"Sa tingin mo okay ba to, Hope?" Tanong ni Kathryn habang pinapakita ang portrait ng isang matandang lalaking nakangiti sa ilalim ng puno. Kasalukuyan silang nasa bahay ni Jerome kung saan nagsstay ang mga kaibigan nya. Inaayos nila ang mga details ng nalalapit nyang exhibit.
"Maganda yan. Sige, aayusin ko na ang price for that."
"Sa tingin mo, magiging successful kaya ang exhibit ko?" Seryosong tanong ni Kathryn.
"You want an honest answer?" Tanong din sa kanya ni Hope at tumango naman sya. "Sa tingin ko ang exhibit na to ang worst mo. Kabadong kabado ako dito. Siguradong maaapektuhan ang gallery sa New York dahil dito. Bago ka magbakasyon dito, madami kang offers na kumuha ng portraits ng mga kilalang tao sa America, pero ngayon hindi ako sigurado if their offer still stands. Dati mahal ang tickets sa mga exhibits mo, pero ngayon napilitan tayong magbigay ng invitations kung hindi walang pupunta. Konti pa lang din ang nagconfirm ng attendance. Alam kong you belong to one of the most influential families here pero hindi ko alam na ganito pala ka-influential. Pero kailangan nating sumugal, no matter how thin the chance is. Lahat gagawin ko to make this work. Hindi ko kayang panoorin na lang ang downfall ng career mo na ilang taon mong pinaghirapan."
Ngumiti sya dito. "Thank you."
"Trabaho ko ito, Kath."
"Can you manage ng wala ako sa New York?" Mahinang tanong nya.
Kumunot ang noo ni Hope. "Anong ibig mong sabihin?"
"Plano kong magstay na dito for good."
"Ano?!"
"Gusto kong magstay na dito kasama si Daniel."
"Paano ang gallery? Nababaliw ka na ba?"
"Pwede naman ako magsimula ulit dito."
"Mahal mo talaga sya noh?"
Tiningnan nya si Hope sa mata. "Mahal na mahal."
"Sigurado ka na ba?"
She nodded determinedly.
Hope sighed in defeat. "Hindi ito magiging madali sayo, Kath. Doble ang hirap na pagdadaanan mo kesa sa mga pinagdaanan mo dati. You have to triple every hard work para maappreciate ka nila dito. Hindi ka pa susuportahan ng pamilya mo. Lalo na ng kapatid mo, mamaliitin ka nila. Isa ka sa mga respetadong photographers sa America, pero sa Pilipinas kilala ka bilang anak sa labas. A product of your father's infidelity."
"Kaya nga kailangan kong iprove sa kanila na hindi lang ako anak sa lanas. Ipapakita ko sa Lolo ko na karapatdapat akong maging isang Bernardo. Kung kaya ko magtagumpay sa ibang bansa, bakit hindi ko magawa sa sarili kong bansa. Philippines is my home."
"Kung yan talaga ang gusto mo, eh di susuportahan kita."
Ngumiti si Kathryn at niyakap si Hope.
__________
"Sir, gusto daw po kayong makausap ni Sir Sam." Sabi ng secretary ni Daniel through intercom.
Natigilan sya saglit at hindi alam kung anong gagawin nya.
"Papasukin mo sya." Sagot nya matapos ang ilang sandali.
Kailangan na nyang tapusin ang walang kwentang pag-aaway nila. Napatawad na naman nya ito. Naiintindihan na nya bakit nagawa ni Sam iyon sa kanya. Sumandal sya sa upuan habang hinihintay na pumasok si Sam.
"Hi Daniel." Bati ni Sam pagkabukas ng pintuan.
"Maupo ka." Turo nya sa visitor's chair. "Gusto mo ba ng kape o kahit anong maiinom?" Tanong nya dito ng hindi nagpapakita ng kahit anong emosyon.
"Hindi ko gusto kung pano mo ko tratuhin, Daniel."
"Anong gusto mong gawin?"
"Saktan mo ko. Suntukin mo ko." Sagot ni Sam na nakatitig sa mata ng kaibigan.
Ngumiti si Daniel at tumayo. Bigla na lang nyang sinuntok sa panga si Sam kaya natumba ito sa sahig.
"Oh ayan. Okay na ba?" Natatawang sabi nga dito habang inabot ang kamay nya para tulungan itong tumayo.
Natawa na lang din si Sam sa ginawa nito at tinanggap ang kamay ni Daniel.
"Break na kami ni Julia." Biglang sabi ni Sam pagkatayo nya.
Nabigla si Daniel. Hindi sya makasagot sa sinabi nito.
"Akala ko mahal ko sya, pero isa lang pala syang dream from my past. Narealize ko these past few days na mahal ko pa din si Jasmine. Obsessed ako kay Julia nung bata pa tayo and I grabbed the opportunity na maging kami kasi akala ko gusto ko pa din sya. Nakipag-break ako sa kanya kasi hindi ko kayang i-betray ang mga memories ni Jasmine."
Galit na tumingin sa kanya si Daniel. "Anong gusto mong gawin ko ngayon? Inaasahan mo bang tatakbo ako pabalik kay Julia? Paano si Kath? Hindi ko sya pwedeng iwan. Masaya na ko sa buhay ko ngayon."
"Hindi ko sinasabing iwan mo si Kath at balikan mo si Julia. Sinasabi ko lang sayo na wala na kami ni Julia." Kalmadong sabi ni Sam at tuluyang nagpaalam na.
"Gago ka!" Sigaw ni Daniel pagkasara ng pintuan. "Wala kang karapatang guluhin ang feelings ko. Mahal ko si Kath!"
Talaga?
Mahal nya na nga ba si Kathryn?
__________

BINABASA MO ANG
All of Me
General Fiction'Cause all of me loves all of you... Love your curves and all your edges... Your perfect imperfections...