?" His thoughts were interrupted by his girlfriend's voice. Nakatitig si Julia kay Kathryn and Sam na nasa dancefloor.

Ngumiti sya kay Julia. "Mas maganda ka."

Julia sighed. "Nung nakita ko sya kanina, hindi ako makapaniwalang sya ang kapatid ko. She's far from the Kathryn sa utak ko. Then a realization hit me, 10 years na simula nung huli ko syang makita. Ganun na katagal pero hindi ko man lang narealize. Hindi ko sya naisip sa mahabang panahon. Tama si Janella. I was never a sister to her. Pero masaya ako na natupad na ang mga pangarap nya."

He snaked his arms around her waist at hinalikan nya ito sa pisngi. "Andito na sya ngayon, you can make it up to her."

Ngumiti si Julia. "Tama ka. Bakit hindi ka makipagsayaw sa kanya? Alam kong namiss mo din sya."

"Hindi ka magseselos?"

"Ano ka ba, kapatid ko kaya yan."

__________

Tumatawa si Kathryn sa joke ni Sam nang may tumapik sa balikat ng binate.

"My turn." Nakangiting sambit ni Daniel.

"Shut up, Pare." Kunwaring naiinis na sabi ni Sam. "Makipagsayaw ka sa girlfriend mo. Wag mong sinisira ang diskarte ko dito. Sinusubukan ko ang playboy moves ko sa kanya."

Kathryn giggled. Alam nyang nagjojoke lang naman si Sam. Sam would never fall for someone like her.

Daniel literally grabbed her from Sam's arms. Wala ng choice si Sam kundi bumitiw.

Ngumiti sa kanya si Daniel. "How are you?"

"Okay lang naman." Ginantihan nya ito ng ngiti.

"Dalaga ka na."

Tinawanan nya ito. "Ano bang ineexpect mo? Syempre I grow older. Hindi naman pwedeng 16 lang ako forever."

"Bakit ang tagal mong bumalik?"

Nagkibit balikat sya. "Hindi ko rin alam." It's half of the truth.

Tinitigan nya ang binata. She felt her heart beat erratically like the way it did 10 years ago. Gwapo pa rin sya. 10 years ago, mukha itong totoy pero ngayon he looks like a grown man. He's oozing with sex appeal. Maswerte ang kapatid nya na magkaroon ng boyfriend na gaya ni Daniel na hindi sya iiwan kahit anong mangyari.

Pinangarap nya na sana sya ang nasa lugar ng kapatid nya.

Napanbuntong hininga sya. Hanggang kelan kaya sya mangangarap?

Tinitigan nya ang mga mata ni Daniel. Ilang beses din nya itong iniyakan ang mukhang iyon on her first 2 years sa New York. This face captured her young heart 10 years ago.

He is her first love.

Her first heartache.

__________

All of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon