"I'm sorry." Bungad ni Enrique. Napatitig na lang si Daniel sa kanya.
Nasa bahay sya ng mga magulang nya dahil naghanda ng espesyal na hapunan ang Mama nya. Ilang buwan din syang hindi kinausap ni Enrique. Si Jerome naman ay civil lang sa kanya. At si Mara ay hindi gaya ng dati ng trato sa kanya. Tinanggap nya iyon dahil alam naman nyang nararapat lamang na gawin nila yun sa kanya.
"Narealize ko na wala akong karapatang umasta ng ganon. Pareho lang naman tayo. Pareho natin syang niloko."
"Sorry din."
Biglang tumawa si Enrique at tiningnan nya ito dahil naguluhan sya sa ginawa nito. "Naalala kong sinabi ko rin yang linyang yan kay Jerome noon." Natatawa pa ring kwento nito.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Alam mo, maswerte ka. Nung niloko ko sya ay ginulpi ako ni Jerome at na-ospital ako ng isang linggo. Hindi ako lumaban dahil alam kong kasalanan ko naman talaga. Minsan ko na ngang pinangakong hindi ko sya sasaktan pero ginawa ko pa rin. Gusto kong gawin sayo ang ginawa sa kin ni Jerome pero pinigilan nya ko. Sabi nya you just made a choice gaya ng ginawa namin dati."
May naaalala sya bigla. "Sinabi mo sa kin na alam mo ang pakiramdam ni Jerome nung ginawa mo yun kay Kath. Anong ibig mong sabihin nun?"
"Yung feeling na sobrang guilty ka. Ang hirap maging masaya hanggang ngayon kasi pakiramdam ko I dont deserve it. Hindi tama na maging masaya ng may nasasagasaang ibang tao. Mas nagalit ako sa sarili ko kesa sa nagalit ako sayo. Nagalit ako sa sarili ko dahil sinaktan ko sya at nang makita kong ginawa uli yun ng iba sa kanya ay mas masakit pala. Sana ang susunod na relationship ni Kath would be the right one."
Hindi nya alam ang isasagot sa sinabi ni Enrique. Gusto nyang makitang masaya si Kathryn pero hindi nya sigurado kung kaya ba nya itong makita na may kasamang ibang lalaki.
"Alam kong tama ang ginawa kong desisyon, sana ay ikaw rin." Tinapik pa sya ni Enrique sa balikat.
Napilitan syang ngumiti. Iniisip nya kung ako kayang magiging reaksyon ni Enrique kung sasabihin nya dito na si Kathryn lang ang makakapagbigay sa kanya ng happiness. At lalo na pag inamin nya dito na mali ang naging desisyon nya.
__________
Nagulat si Don Roberto nang abutan sya ni Kathryn ng fairytale book. Cinderella iyon at paborito nya. Luma na ang libro dahil isa yun sa mga libro nya nung bata pa sya. Dati ay lagi syang binabasagan ng Mama nya ng librong iyon pag matutulog na. Nakangiting humiga si Kathryn sa kama. Gusto nyang makatabi ang Lolo nya ngayong gabi. Gusto din nyang basahan sya nito ng fairytale book. Hindi kasi ito nagawa ng matanda noon sa kanya pero hindi pa naman huli ang lahat.
"Pwede mo po bang basahin sa kin yan? Hindi mo pa kasi nagagawa sa kin yun." Hindi naman nya sinabi yun para maguilty ang Lolo nya pero napansin nyang may lungkot sa mga mata nito.
Hinalikan sya nito sa noo. "Hindi din kita nasamahan sa pagtulog. O nahalikan para mag-good night. Hindi ko pa rin natatali ang buhok mo. Wala ako doon kung kelan kailangan mo ako." Naiiyak na sabi ni Don Roberto. "I'm so sorry."
"Hindi pa naman po huli ang lahat. Siguro nga matanda na ko pero pwede nyo pa rin naman akong basahan ng book. Samahan sa pagtulog at ikiss ng goodnight. Andito na kayo ngayon at yun ang mas importante."
Hinaplos ni Don Roberto ang buhok nya at saka binuksan ang libro. "Once upon a time..." Nagsimula na itong basahin ang story ni Cinderella. Hindi mapigilan ni Kathryn na tumulo ang luha nya. Matagal na nyang pinapangarap na mangyari ang eksenang iyon simula bata pa lang sya. Hindi nya macontain ang kaligayahan nya ngayon na natupad na ito.
Pumikit sya at natulog ng mapayapa.
"And they live happily ever after." Pagtatapos ni Don Roberto at sinara na ang libro. Buong pagmamahal nyang pinagmasdan ang natutulog na apo. Bahagya itong nakangiti. Mukhang napak-peaceful ng pagtulog nito.
"Sleep tight, apo. Ipagpahinga mo na ang puso mo. Magiging maayos din ang lahat. Sisiguraduhin ko yan."
__________
"Ano ba yang itsura mo, nak!" Puna sa kanya ng Papa nya. Nasa bar sila sa loob ng condo nya. Niyaya nya ang Papa nya doon para uminom.
"Wag ka na ngang madaming pinapansin, Pa." Naiinis na sabi ni Daniel.
Tumawa ng malakas ang Papa nya na inaasar sya. "You deserve that. Hindi ko alam na may anak pala akong tanga."
"Pa, tama na."
Yun ang huling bagay na kailangan nya ngayon. Tinawagan nya ito dahil ayaw nyang mapag-isa sa unit nya. Mas lalo nya kasing namimiss si Kathryn habang dumadaan ang mga araw.
"Hindi ba't sinabi ko na sayo noon na wag mong sisirain ang relasyon nyo ni Kathryn? Pero hindi ka nakinig. Kaya ayan mabuhay ka sa impyerno. Hindi ako magcocomment tungkol sa kasal nyo ni Julia. Desisyon mo yan."
"Pwede bang tigilan nyo muna ang paninisi sa kin kahit saglit lang? Kala nyo ba hindi ko alam na ganga ako?" Frustrated na sagot nya. "Akala ko mahal ko pa si Julia. Kinondisyon ng utak ko ang puso ko na si Julia lang ang mamahalin ko. Pero hindi ko agad narealize na kaya ko palang magmahal ng iba ng higit pa sa pagmamahal ko kay Julia. Papa, napaka-miserable ko."
"Obvious naman."
"Papa!"
"Hayaan mo ang puso mong magdecide para sayo."
__________
Ngumiti si Kathryn sa lalaking pinakilala sa kanya ng Lolo nya. Birthday nya ngayon. Maghapon silang magkasama ng Lolo nya at hindi nya inexpect na may iba silang makakasama sa dinner. Gwapo ito. Gusto nya ito at alam nyang gusto din sya nito. Nakita nya sa mga mata ng lalaki.
"I hope you dont mind me joining you on your birthday dinner." Nakangiting sabi sa kanya nito.
"I dont mind at all, Lloyd." Mas gwapo ito pag ngumingiti ng ganon.
"Apo sya ng isa sa mga kaibigan ko noong college." Kwento ng Lolo nya. "Nakasalubong ko sya noong isang araw kaya inimbitahan ko syang sumama sa atin ngayon. Kilala ko na sya paslit pa lang yan kaya sinisugurado ko sayong mabuting lalaki yan."
Nagdududa sya sa 'nakasalubong ko sya nung isang araw' na linya ng Lolo nya. Sigurado syang planado na ito ng matanda. His Lolo is playing cupid at napaka-obvious nito.
Tiningnan nya ang gwapong mukha ni Lloyd.
Hindi na masama.
We'll see.
__________
Author's Note: Lloyd is Sam Milby. Ayokong maconfuse kayo kapag Sam din ginamit ko. Buti na lang Samuel Lloyd true name nya, thus the name Lloyd. Kbye!

BINABASA MO ANG
All of Me
Ficção Geral'Cause all of me loves all of you... Love your curves and all your edges... Your perfect imperfections...