Busy si Kathryn sa pag-eedit ng mga pictures sa laptop nya nang may biglang kumatok sa pintuan ng hotel room na tinutuluyan nya. Isang linggo na rin syang hindi umuuwi sa kanila at nagkukulong sa kwartong iyon. Walang nakakaalam kung nasaan sya kahit sina Jerome at Mara. Gusto nya ng peace.
"Baka room service." Sabi nya sa sarili nya bago buksan ang pintuan.
Pero hindi iyon room service. Si Janella.
"Halika, pasok ka." Yaya nya dito at bahagyang ngumiti sa bisita. Pero hindi sya nito nginitian pabalik. Wala syang makitang emosyon mula dito when she regally walked in sa loob ng hotel room.
Tiningnan ni Kathryn ang sarili nya. Nakasuot lamang sya ng isang over-sized tshirt at pajamas. Samantalang si Janella ay nakasuot ng eleganteng dress with matching accessories. Nakaramdam bigla sya ng insecurity dahil doon. She's nothing compared to Janella, paano ba naisip ni Daniel na may affair sila ni Jerome? Bulag ba talaga ang lalaking yun?
"Paano mo nalaman na nandito ako?" Tanong nya sa bisita nya pagkasara ng pinto.
"I have my resources."
"Andito ka ba para akusahan din na may relasyon kami ng asawa mo?"
"Meron nga ba?" Nakita ni Kathryn ang pain sa mga mata ni Janella. Agad syang naawa dito.
"Kung meron, anong gagawin mo?" Matapang nyang tanong.
And to her horror, biglang lumuhod sa harap nya si Janella. "Please don't take them away from me." Pagmamakaawa nito. "Hindi ako magrereklamo kung nasayo lahat ng attention nya, basta wag mo lang syang makikipaghiwalay sa akin. Wala akong pakialam kung ikaw ang mahal nya pero hindi ko kakayanin kung iiwan nya ako. Kaya kong tanggapin na may kabit sya, but please don't take him away from me." Patuloy na pagluha ni Janella.
Nanatiling nakatayo lamang si Kathryn at hindi makapaniwala sa kanyang nakikita. Na-speechless talaga sya.
Matapos ang ilang sandali ay napangiti sya dito. Pinatayo nya si Janella at iginiya para naupo sa couch. Pinunasan nya ang mga luha nito. Jerome is so lucky to have Janella as his wife. Ngayon, sigurado na syang nahanap na ni Jerome ang tamang babae para sa kanya.
"Gusto ko makinig ka sa akin dahil isang beses ko lang ikkwento sa iba kung ano ang totoong relasyon namin ni Jerome." Panimula ni Kathryn.
Hindi sumagot si Janella at hinintay lamang nito si Kathryn na magpatuloy sa sasabihin.
"Jerome was my first boyfriend. Naging kami nung 18 pa lang ako. He was like a ball of sunshine that shines in my clouded world at that time. Wala akong kaibigan at ang pamilya ko ay malayo sa akin. Si Jerome lang ang meron ako. Sya ang dahilan kung bakit ako ganito ngayon. He was my strength. Sinuportahan nya ang mga pangarap ko."
Pain crossed Janella's eyes.
"Kaya nung umuwi sya dito para pakasalan ka, I felt so lost. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Sa kanya ako nakadepende for 2 years at pakiramdam ko noon ay di ko kayang magsurvive ng wala sya. I hated you because I felt na ninakaw mo ang lakas ko. Alam ko na sa umpisa pa lang ay hindi ako gusto ng magulang nya dahil napaka-bata ko pa. They thought that he deserved someone who's more mature than me. Muntik na kong mag-give up sa mga pangarap ko noon pero lagi kong maririnig ang boses nya na sinasabing wag akong bibitiw. Step by step I got over him, it took me three years but that was okay. Tapos nakilala ko si Enrique, we fell in love then he fell out of love. Nanatiling espesyal sina Jerome at Enrique para sa akin. Minsan natanong ko na si Jerome kung bakit ka nya pinakasalan kahit alam kong ako ang mahal nya noong mga oras na iyon. Sabi nya sa akin, kaya sya nagpakasal sa iba dahil pakiramdam nya ay hindi ko sya minahal bilang. He had these strange feelings that I am loving someone else through him. Tama sya dun, Janella. I never loved him for who he is. Trinato ko sya na isang constant concrete wall na lagi kong nasasandalan. Ngayon, naiintindihan mo na ba kung bakit hindi kami pwedeng magkaroon ng relasyon?"

BINABASA MO ANG
All of Me
Ficción General'Cause all of me loves all of you... Love your curves and all your edges... Your perfect imperfections...