"Nakakainis!" Bulong ni Kathryn habang naglalakad papunta sa pintuan. Masyado pang maaga para magkaroon ng bisita. Gusto nya na sanang wag itong pansinin at bumalik na lang sa pagtulog pero napakakulit ng kumakatok sa pintuan.
Binuksan nya ang pintuan habang humihikab at isinara ito uli nang makita kung sino ang nangistorbo sa kanya ng ganito kaaga. Pumunta na lamang sya sa kusina para magbrew ng kape. Patuloy namang nagdodoorbell ang bisita at kumakatok pa! Pero hindi pa rin nya ito pinapansin.
Lumabas si Daniel ng kwarto nila at binuksan ang pintuan ng condo habang nakakunot ang noo.
"Hello!" Masiglang bati ng isang babae sa kanya. May kasama itong isa pang babae at isang lalaki. Pamilyar ang mga ito sa kanya pero di nya maalala kung saan sila nagkita.
"Pasok kayo." Pinagbuksan nya ito ng pintuan. "Uhm. Kilala ko ba kayo?" Tanong nya sa mga ito.
"Actually, friends kami ni Kath." Sagot nung lalaki sa kanya.
"Talaga?"
"Yes, unfortunately kaibigan ko sila." Sagot naman ni Kathryn habang umiirap pa.
Ang babaeng kanina ay bumati kay Daniel ay agad namang tumakbo papalapit kay Kathryn para yakapin ito. "I missed you, Kath!"
Ngumiti si Kathryn kay Daniel. "I want you to meet Chienna." Turo nya sa babaeng yumakap sa kanya. "Isa syang International model. At eto naman si Alex. Model din sya." Turo naman nito sa lalaki. "Baka nakita mo na sila sa mga magazines o print ads. Sila din ang models ng isa sa mga kumpanya ni Jerome. At eto naman si Hope. Sya ang secretary ko. Inaayos nya ang buhay ko, literally and figuratively." Pakilala nya. "Guys, this is Daniel. Kapatid ni Mara."
"Kaya pala parang familiar kayo." Bati ni Daniel habang inooffer ang kamay nya. "Nice to meet you."
"Nice meeting you too." Tinanggap ni Chienna ang kamay nya at sumunod naman ang dalawa pang kasama.
"So how's Mara?" Tanong ni Chienna.
"Okay naman sya. Medyo malaki nya ang tyan nya." Si Daniel ang sumagot sa tamong nito.
"Enrique is the man!" Cheer naman ni Alex.
"Ano yang dala mo?" Tanong ni Kathryn kay Hope na may daladalang makaing square na bag.
"Ilan sa mga collections mo sa gallery." Sagot nito sa kanya. "Sinabi sa kin ni Jerome na magkakaroon ka daw ng exhibit na hindi masyadong naplano ng maayos dahil nagkaroon ka ng konting problema. Kaya nagdala ako ng ilan sa best works mo para ipa-auction. We have to build your name again, Kath. Hindi ko nagustuhan ang mga balitang umabot sa America and it somehow affected our sales."
Binalewala lang ni Kathryn ang mga narinig. "It's water under the bridge now. Wag ka ng mag-alala, Hope. Kaya kong lampasan to lalo na at nandito ka na." Ayaw nya ng dagdagan pa ang guilt na nararamdaman ni Daniel.
"Right!" Nakangising singit ni Chienna sa usapan. "Andito na ko kaya wala na dapat ipagaalala!" Makahulugang sabi nito.
Doon kinabahan si Kathryn. She was gifted to have a friend like Chienna, the 'Bitch with the Innocent Face' in the fashion world.
"Nagugutom na ko, Kath." Sabi ni Alex habang hinihimas pa ang tyan. "Pwede mo ba kaming ipagluto ng breakfast? Napaka-walang kwenta kasi ni Jerome. Basta na lang kaming iniwan dito pagkatapos kaming sunduin sa airport."
"So si Jerome ang may pakana nito?" Sigaw ni Kathryn. "Sinasabi ko na nga ba at planado ito."
Natawa si Chienna sa kanya. "Maglalaunch kasi sya ng bagong product at niyaya nya kami na pumunta sa launch. Sinama naman namin si Hope kasi narinig namin from Jerome na magkaka-exhibit ka and she can be a big help for you." Tumingin si Chienna kay Daniel. "At gusto ko ang taste mo sa lalaki, Kath. What a gorgeous guy you have here."
Tumawa ng malakas si Daniel. Malakas ang kutob nyang magkakasundo sila ng mga kaibigan ni Kathryn.
__________
"O anong problema?" Tanong ni Daniel pagkaupo nito sa harap ng lamesa para kumain ng agahan. Nagbabasa si Kathryn ng dyaryo pero nakasimangot ito. Nakita nya na kasi ang kinakatakutan nyang mangyari simula ng dumating ang mga kaibigan nya.
Kilala sina Chienna at Alex sa maraming bansa dahil nga international models ang mga ito. Kinukuha din silang guests sa iba't ibang shows nitong mga nakaraang araw. At dahil magkakaibigan sila ay hindi maiiwasang matanong ang mga ito tungkol sa issue nila ni Daniel.
"Ano bang nakasulat dyan sa dyaryo at nakasimangot ka ng ganyan? Idedemanda ko na talaga yan kung dinedegrade ka na naman nila." Naiinis na sabi ni Daniel.
She sighed and handed him the newspaper.
"Chienna Filomeno on the issue of the Bernardo Sisters." Malakas na basa ni Daniel. "Julia was one selfish sister. Wala naman talaga syang pakialam sa kapatid nya. Kaibigan ko si Kathryn, naturally, sa kanya ako kakampi. Hindi nyo ko masisisi kung ipagtatanggol ko sya sa lahat ng paninira sa kanya sa mga dyaryo. We have been friends for almost a decade at never akong maniniwala na nang-agaw sya ng boyfriend ng iba. I've known her to be selfless, iisipin muna nya ang iba bago ang sarili nya. Alam kong Julia is perfect para sa lahat kumpara sa simpleng si Kathryn pero hindi sapat na dahilan yun para sabihan sya ng masasakit na salita ng mga reporters. Una sa lahat, she's not a celebrity para malagay sa newspapers. Kung ako ang tatanungin nyo, feeling ko si Julia ang naunang nagloko. Di nyo ba napansin ang closeness nila ni Sam Concepcion? Yung bestfriend ni Daniel. Did it ever occur in those small brains of reporters na nanira kay Kathryn na pwedeng nagkaroon muna ng relasyon si Julia kay Sam bago pa nagkaroon ng relasyon sina Kathryn at Daniel? Hindi ko naman kayo pipiliting maniwala pero pagisipan nyo diba?"
"Sinasabi ko nga ba at mangyayari to." Comment ni Kathryn pagkatapos basahin ni Daniel ang article.
Napailing na lang din si Daniel. "Kakaiba pala talaga si Chienna."
"Higit pa dyan ang kaya nyang gawin."
"Natutuwa ako na ginawa nya yun." Sabi ni Daniel habang nagsimula ng kumain.
"Daniel."
"Inilagay nya lang si Julia sa tamang lugar. Akala nya siguro ay hindi lalabas ang katotohanan. Naging tahimik tayo tungkol sa panlolokong ginawa nya. At sa tingin ko, tama lang na malaman ng mga tao ang totoong pagkatao nya."
"Hindi ako kumportableng gawin to kay Julia." Mahinang sabi ni Kathryn. Alam nyang nararapat lamang iyon sa kapatid pero ayaw nyang masira ito sa mata ng ibang tao.
Tumigil sa pagkain si Daniel at marahas na tinulak ang plato nya. "Pwede bang tigilan mo na ang pag-aaalala para sa taong wala namang pakialam sayo?" Galit na sabi nito. "She deserves more than this! Sana nga ay mas marami pang sinabi si Chienna. Sana inamin na nya talaga sa lahat na niloko nga muna ako bago nangyari ang lahat ng ito."
"Akala ko ba ay napatawad mo na sila?"
"Oo nga pero hindi ibig sabihin nun ay papalampasin ko kung anong ginawa nya sayo. Gusto kong maramdaman nya kung gaano kahirap ang pinagdaanan mo. Hindi nga ganun katindi ang article na to kumpara sa mga sinulat nila tungkol sayo."
Napabuntong hininga na lang si Kathryn. "Sige sige. Wag ka ng magalit. Ituloy mo na ang pagkain mo at malalate ka na naman sa opisina." Ibinalik nya dito ang plato. "Bukas nga pala ang launching party ni Jerome. Di mo sana nakalimutan."
"Wag kang mag-alala di ko nakalimutan." Patuloy lang sa pagkain si Daniel.
"Invited din sina Julia at Sam." Tiningnan nya ang binata ng makahulugan. Gusto nyang makita ang reaksyon nito.
"O ano naman?"
__________

BINABASA MO ANG
All of Me
Ficción General'Cause all of me loves all of you... Love your curves and all your edges... Your perfect imperfections...