Chapter 8

13.7K 259 7
                                    

Napangiti agad si Daniel nang makita nyang nakaupo si Kathryn sa paborito nitong bench. Binilhan nya ito ng ice cream bago pa naglakad para lumapit sa dalaga. Alam nyang nakita na sya nito pero nagpanggap itong hindi sya napansin.

Lumuhod sya sa harap ng dalaga at inabot dito ang ice cream.

"I'm sorry." Sincere na sabi nya at makikita ang pagmamakaawa sa kanyang mga mata.

Tiningnan sya ni Kathryn. Hindi nya mabasa kung ano ang nasa isip nito. She remained expressionless.

"Patawarin mo na sana ang judgmental at walang kwentang lalaking ito." Patuloy nyang pagmamakaawa.

Nakita nya ang amusement sa mata ni Kathryn pero hindi ito ngumiti. "Alam kong I'm an insufferable brute, a bastard and a constant pain in the ass, pero sana patawarin mo na ko. Promise ko hindi ko na uulitin yun."

Dahan dahang ngumiti sa kanya ang dalaga at tinanggap ang ice cream na bigay nya. Agad nitong dinilaan ang gilid gaya ng lagi nyang ginagawa.

Di alam ni Daniel kung anong pumasok sa isip nya pero hinalikan nya ang dalaga sa labi. It was just a soft peck, pero nanlaki ang mata ni Kathryn at namula sa ginawa nya.

Tumawa sya at naupo sa tabi nito. Hindi nya pa din alam anong nagtulak sa kanya para halikan ito. He just had this strong urge to kiss her luscious lips. And her lips were so sweet. Sweeter than Julia's.

"Bakit ka nagbblush?" Tukso nya dito. "Diba sabi mo sa akin you kiss your friends on the lips ng walang malisya. Na casual greeting lang yun ng magkakaibigan?"

She cleared her throat bago sumagot. "Must be the heat." At iniwas nito ang tingin sa kanya.

Tumawa sya ng malakas. Yeah. Must be the heat. At ang lecheng heat na yan ang dahilan kung bakit meron syang hard-on ng mga oras na iyon. Oh, God! This is incest!

__________

"Okay ka lang ba?" Concerned na tanong ni Daniel sa kanya. Nasa rehearsals sila ng kasal nina Mara at Enrique. Bukas na kasi ang kasal nila.

Kung tutuparin ng kapatid nya ang pangako, after tomorrow Daniel's heart will be broken. And her heart bleeds for him.

"Bakit naman ako hindi magiging okay?" Tanong nya pabalik.

"Para kasing wala ka sa sarili mo. Nasasaktan ka ba dito sa nangyayari?"

"Anong nangyayari?"

"Enrique marrying your bestfriend."

"Hindi noh. Hindi naman ako nasasaktan dito." Mahinang sabi nya. "Siguro ay namimiss ko lang ang New York."

"May naiwan ka bang someone doon?" Tukso sa kanya ni Daniel.

"I wish!" Sagot nya at tinawanan sya nito.

"Bakit hindi ka na lang magstay dito for good?"

"Hindi na." Iling nya. "Nandoon ang career ko at hindi ko naman pwedenf iwan na lang yun. I worked hard for it. Kapag dumito ako, magsisimula na naman ako sa square one. Maybe someday magsesettle din ako dito, pero di pa sa ngayon."

"Gaano ka katagal dito?"

"Two months. Aalis ako pagkatapos ng exhibit ko."

"Sigurado akong magiging successful ang exhibit mo." He said in conviction.

"I hope so. Hindi pa nga ako nakakapagsimulang magcollect ng photos. Wala siguro ako sa mood at hindi makapagconcentrate ng maayos."

Nitong mga nakaraang araw ay pinagiisipan nya ang sitwasyon nya. Sinubukan nyang sabihin kay Daniel ang nalalaman nya pero di nya kaya.

"Magaling ka naman, you can do it!"

"Daniel, anong gagawin mo kung isang araw magising ka na lang at wala na si Julia sa buhay mo?" Biglang tanong nya dito.

Napakunot naman ng noo si Daniel. "Bakit mo naman natanong."

Nagkibit balikat lamang sya. "Gusto ko lang malaman."

"Hindi ko kakayanin. I won't survive." Seryosong sagot ni Daniel.

Lumingon sya kina Enrique at Mara who's smiling lovingly at each other.

"Daniel, paano kung ikaw ang nasa lugar ko? Anong gagawin mo?" Tanong nya uli nang hindi inaalis ang tingin kina Enrique at Mara.

Sinundan ni Daniel ang tingin nya. "You mean kung ang mahal ko ay mainlove sa kaibigan ko?"

"Oo." Tumango sya dito.

"Hindi ko alam. I really admire you dahil magawa mong igive up si Enrique para kay Mara ng walang nararamdamang sama ng loob. Hindi ko alam kung kaya kong maging ganoon kalakas. I honestly dont know kung paano ako magrereact kung sa akin mangyayari yun."

She sighed heavily.

__________

All of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon