Chapter 29

14.3K 299 30
                                    

Hindi alam ni Cherry kung maaawa ba sya o matatawa sa boss nya. Matagal na nyang katrabaho ito simula pa nung na-appoint ito bilang presidente ng kumpanya at masasabi nyang kilala na nya ito. Araw-araw ay nakikita nya itong nakatulala sa picture ni Kathryn sa computer screen nito. Hindi na binubura ang pictures ng dalaga. Kahit nga ang frame ay nandun pa. Buti na lang hindi pa yun nakikita ni Julia kung hindi magkakagulo panigurado.

Gusto nya pa naman sana si Julia dahil sa paningin nya ay perfect ito. Maganda, matalino at mayaman. Hindi nya lubos akalain na mas magugustuhan nya si Kathryn.

-=FLASHBACK=-

Kabadong kabado si Cherry. Hindi maganda ang mood ni Daniel at maghapon syang nagsusungit at naninigaw ng mga tao sa opisina. Sa ilang taong pagttrabaho nya dito, hindi pa rin sya sanay sa ganitong ugali ng boss nya. Galit na galit ito dahil nawala sa kanila ang isang 5 Million deal at hindi naman nya ito masisisi. Pinagtrabahuhan nito ng husto ang deal na iyon. Sigurado syang isang buong linggo itong wala sa mood. Kahit nga si Julia noon ay hindi ito kayang ihandle kapag ganito ang mood nya.

Busy sya sa paghahanap ng file na inutos sa kanya ni Daniel nang biglang dumating si Kathryn. Nakangisi ito at mukhang masaya. Naiinis sya dito. Hindi naman ito kasing ganda ng kapatid nya. Hindi pa ito maayos manamit. Hindi sya makapaniwalang isa itong Bernardo at hindi nya alam kung ano bang nakita ng Boss nya sa babaeng ito. Napaka-ordinaryo naman.

Anak pa sa labas.

"Andyan ba si Daniel sa loob ng office?" Nakangiti ito sa kanya.

Hindi alam niya alam pero mas gumaganda si Kathryn pag nakangiti ng ganoon.

"Oo."

Nakangiting pumasok si Kathryn sa loob.

"Pupusta ako lalabas yan ng opisina agad at umiiyak." Sabi ng isang kaopisina nya. Bigla syang naawa sa dalaga. Para kasi itong isang daga na pinapasok sa kulungan ng leon. Sigurado syang hindi nito kayang imanage ang mood ni Daniel. Si Julia nga na nakarelasyon nito ng 10 years, hindi kaya. Sya pa kaya?

Pero matagal na silang naghihintay at hindi pa din lumalabas si Kathryn. Nagkatitigan sila ng ilang ka-opisina. Kakaiba iyon. Gaano ba katagal kaya ng daga na magstay kasama ang leon?

"Pwede ka bang magpabili ng isang pint ng ice cream?" Narinig nyang utos ni Daniel sa intercom.

"O-opo sir. Anong flavor po?"

"Vanilla."

Si Cherry mismo ang bumili ng ice cream. Huminga muna sya malalim bago nga binuksan ang opisina ng boss nya. Napatigil sya ng makita nya sina Kathryn at Daniel. Nasa sofa ang mga ito. Si Daniel ay nakahiga sa kandungan ni Kathryn, habang minamasahe ng dalaga ang sentido nito. Nakangiti si Daniel habang nakapikit. Punong puno ng pagmamahal na tinitingnan ni Kathryn si Daniel. Kahit kailan ay hindi pa sya nakakita na may tumingin ng ganon kay Daniel na ibang babae, kahit si Julia.

-=END OF FLASHBACK=-

Simula noon ay mas naging friendly na sya kay Kathryn tuwing bibisita ito sa opisina. Naging magkaibigan sila at narealize nya na maganda ito inside and out. Sya ang tamang babae para sa boss nya. Sayang at hindi ito narealize agad ng boss nya.

Sigurado syang si Kathryn ang mahal nito. Lagi nyang nakikita iyon sa mga mata ng binata. Alam nya noong una pa lang na pagsisihan nito ang desisyon nya. Gusto nyang matawa sa pinagdadaanan ng boss nya pero naaawa din sya. May nabasa syang article sa internet tungkol kay Kathryn. Magiging judge ito sa isa sa mga international photography contests. Sya ang pinaka-batang judge. Nagulat nga sya nung nalaman nyang sikat pala itong photographer sa America.

All of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon