Chapter 39

16.2K 332 98
                                    

Alam na agad ni Kathryn na may mali pagkapasok pa lang nya sa loob ng bahay. Tahimik na nakaupo si Daniel sa sofa. He looked dangerously calm. At nakita nga agad ang bagay na nakapatong sa center table.

Nagkibit balikat lang sya at pinanatili ang pagiging kalmado. Kahit medyo kabado sya dahil sa nakikita nyang galit sa mata ng binata ay hindi nya hahayang makita nito na kinakabahan sya.

"Ano yan?" Malamig at galit na tanong ni Daniel na nakaturo sa lamesa.

"Contraceptive pills." Kalmadong sagot nya.

Doon nawala ang pagiging kalmado ni Daniel. Bumakas sa mukha nito ang galit. "Alam kong pills yan! Bakit ka umiinom nyan?!"

"Para hindi mabuntis." Umirap sya at naglakad papunta sa kusina. Kailangan nyang uminom ng tubig para pakalmahin ang sarili nya. Ayaw nyang makumpronta ngayon. Ayaw nyang mabuntis lalo na kung si Daniel ang ama.

Hinablot sya ni Daniel sa braso bago pa sya makarating sa kusina. "Gusto kitang mabuntis!" Sabi nito ng nagtatangis ang ngipin.

"At bakit?"

"Papakasalan mo ako kapag dinadala mo na ang anak ko."

Tinawanan lamang nya si Daniel. "Sigurado ka bang papakasalan kita?"

Biglang nanlumo ang itsura ng binata. "Bakit ba ayaw mo akong pakasalan? Ilang beses na kong nagppropose pero lagi kang umiiwas. Utang na loob maniwala ka naman na this time ay mahal talaga kita. Pakasalan mo na ako. Kung ayaw mong mabuntis, eh di wag muna sa ngayon. Pwede mong inumin yang mga pills na yan pero please pakasalan mo na ko." Pagmamakaawa nito sa kanya.

Hindi sya makatiis sa nagmamakaawang mga mata nito. Pakiramdam nya ay matutunaw sya anumang oras. Kailangan nyang umiwas. Hindi sya pwedeng magpadala dito. Pinangako nyan iyon sa sarili nya.

Lumapit sya kay Daniel para halikan ito sa ganun ay tumigil na ito sa pagsasabi ng tungkol sa kasal. Agad naman itong tumugon sa mga halik nya. Hinayaan din nyang angkinin sya nito. He made love to her with so much love and emotions that night.

__________

"Matulog ka na." Utos ni Daniel at hinigpitan ang yakap nya kay Kathryn. Naisahan na naman sya ng dalaga kanina. Nakatakas ito sa usapang kasal. Mautak talaga.

"Kailangan kong pumunta sa banyo." Bulong ni Kathryn. Sinusubukan nitong kumawala sa yakap nya.

"At iinom ka na naman ng pills? Hindi pwede, Kathryn. Ipagbubuntis mo ang unang anak ko." Seryosong sagot nya at hindi talaga binitawan ang dalaga.

Narinig nyang nagbuntong hininga ito. "Sige. Matulog ka na rin."

"Papanoorin kitang matulog. Hindi ako matutulog hanggat hindi ka tulog."

Hinipan ni Kathryn ang bangs nya sa inis. "Bakit mo ba to ginagawa?"

"Bakit ko to ginagawa? Sobrang mahal kita na pakiramdam ko ay mababaliw na ko! Bakit ka ba kasi umiinom ng mga contraceptives na yun? Gusto kitang mabuntis para wala ka ng choice kundi pakasalan ako. Bakit mo ba laging iniiwasan ang usapan ng kasal kapag niyayaya kita? Bakit hindi ka naniniwalang mahal talaga kita? At bakit sa sofa ka natutulog gabi gabi pag akala mong tulog na ko?" He said painfully and angrily.

Kumawala si Kathryn sa pagkakayakap nya at agad na nagsuot ng robe. "Bakit ako umiinom ng contraceptives? Dahil ayokong mabuntis. Ayokong makabuo ng isa pang bastarda sa mundo. Hinding hindi ko hahayaang maranasan ng anak ko kung ano ang naranasan ko. Ayokong mapagkaitan sya ng pagmamahal. Ayokong mamalimos ng pagmamahal mo ang anak ko gaya ng ginawa ko."

All of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon