"Boss?"
"Ano?!" Sigaw ni Daniel nang marinig nya ang boses ng secretary nya sa intercom. Inutusan nya ito na wag syang istorbohin. Ayaw nya tumanggap ng tawag at bisita. Wala sya sa mood. He woke up on the wrong side of the bed again. Lagi na lang.
Kagabi ay napanaginipan nya si Kathryn. Nasa park ito at may hawak na baby. Lalapitan nya sana ang dalaga nang nakita nyang may lumapit na lalaki dito at hinalikan si Kathryn sa lips. Mukha silang happy family. Isa yung bangungot para sa kanya. Hindi nya matanggap ang posibilidad na magkatotoo iyon.
"Sorry sa pag-istorbo, Boss." Sabi ni Cherry. "Pero si Sir Sam po gusto kayong makita."
Ilang malalim na paghinga ang ginawa nya para pakalmahin ang sarili. "Papasukin mo sya." Utos nya. Ilang buwan din silang hindi nagkita. Bumalik si Sam sa London same day ng pag-alis ni Kathryn.
Napakunot agad ang noo ni Sam pagkakita sa kanya. "You look like shit."
"Will you stop stressing the obvious?" Naiinis na sagot nya. "So I look like shit. Ano naman sayo?"
"Sorry, Pare."
"Anong ginagawa mo dito?"
Naging seryoso ang mukha ni Sam. "Hindi pa tayo masyadong okay nung umalis ako. Alam kong sinisisi mo ko sa nangyari kaya gusto kong humingi ng tawad. Pwede vang maging magkaibigan na uli tayo?" Inilahad nito ang kamay nito sa kanya.
Agad naman nya itong tinanggap and pulled him in for a brotherly hug. "Ikaw pa rin ang bestfriend ko, Sam. Kahit anong gawin mo, magkaibigan pa rin tayo. Kalimutan ba lang natin ang lahat ng nangyari."
"Congratulations nga pala."
Saka lang nya naalala na engagement party na nya bukas.
"Thanks." Walang gana nyang sagot.
Tinawanan sya ni Sam. "Mukhang napaka-saya at excited mo ha?" Sarcastic na tukso sa kanya.
"Hindi ko alam kung gusto ko pang ituloy to, Sam." Pag-amin nya. Naglakad sya papalapit sa bintana at tiningnan ang kalsada sa ibaba ng building nya.
"Magiging okay din ang lahat." Tinapik ni Sam ang balikat nya.
"Sana nga."
"It will be. Naguguluhan at guilty ka lang."
*No! Im not!* Gusto nyang isigaw dito pero si nya magawa.
"I wonder kung alam ni Julia ang tungkol dito." Natatawang sabi ni Sam. Nilingon nya ito at nakita nyang nakatitig ito sa computer nya. Ang screensaver nya ay pictures pa rin ni Kathryn. Those pictures kept him going for months.
Nalaman na ni Julia iyon at galit na galit sya.
-=FLASHBACK=-
"Anong ibig sabihin nito?!" Galit na sigaw ni Julia habang tinuturo ang computer nya. Hindi nya makita nasaan ang picture frame at nang mahanap nya ito ay nasa basurahan na. Pinulot nya iyon at ibinalik sa dati nitong puwesto.
"I want you to delete her pictures and throw that again now! And I mean now!" Demand ni Julia.
"Hindi mo ko pwedeng utus-utusan, Julia!" Galit na sambit nya. "Fiancè lang kita. It doesnt give you the right na utusan ako sa sarili kong opisina!"

BINABASA MO ANG
All of Me
General Fiction'Cause all of me loves all of you... Love your curves and all your edges... Your perfect imperfections...