Nagising si Daniel na feeling contented. Nakapikit nyang inabot si Kathryn as if it's natural that she'll be there pero wala ito. Binuksan nya ang mata nya at humikab.
"Kath?" Malakas na tawa nya. "Nasa CR ka ba?"
Walang sumagot sa kanya. Kinuha nya ang boxers nya at isinuot iyon. Napansin nyang may note na nakadikit sa salamin. Binasa nya ang nakasulat doon.
*Good morning! Uuwi muna ako sandali. Ipinagluto kita ng breakfast, kumain ka pagkagising mo. See you later! - Kath*
Ngumiti si Daniel at nagmadaling pumunta sa kitchen. Hindi nawawala ang ngiti sa mukha nya. Last night was so wonderful. He never climaxed like that sa buong adult life nya. It was so satisfying and earth shattering. Panandalian nyang nakalimutan sina Julia at Sam.
Pero naguguilty sya for using Kathryn. Ipinangako nya sa sarili nyang aalagaan nya ito. He will start again with her. Tuturuan nya ang sarili nyang mahalin ito and he would make her love him too. It would be easy loving her dahil kakaibang satisfaction ang nararamdaman nya kapag hinahalikan nya ito. Sisiguraduhin nyang magiging masaya sila kahit anong mangyari.
Hindi nya alam kung gaano katagal bago nya makalimutan ang first love nya pero para kay Kathryn lahat ay gagawin nya para makalimot. Simula ngayong araw na ito, Kathryn will be the only one who will matter to him. She'll be the only woman from now on.
__________
Nakaramdam agad ng tensyon si Kathryn pagkapasok pa lang nya sa mansion. Nasa sala ang Lolo nya na para bang hinihintay talagang umuwi sya. His face etched with controlled anger. Mas nagaalala sya kesa natatakot dito. Hindi na bata ang Lolo nya at hindi na din ito ganoon kalakas. He's weak at natatakot syang makaapekto sa kalusugan nito ang galit na nararamdaman. Sigurado syang naisumbong na ni Julia ang so-called affair nya kay Daniel.
At naiintindihan nya kung bakit galit ang Lolo nya. Umpisa pa lang ay gusto na nito si Daniel para sa kapatid nya. Daniel is an epitome of perfection. Matalino, gwapo, gentleman, one-woman man, at galing sa maayos na pamilya.
"Totoo bang may relasyon kayo ni Daniel habang sila pa ni Julia?" Seryosong tanong nito sa kanya.
Hindi sya makasagot dahil hindi nya alam ang sasabihin dito.
"Sumagot ka!" Sigaw ng Lolo nya.
Ngayon ay nakaramdam na sya ng takot. Ito ang unang pagkakataon na nagtaas sa kanya ng boses ang Lolo nya.
"Opo." Nanginginig sa sagot nya.
"I'm so disappointed in you, Kathryn."
That broke her heart. Narinig nya ang mga salitang ayaw nyang marinig mula dito.
"Hindi ako makapaniwalang pinili mong sundan ang yapak ina mo." Patuloy ni Don Roberto.
Mas nasaktan sya doon.
"Gusto kong umalis ka na sa bahay ko sa lalong madaling panahon." Utos ng matanda at iniwan sya nito.
Gusto nyang ipagtanggol ang sarili nya at bawiin ang mga sinabi nya pero walang boses ang lumalabas sa bibig nya. Ngayon lamang nagpakita ng emosyon para sa kanya ang Lolo nya at hindi sya makapaniwalang pagkamuhi at galit pa iyon. Pinilit nyang wag umiyak. Napapagod na sya sa ganitong pakiramdam buong buhay nya.
Tinanong nya ang sarili nya, is Daniel worth all the pain?
Yes, he's worth all this, sabi nya sa sarili nya.
Ineempake nya ang mga gamit nya nang pumasok si Julia sa kwarto nya.
"Anong kailangan mo?" Tanong nya dito.
BINABASA MO ANG
All of Me
General Fiction'Cause all of me loves all of you... Love your curves and all your edges... Your perfect imperfections...