Chapter 40

19.6K 432 84
                                    

Hinila ni Daniel ang asawa nya at pinaupo sa kandungan nya. Niyakap nya ito at hinalikan ang pisngi. Hindi nya maipaliwanag ang kasiyahan nya sa tuwing tinitingnan sya nito na para bang sya ang pinakagwapong lalaki sa mundo kahit pa may edad na sya.

"Tulog na si Faye?" Tanong sa kanya nito.

"Yeah. Di ko tinapos ang kwento ko sa kanya kanina. Gusto ko ikaw ang magtapos nun."

"Bakit mo ba kasi sya laging iniisip?"

"Bakit ba kita laging iniisip? Ang dali naman ng tanong mo, Wifey. I love you. Kaya ganun." Nakangising sagot nya.

Ngumuso ang asawa nya. "Namimiss mo ang mas batang Kathryn. Tingnan mo ko, hubby, matanda na ko tapos..."

"Tapos kasing ganda at sexy ka pa rin ng dati." Pagtatapos nya sa sasabihin nito.

Ngumiti ito sa kanya. "Mahal mo pa rin ba ako?" Hindi naman pinagdudahan ni Kathryn ang pagmamahal sa kanya ng asawa pero gusto nya lang na marinig na sabihan sya ng 'I love you' nito. Hindi nya maipaliwanag ang kasiyahang naramdaman nya nitong mga nagdaang taon. Noon ay takot na takot syang baka iwanan sya ni Daniel eventually pero hindi naman iyon nangyari. Magkasama silang tumanda.

"Minsan ko nang sinabi sa sarili ko na ikaw ang huling babaeng mamahalin ko. Mamamatay akong mahal ka pa rin, Wifey. Pinagdadasal ko ngang mauna ako kesa sayo kasi di ko kakayaning mabuhay ng wala ka."

Sumimangot si Kathryn. "Wag kang magsalita ng ganyan. Mabubuhay pa tayo ng mga 50 years pa."

Tumawa si Daniel at hinalikan ang asawa nya sa labi. "Thank you for giving me happiness." Malambing na sabi nya."

"Thank you for not giving up. Thank you dahil bumalik ka."

-=FLASHBACK=-

"Masaya ka ba?"

Hindi nya alam ang isasagot sa tanong ng Lolo nya. Kausap nya ito sa telepono.

"Makinig ka sa kin, Apo. Ang kaligayahan ko ang pinakamahalaga sa lahat. Go for your happiness. Dont watch it slip from your fingers. Kung mahal mo pa sya, sabihin mo sa kanya. Pakasalan mo sya. Wag ka na munang magisip ng ibang bagay. Sabihin mo nga sa akin, kaya mo bang makitang ikinakasal sya sa iba? Kaya mo bang makitang may ibang babae syang hinahalikan? Kaya mo bang makitang may minamahal syang iba? Wag mo ng hintaying sabihin mo sa sarili mo na nagkaroon ka ng pagkakataon noon pero pinalampas mo. Na kung tinanggap mo sana sya ikaw ang nasa posisyon ng babaeng yun.."

Ibinaba na nya ang telepono bago pa man matapos ang litanya ng Lolo nya. Nag-online sya at bumili ng ticket pabalik ng Pilipinas. Uuwi na sya bukas. Tama ang Lolo nya. Tama ang mga kaibigan nya. Walang kwenta ang buhay nya ng wala si Daniel.

She'll take the risk. Paniniwalaan nya ang lalaking pinakamamahal nya.

Nagempake na sya ng mga dadalhin nya at saka ay nagshower para makatulog na. Hindi sya halos nakatulog nitong mga nakaraang araw pero kailangan nyang matulog ngayon. Mahaba pa ang byahe nya bukas.

Bahagya na syang nakakatulog nang makarinig sya ng tunog ng doorbell na may kasabay na pagkatok. Sino kaya ang bisita nya ng ganitong oras? Inabot nya ang robe nya at sinuot iyon bago tumungo sa ibaba para buksan ang pintuan.

Nanigas sya sa kinatatayuan ng makita kung sino ang nasa pintuan.

Si Daniel.

Wala sa ayos ang itsura nito. He looked so devastated.

Agad syang niyakap ng mahigpit ni Daniel bago pa sya nakapagsalita. Ibinaon ng binata ang mukha nito sa leeg nya at naramdaman nya ang paghagulgol nito. Hindi nya alam kung anong gagawin. Hindi nya alam bakit naroroon ito.

"I love you." Umiiyak na bungad ni Daniel. "Hindi ko kayang mabuhay ng wala ka. Hindi kita iiwan, Kath. Nasisiraan ka na kung iniisip mong kaya mo akong itaboy ng ganun ganun lang."

"Daniel..."

"Hindi ko ipipilit ang sarili ko, promise. Hindi ako magbabanggit ng kasal. Lahat gagawin ko for you. Dito lang ako sa tabi mo at di kita iiwan. I'll teach you how to love and trust me again. If one day may mahahanap kang tamang lalaki para sayo, at hindi ako yun, I'd gladly step back. Wag mo lang akong ipagtabuyan ngayon. Lalayo ako kapag 100% sure na kong masaya kang kasama ang iba. Promise ko yan sayo. I'll let you go someday, but please wag muna ngayon. Dont push me away. Hindi kita iistorbohin, just let me love you. Di ako makikialam sa mga date mong ibang lalaki wag mo lang akong babalewalain. Makukuntento na ko sa kahit gaano kaliit na attention na gusto mong ibigay. Kahit maliit na parte lang ng puso mo, sapat na. Wala akong pakialam kahit gaano kaliit."

"Daniel..." Tuloy tuloy na lumuliha si Kathryn. Hindi nya akalaing ganoon sya kamahal ni Daniel.

"Dito na ko magsstay. Maghahanap ako ng trabaho bukas. Mamumuhay ako ng simple para makasama ka. Papayagan mo na ba akong mahalin ka?"

Hinalikan nya ang binata sa labi bilang sagot.

"I love you. Yes, I'll marry you." Bulong nya sa labi nito pagkatapos ng halik.

Bakas ang pagkagulat sa mukha ni Daniel. "Pwede bang pakiulit? Nananaginip ba ko? Nasa alternate universe ba ko where dreams do come true?"

Tinawanan ni Kathryn ang reaksyon nito. "I love you at papakasalan kita the soonest time na pwede. Andito lang ako lagi para mahalin ka hanggang mapagod ka sa kin." Malambing na sabi nya.

"Tatanda tayo ng magkasama, Kath. Sinisigurado ko sayo yan. You'll never get rid of me mula ngayon."

Ngumiti sila sa isa't isa.

-=END OF FLASHBACK=-

__________

Ikinasal sila kinabukasan. Nanatili si Daniel sa New York at nagtrabaho ito as an executive officer sa isa sa pinakamalaking kumpanya doon. Nagpatuloy din si Kathryn sa kanyang career bilang isang photographer. Ang takot na nya na baka iwan sya ni Daniel ay unti unti na ring nawala.

Isang taon matapos silang ikasal ay nagdesisyon silang bumalik na ng Pilipinas. Gusto ni Kathryn na doon ipanganak ang panganay nya. Nagtayo sin sya ng isang gallery at naging successful iyon. Si Daniel naman ay nakabalik sa dati nitong posisyon sa kumpanya ng pamilya nila.

Sa kasamaang palad ay isa lang ang naging anak nila. Kaya't ngayon ay hinihiling nilang magkaroon ng maraming apo.
__________

"Tama ang lalaki, tumanda nga sila ng magkasama." Pagtatapos ni Kathryn sa kwento para sa apo nya.

Lumapit si Daniel sa kanya at hinalikan sya sa labi sa harap ng apo nila.

Napakasaya ni Daniel dahil sila ang nagkatuluyan sa kabila ng lahat ng pinagdaanan nila. And that's because he loves her with all of him and vice versa.

__________

THE END

All of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon