Chapter 26

13.9K 335 83
                                    

"Sigurado ka bang ayaw mong ihatid ka namin?" Tanong ni Jerome kay Kathryn. Huling gabi na kasi ng dalaga sa Pilipinas.

"Ayokong nakikitang umiiyak ang mga tao pag umaalis ako."

"Are you sure na okay ka lang dun?" Nag-aalalang tanong ni Enrique.

"Oh cmon. Hindi ko naman ito first time." Tumatawang sabi nya. "Alam ko na kung pano ito ihandle. Expert na yata ako at kaya ko ng sumulat ng libro on how to mend a broken heart. Wag na kayong masyadong mag-alala."

Pero hindi tumawa ang mga kaibigan nya. Nakatingin lang ang mga ito sa kanya.

"Magiging okay din ako."

Natahimik silang lahat.

Nabasag lamang ang katahimikang iyon ng lumapit ang kasambahay nina Jerome para sabihing may naghahanap kay Kathryn. Si Sam. Agad na tumayo ang dalaga at pumunta sa sala. Kailangan nyang ayusin ang mga bagay bago sya umalis.

Napangiti agad si Sam nang makita sya. "Im sorry."

Ngumiti sya pabalik. Narealize nyang hindi na sya galit dito. At isa ito sa mga mabuti nyang kaibigan.

"Para saan?"

"Para sa lahat ng nagawa ko."

Lumapit sya kay Sam at niyakap ito.

"Nasaan ang chocolates ko?" Biro nya pa dito.

Tumawa naman ng malakas si Sam.

__________

Pinikit ni Kathryn ang mg mata nya. Nakasakay na sila ngayon ng mga kaibigan nya sa eroplano pabalik ng New York. Ilang oras mula ngayon ay magiging normal na uli ang buhay ny. Babalik na sya sa dati nyang mga nakasanayan.

Pag gumising sya sa umaga ay hindi na nya kailangang magluto ng almusal para sa iba, hindi na nya kailangang ihanda ang gamit ng iba. Lahat ng gagawin nya ay para sa sarili nya lamang. Maghapon syang magttrabaho at hindi maghihintay lamang sa bahay. Makakatulog sya ng mahimbing sa gabi dahil hindi na nya maririnig na binabanggit ng katabi nya ang pangalan ng ibang tao, wala na rin syang maririnig na naguusap sa telepono sa madaling araw.

Lahat ay mas magiging madali para sa kanya ngayong wala na si Daniel sa buhay nya. Hindi na sya magmamakaawa para sa pagmamahal dahil maggive up na sya.

__________

Pakiramdam ni Daniel ay napaka-miserable nya paggising nya. Sinadya nyang pagurin ang sarili nya sa trabaho kagabi para tanghaliin sya ng gising. Pagtingin nya sa orasan ay alas diyes na. Nakaalis na si Kathryn. Ang alam nya ay alas nuwebe ang flight nito.

Tamad na tamad syang lumabas ng kwarto. Pero natigilan sya nang makita nyang napakalinis ng bahay nya.

"Kath?!" Sigaw nya habang tumatakbo papuntang kusina. Ngunit nadismaya sya ng makitang walang tao doon pero may pagkain sa lamesa. Nakita nya na may puting papel na nakatupi sa ibabaw.

Kinuha nya iyon at binasa.

Daniel,

I hope you dont mind na pumasok ako ng walang pasabi. Hindi ko kasi kayang magpaalam sayo ng harapan kaya't naisip ko na mas mabuting ipaghanda na lang kita ng breakfast for the last time. Mamimiss kong gawin to, alam mo ba yun?

Alam mo naman siguro kung gaano kita kamahal. Kaya please do me a favor and always stay happy. Matutulungan ako nung maka-move on. Kapag maiisip ko na masaya ka kasama ng kapatid ko ay maaalala kong tama ang desisyon kong pakawalan ka. Wag ka na ring mag-alala sa kin. Mabubuhay naman ako. Wag ka ring maguilty. Ginawa mo lang naman ang sa tingin mong magpapasaya sayo.

Isang araw magkikit rin tayo uli, at sisiguraduhin kong I'm over you pag nangyari yun. Dadating ang araw na ituturing kitang parang kapatid na lang. Alagaan mo ang sarili mo pati ang kapatid ko, alam mo naman na mahal ko rin sya.

At wag mong kakalimutan na bigyan ako ng maraming mga pamangkin para ispoil.

Thank you, Daniel.

Kathryn

Hindi alam ni Daniel kung bakit patuloy ang pag-agos ng luha nya habang binabasa ang sulat. Hindi nga nya alam kung tama ba ang naging desisyon nya.

__________

Huminga ng malalim si Kathryn habang nakatingala sa 3-storey building sa harapan nya. This is her gallery. Her dream that cme true. Her baby.

Proud na proud sya dito.

Naglakad sya papasok at nakangiti agad sa kanya ang mga guards nya.

"Welcome back, Boss!" Bati ng mga ito.

Matamis syang ngumiti sa mga ito at sa lahat ng staff nya. Ito ang mga taong hindi umiwan sa kanya through the ups and downs of her gallery. Minahal at nirespeto sya ng mga ito.

Napangiti sya pagkaupo nya sa kanyang desk. Ito ang totoo nyang buhay. Sya na uli si Kathryn Bernardo ang mahusay na photographer at hindi sya ang Kathryn Bernardo ang anak sa labas.

__________

Hindi alam ni Daniel bakit sya napadpad sa park ngayon. Naglakad lakad lang sya. Gusto nyang tumambay sa bench na madalas tinatambayan ni Kathryn para alalahanin ang mga magagandang memories nila. Nakakita din sya ng nagbebenta ng ice cream kanina at binili nya ang favorite flavor ng dalaga.

Naupo sya sa bench at tinitigan ang ice cream na natutunaw. Naiimagine nya si Kathryn na dinidilaan ang gilid nito. Nakikita nya itong nakangiti sa kanya. Sobrang namimiss na nya ito. Yung mga ngiti nya, yung tawa nya, lahat ng tungkol kay Kathryn.

Tumingin sya sa paligid at mukhang lahat ng tao ay masaya bukod sa kanya. Dati ay kuntento na syang nakaupo sa bench na iyon habang pinapanood si Kathryna na kumuha ng mga litrato. Naaalala pa nya kung gaano ito kaganda kapag hawak ang camera nito. Tiningnan nya ang bakanteng space sa tabi nya. Dati ay doon nakaupo si Kathryn. Napakunot ang noo nya nang may mapansing may kuminang sa ilalim ng upuan. Inabot nya iyon.

Ang engagement ring na binigay nya kay Kathryn!

"I'm going to marry you someday." Narinig nya ang sariling boses sa utak nya.

Saka lamang nya naalalang dapat ay magkikita sila doon.

Tangina. Kelan ba sya matututo?!

__________

All of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon