3 months later.
"Kelan ang kasal nyo?" Tanong ng Lolo ni Julia habang naghahapunan sila. For the past 3 months, doon lagi kumakain ng dinner si Daniel sa mansion ng mga Bernardo at napaka-pormal ni Don Roberto pag nakikitungo sa kanya. Hindi naman nya ito masisi, malaki ang kasalanan nya dito.
"We'll have our engagement party next month tapos yung wedding po a month after that." Sagot naman ni Julia.
Hindi sigurado si Daniel kung tama bang pakasalan nya si Julia lalo na ngayong naguguluhan pa sya sa nararamdaman nya. Alam nyang unfair iyon pero wala naman syang magagawa. Si Julia mismo ang nagyaya sa kanya ng kasal at hindi nya na maalala bakit sya pumayag.
"Ang bilis naman ata?" Gulat na reaksyon ni Don Roberto.
"We're not getting any younger, Lolo. At isa pa, long overdue na tong kasal namin." Paliwanag ni Julia.
"Kung yan talaga ang gusto nyo." Pag sang-ayon na lang ng matanda.
Magsasalita sana si Daniel pero biglang lumapit si Manang Thelma. "Don Roberto, may tawag po kayo. Si Kathryn ho." Sabay abot ng cordless phone dito.
Napayuko na lang si Daniel para itago ang kanyang pangungulila. Gusto rin nyang makausap si Kathryn. Gusto nyang tanungin kung okay lang ba ito. Gusto nyang marinig ang sweet na boses ng dalaga.
Gusto nyang tanungin kung mahal pa din sya nito.
Pakiramdam nya ay napaka-gago nya.
Masaya namang kinausap ni Don Roberto ang apo. Naririnig pa nya itong tumatawa.
"Masaya akong naririnig kang tumatawa, apo." Narinig nyang sabi ng matanda. Nakahinga sya ng maluwag. At least nakakatawa na din pala si Kathryn,
"Tapusin mo muna yung pagkain mo, Lolo." Naiinis na sabi ni Julia. "Pwede mo naman syang tawagan mamaya."
Pero hindi sya pinansin ng matanda. Patuloy lang itong nakipagkwentuhan kay Kathryn na tumagal ng halos kalahating oras.
"Hindi ko alam na nag-uusap pala kayo ni Kath." Nakairap na sabi ni Julia nang magsimula na uling kumain si Don Roberto.
"Tinatawagan ko sya araw-araw for the past 3 months."
"K-kamusta na po sya?" Hindi napigilang itanong ni Daniel.
Tiningnan sya ng makahulugan ni Don Roberto. "Mabuti naman ang lagay nya."
"Nakakagulat na bigla kayong may pakialam kay Kathryn. Binalewala nyo sya for 10 years." Sarcastic na sabi ni Julia.
"Alam nating pareho na hindi totoo yan, Julia." Kalmadong sagot ng Don.
"Yeah right." Naka-ismid na sagot ni Julia.
"Julia." Saway ni Daniel sa kasintahan.
"Daniel, gusto kitang makausap sa library." Biglang sabi sa kanya ng matanda. "Alone." Bago pa man makapagsalita si Julia.
Napatango na lamang sya.
__________
Hindi mawala ang ngiti sa labi ni Kathryn pagkatapos sila mag-usap ng Lolo nya. Nung una ay nagulat sya ng bigla na lang itong tumawag para mangamusta. Mula noon ay hindi lumilipas ang araw na hindi sya nito tinatawagan. Masaya sya dahil doon. Kahit papaano ay nabawasan ang lungkot nya.
Inaamin naman nyang mahal pa rin nya si Daniel at gusto nya itong makita. Namimiss na nya ito. Namimiss nyang inaalagaan at ipinapagluto ang binata. Pati nga ang araw araw na paghihintay nya sa pag-uwi nito galing opisina ay namimiss nya. Mas dumali ang buhay nya ng nawala si Daniel pero hindi naman ito bumuti.
__________
"Okay naman si Kathryn." Bungad sa kanya ni Don Roberto pagkapasok nila sa Library. "Nagtuturo sya ngayon sa isang photography school. Maayos din ang takbo ng gallery nya. Mas nagfofocus sya sa portrait at fashion photography ngayon. Masaya ako na narinig ko syang tumawa kanina. Nagmomove on na sya, Daniel. Alam kong gusto mong malaman kung anong lagay nya ngayon at gusto kong malaman mo na nasa mabuti naman syang kalagayan."
Napangiti sya sa sinabi nito. "Salamat ho."
"Gusto kong magalit sayo dahil sa nagawa mo sa kanya pero hindi ko magawa dahil pinili mo ang isa ko pang apo. Wala akong magagawa doon kahit pa hindi ako kumportable kapag naiisip ko na ginamit mo ang isa ko pang apo. Alam kong akala mo ay kay Julia lang ako may pakialam, pero mali ka. Mahal ko si Kathryn kagaya ng pagmamahal ko kay Julia."
Hindi sya sumagot. Alam nyang may pinaplano ang matanda kaya sya sinasabihan ng ganon.
"Mangako ka sakin na hindi mo na babalikan si Kathryn." Seryosong sabi nito sa kanya. "Guilty ka lang at inaakala mong pagmamahal yan. Alam kong nalilito ka kung sino talaga ang mahal mo. Hindi kita gusto para kay Kathryn. Wag kang magalit sa kin dahil dito pero ayokong umasa uli sya sa wala. Pabayaan mo ba sya. Wag ka na ding magtangkang tawagan sya, bubuksan mo lang ang sugat na unti unti ng naghihilom. Mas pinili mong makasama si Julia, panindigan mo yan habang buhay. Wala kang karapatang malito. Mahal mo man o hindi si Julia, wala kang choice kundi pakasalan sya."
Hindi sya makahinga sa mga narinig. Tama si Don Roberto, wala syang karapatang malito.
Pero litong lito na sya.
Hindi nya alam kung sino ba talaga ang mahal nya!
__________
"Wifey, I'm home." Malungkot na bulong nya habang binubuksan ang pintuan ng unit nya. Simula ng nawala si Kathryn ay naging malungkot na ang lugar na iyon. Araw araw na lang ay parang ayaw nyang umuuwi doon dahil alam nyang wala ng naghihintay sa kanya pag-uwi nya. Wala ng mga mahihigpit na yakap at matatamus na halik galing kay Kathryn. Wala ng ngiti na papawi sa pagod nya.
Umupo sya sa sofa ng hindi na binubuksan ang ilaw. Nagsindi sya ng sigarilyo. He had never felt this miserable sa buong buhay nya kahit pa noong panahong niloko sya ni Julia. Pakiramdam nya ay kulang sya. Hindi na sya ang dating Daniel. May kulang sa kanya at alam nyang isang tao lang ang makakapuno sa kulang na parte ng pagkatao nya - si Kathryn. Sigurado sya doon.
"Mangako ka sakin na hindi mo na babalikan si Kathryn." Naalala nyang sinabi sa kanya ni Don Roberto. Dahil nagdesisyon sya, tama man o mali iyon, kailangan nyang panindigan. Hindi na nya ito pwedeng balikan. Wala syang karapatan.
Pero gusto nya itong balikan!
Kahit alam nyang imposible na iyon. Malinaw na ayaw sa kanya ni Don Roberto para kay Kathryn. At si Julia naman ay naghahanda na para sa kasal nila. Si Kathryn ay nasa proseso na rin ng paglimot sa kanya.
Mahal nya si Kathryn.
Ang pagmamahal nya dito ay higit pa sa pagmamahal nya kay Julia o sa kahit sino pang babae. Akala nya naguiguilty lang sya pero hindi. Hindi nya alam paano nangyari pero nagawa ni Kathryn na mahalin nya ito ng sobra sobra.
Tinapon nya ang sigarilyo nya sa ashtray. Hindi na nya uli sasaktan ang dalaga. Hahayaan na nya itong kalimutan ang pagmamahal nito sa kanya. She deserves someone na mas mabuti kesa sa kanya. Someone na mamahalin sya unconditionally at hindi sya lolokohin. Pero kaya ba nya na makita si Kathryn na may kasamang iba?
Anong klaseng impyerno ba ang pinasok nya?
__________

BINABASA MO ANG
All of Me
Fiksi Umum'Cause all of me loves all of you... Love your curves and all your edges... Your perfect imperfections...