Walang syang gana gumising ngayong araw. This sucks. He sucks. Pumasok si Daniel sa banyo para maghilamos. Tinitigan nya ang sarili nya sa salamin. He looked worse than yesterday at sigurado syang mas malala pa sya bukas. Mukha na syang ermitanto dahil ilang araw na syang hindi nagsshave. Inabot nya ang kanyang shaving kit nang may bigla syang naalala.
-=FLASHBACK=-
"Mas gusto ko yung wala kang balbas at bigote." Sabi sa kanya ni Kathryn habang tinutulungan sya nitong magshave. Nakaupo ang dalaga sa counter habang nakapulupot ang legs nito sa bewang niya. Suot ni Kathryn ang pajama top habang ang kapares na pantalon ay suot niya. Nakayakap naman sya sa bewang ng dalaga habang abala ito sa pagsshave sa kanya. He loves the way she smells sa umaga. She's one of the few women na maganda pa rin kahit magulo ang buhok at walang make-up.
"Eh di wala ng balbas at bigote mula ngayon." Sagot nya dito at hinalikan sa ilong ang dalaga.
Nang matapos na ito sa pagsshave sa kanya ay agad nyang hinalikan iyo sa leeg habang naglilikot ang kamay nya sa katawan ng dalaga. He just cant get enough of her.
"Late ka na sa office." Saway nito sa kanya at tinutulak sya palayo pero di sya nagpatinag. Kinarga nya ito papasok sa kwarto at dinaganan sa kama.
"Ako ang may-ari ng kumpanya, wifey. Pwede akong pumasok kung anong oras ko gusto." Sambit nya bago hinalikan si Kathryn.
"I love you." Bulong nito sa kanya.
"I know."
-=END OF FLASHBACK=-
Sa inis nya ay binato nya ang shaving kit nya sa dingding. Dumiretso sya sa bar counter at uminom ng brandy mula sa bote. Nagsindi din sya sa sigarilyo.
"Wag ka ng uminom at manigarilyo. Bad yan sa health mo." Naririnig nya sa utak nya ang mga paalala ni Kathryn noon sa kanya.
"Tangina, Kath. Mahal na mahal kita!" Sigaw nya at tinapon ang bote ng alak at yosi sa basurahan.
Binuksan nya ang ref nya at kinuha na lamang ang paboritong ice cream ni Kathryn.
__________
"Sigurado po ba kayong ayaw nyong magtagal pa dito?" Tanong ni Kathryn sa Lolo nya habang pinapanood nya ito na naghahanda sa pag-alis.
"Gustuhin ko man ay hindi na pwede. Engagement party nila Julia at Daniel sa isang linggo at hindi pwedeng wala ako doon. Alam ko rin na kalabisan kung iimbitahan kitang dumalo. Pangako ko sayo babalik ako pagkatapos ng kasal nila."
Niyakap nya ang matanda para itago ang sakit na nararamdaman nya. Inaasahan naman nyang mangyayari iyon pero masakit pa rin palang marinig.
"Aasahan ko po yan, Lo."
"Kamusta ang date nyo ni Lloyd?" Tukso sa kanya ni Don Roberto.
Napailing na lang sya habang nakangiti. Simula nung una nilang pagkikita ay talagang pinipilit ng Lolo nya na makipagdate kay Lloyd halos gabi gabi. Nageenjoy naman syang kasama ito. Napapatawa sya ng binata. Gusto nya ang sense of humor nito. She likes him pero yun lang iyon. She just likes him. Mabuti itong kaibigan sa kanya.
"Magkwento ka naman, apo."
"Okay naman po."
"Gusto ko sya para sayo."
"Obvious naman yun, Lolo."
"Hindi ko sinasabing pilitin mo ang sarili mong magustuhan o mahalin sya. Gusto ko lang na may makilala kang ibang lalaki. Makipagdate ka at magsaya ka. Wag kang magkagusto sa kanya para lang pasiyahin ako."
"Sa totoo lang, Lolo, I like him a lot. At wala itong kinalaman sa dahil gusto ko kayong iplease. Sinusubukan kong bigyan ang sarili ko ng isa pang chance na magmahal pero kailangan ko pa ng oras."
"Basta palagi kang mag-iingat, hija. Mahal na mahal kita, wag mong kakalimutan yan."
"Mahal ko din po kayo."
__________
"Thank you, Lloyd." Masayag tinanggap nu Kathryn ang brown na pug na binigay buto sa kanya. Mahilig na sya sa mga aso simula bata pa lang sya pero hindi sya nagkaroon ng pagkakataon na magkaroonng alagang aso dahil may asthma si Julia. At hindi din nya alam bakit di nya naisip na mag-alaga nito noong lumipat na sya sa New York. Siguro ay nasa subconscious pa rin nya na bawal nya itong gawin dahil magkakasakit si Julia.
"Im glad you liked it." Nakangiting sagot ni Lloyd habang nakaupo sa sofa sa loob ng work area ng gallery nya.
"I love it. Salamat talaga." Hinalikan nya ang aso.
"Anong ipapangalan mo sa kanya?"
"Fudge. Parang cute yung name na yun."
Nilibot ni Lloyd ang mata nya sa paligid. Ang work area ni Kathryn ay malawak at puno ng mga gamit nya sa photography. Ilan sa mga personal na collections nya ay nakasabit sa dingding. Meron din itong dark room sa isang sulok. Tumayo sya at napatitig sa isang picture sa dingding.
Napabuntong hininga si Kathryn nang makita nya kung ano ang nakakuha ng atensyon ni Lloyd. Picture iyon ni Daniel noong medyo bata pa ito. Siguro mga seventeen o eighteen lang ito noong kinunan iyon.
"Si Daniel Padilla to diba?" Tanong ni Lloyd ng hindi sya tinitingnan.
"Yeah. Ex ko." Gusto nyang maging honest sa binata. Kung gusto talaga sya nito at bibigyan nya ang sarili nya ng isa pang pagkakataon gusto nyang magsimula ng walang tinatago.
"I know. Nakwento sya sa akin ng Lolo mo. Pero ko alam that you knew him that long. I guess teenager pa sya dito." Hindi nya alam sa tono ni Lloyd kung nagseselos ba ito o ano.
"Si Mara yung mas bata nyang kapatid happens to be my bestfriend in highschool. Kaya lagi ako sa bahay nila nung bata pa ko."
"Mahal mo pa rin sya." It was a statement and not a question.
"At nasabi mo yan dahil nasa wall na yan ang picture nya?" Huminga sya ng malalim. "Hindi ko naman tinago yan dahil sa kanya. Kaya yan nandyan dahil it reminds me kung paano ako nagstart na mahilig sa photography. Isa yan sa mga first few works ko at proud ako sa shot na yan. Kinunan ko yan at the age of 14. I took his picture in perfection. And it reminds me of my bittersweet childhood memories. Sya kasi ang first love ko."
"At engagement na nya sa isang araw."
"Pano mo nalaman?" Tumalikod sya kay Lloyd at nagpanggap na nakikipaglaro sa pug.
"Im invited. Actually, I have no plans na umattend sa party na yun pero since Im going back sa Manila, might as well pumunta na ko para mameet ko rin ang friends mo." Nasa New York lang kasi si Lloyd para magbakasyon at matatapos na ang bakasyon nya. Kailangan nyang umuwi dahil may kailangan itong asikasuhin sa business nila pero nangako itong babalik agad.
"I like you, Kath." Biglang sabi ni Lloyd sa kanya. "I think I made it obvious sa simula pa lang. Manhid ka if you didnt feel it."
"I know. I like you too. Isa kang mabuting kaibigan."
"I dobt like you for a friend, Kath, at alam mo yan. I think Im falling for you."
Bahagyang natawa si Kath. "Agad?"
"Bakit? Hindi ba pwede yun?"
"Imposible yan. Kakakilala lang natin. Wala pa ngang 2 weeks. How can you possibly love someone sa maiksing panahon na yun? Maging magkaibigan muna tayo at ienjoy natin kung anong meron tayo sa ngayon."
Umiling si Lloyd. "There's no required time duration for love. When you love, you love. No questions asked. I'll prove my love for you pagbalik ko dito."
"We'll see."
__________

BINABASA MO ANG
All of Me
General Fiction'Cause all of me loves all of you... Love your curves and all your edges... Your perfect imperfections...