"Daniel!" Sigaw ni Chienna pagkakita sa kanya. Isang malapad na ngiti ang pinakawalan nya habang niyakap sya nito. Hindi sya makapaniwalang tanggap pa rin sya ng mga taong ito sa kabila ng mga ginawa nya sa kaibigan nila.
"Hi guys." Bati nya sa lahat.
Inabutan sya ni Alex ng beer. "It's been a while, dude."
"Oo nga eh. Kamusta na kayo?"
"Career is great. Relationship with the opposite sex is not." Natatawang sabi ni Chienna.
"Dadating din ang right one para sayo. Wag ka masyadong mag-alala."
"Ako ganun pa rin. Inaayos ang mga bagay bahay para kay Kathryn." Sabi naman ni Hope.
Lumingon sya kay Alex.
"Masaya mambabae. Subukan mo minsan." Pabirong sagot nito na nakakuha ng masasamang tingin mula sa mga kaibigan nilang babae. Tumawa lamang sya sa sinabi ni Alex. Gustong gusto nya ang mga kaibigan ni Kathryn.
Masaya silang nagkwentuhan tungkol kung sa ibat ibang bagay habang nagdidinner. Napansin nyang hindi masyadong nagsasalita si Kathryn. Doon nya narealize kung gaano kahirap na makuha agad ang loob nito sa unang araw na pagkikita nila uli. She's near yet so far. She's cold and aloof.
Habang nanood ng comedy flick ang magkakaibigan ay nagpunta si Daniel sa terrace. Nagsindi sya ng sigarilyo. Sa utak nya ay planado na ang lahat ng gagawin nya para bumalik uli sa kanya si Kathryn. Nangako sya sa Papa nyang uuwi syang kasal na sila.
"Bakit andito ka?" May biglang nagsalita sa likod nya.
Lumingon sya at ngumiti kay Chienna. "Gusto ko lang magyosi saglit."
"Can I have one?"
Inabutan nya ito ng sigarilyo.
"Finally narealize mo rin na mahal mo sya." Nakangising sabi sa kanya ni Chienna. "Bakit ang bagal mo?"
Natawa sya. Lahat ba ng tao ay nageexpect na babalikan nya si Kathryn eventually? "Hindi ko rin alam. Late na ba ko?"
"Hindi naman. Everyone deserves another chance. Tatanggapin ka nya uli, I'm 110% sure."
"Malamig ang pakikitungo nya sa kin."
"Natural lang yun. Ano bang ineexpect ko? Maniwala ka sa kin, mahal ka pa nya. Takot lang syang magtake uli ng risk. Ikaw ang 3rd failed relationship nya."
Masaya syang marinig yun galing kay Chienna. Na-encourage sya lalo. "Kilala mo ba si Lloyd? Anong tingin mo sa kanya?"
"Selos ka?" Tukso sa kanya nito. "Hindi ko pa sya nammeet in person pero sabi ni Hope okay naman sya. Nakuha nya ang attention ni Kath."
"So may chance syang maging pang apat na boyfriend ni Kath?"
"Sa tingin ko pinapasaya lang ni Kath ang Lolo nya. Pero syempre hindi nya aaminin yun. Sa totoo lang, may mga pinakilala kaming mga lalaki sa kanya. Wag kang magagalit, gusto lang namin syang maentertain. Hindi naman namin akalaing aabutin ka ng ilang buwan bago pumunta dito. Ang bagal mo, Daniel. You disappointed me."
"Thank you."
"Para san?"
"For believing in me. Sana lang ay paniwalaan din ako ni Kath. Mahal ko talaga sya at papakasalan ko sya."

BINABASA MO ANG
All of Me
Ficción General'Cause all of me loves all of you... Love your curves and all your edges... Your perfect imperfections...