Chapter 37

15.2K 336 58
                                    

"I cant believe na she turned me down dahil sa lalaking yun!" Naiinis na sabi ni Daniel. Kasama nya ngayon sina Chienna at Alex. Kumakain sila sa isang restaurant sa hotel. Tinawagan nya ang mga ito kanina para samahan syang magdinner. Kailangan nya ng makakausap kundi ay mababaliw sya. "Ano bang nakita nya sa Lloyd na yun? Hindi naman nya halos kilala yun! Hindi rin sya gwapo. Di hamak naman one hundred times na mas gwapo ako dun. Cmon guys! Sabihin nyo sa kin."

"Relax, pare." Halatang pinipigilan ni Alex ang tawa nito. Parang batang nagtatantrums si Daniel sa harapan nila.

"Paano ako magrerelax kung ang Kathryn KO ay nandun sa kung saan na hindi ko alam kasama yung Lloyd na yun?! Iniisip ko pa lang na magkasama sila eh parang gusto ko nang pumatay!"

"Dont get mad, get even." Nakangiting sabi ni Chienna.

"Pano?"

Tahimik na nilabas ni Chienna ang phone nya.

"Hello, Kath. Nasan ka?"

Nagpause ito at hinintay ang sagot ni Kathryn.

"By the way, kasama namin si Daniel. Nagdidinner kami dito sa hotel. Ito kasing isang to kawawa naman sinira yung phone nya nung nareceive yung message mo."

Napapapikit sya nang marinig ang sinabi ni Chienna. Alam nyang gusto nitong maguilty si Kathryn pero sa tingin nya ay hindi naman yun effective.

"Okay. Have fun." Pagtatapos ni Chienna sa usapan nila at humarap sa kanya. "Nasa bar sila ni Lloyd."

Makahulugang ngumisi si Alex kay Chienna.

"In about 30 minutes pupunta tayo doon." Patuloy ng dalaga.

Napangiti sya doon. Laking pasasalamat nya talaga sa mga kaibigan ni Kathryn.

"Gusto mo ba talaga syang pakasalan?" Tanong ni Alex.

"Oo. Kung posible nga papakasalan ko na sya tonight kaso umiiwas sya kapag nagsisimula na kong magsalita ng tungkol sa pag-aasawa."

"Hindi ka nya papakasalan." Diretsong sabi ni Alex.

"Bakit?"

"Kung nagfail ka na minsan, gusto mo ba na magfail uli?" Sagot ni Chienna sa kanya. "Once beaten, twice shy. Hindi ka nya tatanggapin kung ganyan ang style mo. Kung gusto mo syang bumalik sayo agad kailangan mong gumawa ng trick."

"May suggestion ka ba?"

"Seduce her to bed." Agad na sagot ni Alex.

"What?!"

"Dude, 30 ka na and she's 27. Masyado na kayong matanda para dumaan sa ordinary na ligawan." Paliwanag ni Alex.

Chienna grinned wickedly. "At siguraduhin mong mabubuntis mo sya. Pag buntis na sya, pakasalan mo sya. Hindi ka nya tatanggihan."

Umiling si Daniel. "Parang hindi magandang idea yan. Hindi nya ko papakasalan sa ganyang rason. Masyado syang mapride para gawin yan."

"She'll marry you." Sabi ni Alex ng may conviction.

"Pano ka nakakasigurado?"

"Hindi nya hahayaang maging kagaya nya ang anak nya." Seryosong sabi ni Chienna. "Hindi nya papabayaang maging illegitimate kagaya nya yung bata."

All of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon