Namamaga ang mata ni Kathryn sa kakaiyak. Ilang oras na syang umiiyak at parang di na nga kaya ng tear ducts nyang magproduce pa ng luha. Hindi nya maintindihan bakit hindi man lang sya pinakinggan ng Lolo nya. Hindi man lang nito tinanong kung ano ba talaga ang nangyari. Kung paanong nagkaroon sila bigla ng relasyon ni Daniel.
Buong buhay nya ay ginagawa nya ang lahat para iplease lang ito pero anong nakuha nya?
"I'm so disappointed in you, Kathryn." Paulit ulit nya iyong naririnig sa utak nya. At lalo syang napapaiyak dahil doon.
Nakarinig sya ng katok sa pintuan. Agad nyang pinunasan ang luha nya at pumunta sa pinto. Umorder sya ng pagkain kanina baka ito nay un. Binuksan nya ang pinto at nakita si Daniel.
"Magempake ka ng gamit mo." Utos nito pagkapasok pa lamang. Tumayo lang sya dun na nakatingin sa binata. Nakita ni Daniel ang luggage nya sa gilid ng kama. "Lahat ng gamit mo, andito pa?" Tanong nito sa kanya.
Tumango lang sya. Hindi nya alam kung anong iniisip ni Daniel. Wala kasi itong pinapakitang emosyon.
"Ayusin mo ang sarili mo at uuwi na tayo." Utos na naman nito.
Umiling sya dito.
Daniel combed his hair in frustration at niyakap sya nito. "I'm so sorry." Bulong nito sa tenga nya at hinalikan sya sa sentido. "I'm sorry."
Niyakap nya din ang bewang nito at ibinaon ang mukha nya sa dibdib ng binata. It feels so damn good being held like this. Mas gumaan ang pakiramdam nya.
"Let's go home." Malambing na sabi ni Daniel.
"Home?" Tanong nya. She doesn't have a home here.
"Sa condo ko. Simula ngayon, dun ka na titira kasama ko. From now on, it will be your home. Aalagaan kita, Kath. Lahat gagawin ko to make you happy. Kaya uwi na tayo."
Tumango na lamang sya dito. Wala na syang pakialam kung buong mundo ay galit sa kanya. Nangako si Daniel na aalagaan sya at sapat na yun sa kanya. And he is giving her a home.
__________
Hinawi ni Daniel ang ilang strands ng buhok ni Kathryn na nakatakip sa mukha nito. Natutulog ito ng mahimbing sa tabi nya. Hinalikan nya ito sa noo. He'll take one step at a time in loving her. Hindi nya ito mamadaliin dahil alam nyang dadating din sya doon.
Walang wala sya kumpara sa mga ex-boyfriends ni Kathryn, pero aalagaan nya ito gaya ng pagaalaga nila sa kanya. Ibibigay nya dito ang lahat ng gusto nya.
They will live together happily.
Pero sa puso nya ay nakakaramdam pa rin sya ng guilt. Hindi naman kasi dapat ito madadamay sa gulo kung hindi nya sinabi ang kasinungalingan na yun kina Sam at Julia. Dapat ay masayang nagbabakasyon si Kathryn ngayon pero sinira nya ito.
Nangako syang babawi dito.
Pinikit nya ang mga mata nya at natulog na.
Napanaginipan nya si Julia.
__________
Kumakanta kanta si Kathryn habang nagpprepare ng breakfast. Natutulog pa si Daniel sa kwarto nila. Ilang araw na rin syang nakatira sa condo nito and it's perfect. Well, medyo. Okay naman lahat bukod sa naririnig pa rin nyang binubulong nito ang pangalan ni Julia pag natutulog after nilang mag-make love. Nasasaktan pa rin sya pero ginusto nya ito kaya hinaharap na lang nya ang consequences.
Naniniwala syang eventually ay mamahalin din siya ni Daniel. Willing syang maghintay kahit gaano katagal.
Her thoughts were interrupted nang bigla syang niyakap ni Daniel mula sa likod. Napangiti agad sya. Hinalikan sya nito sa batok. Gustong gusto nitong ginagawa iyon tuwing umaga.
"Good morning, Wifey!" Bati ni Daniel sa kanya.
Wifey.
Yan ang tawag ni Daniel sa kanya. Sabi kasi nito ay para na silang married couple kung kumilos.
"Good morning, Hubby." Bati nya pabalik. "Kamusta ang tulog mo?"
"Okay naman. Napanaginipan kita." Nanigas sya sa narinig. Alam naman nyang nagsisinungaling ito. Hindi nito alam kung ilang beses na syang umiyak sa banyo tuwing naririnig nyang binubulong nito ang pangalan ng kapatid nya habang natutulog.
"Why?" Tanong ni Daniel at inikot sya para magkaharap na sila. Hinalikan sya nito sa ilong.
"May iniisip lang ako."
"Sana hindi yan ibang lalaki." Sabi nito habang hinahalikan sya sa labi.
"You're the only man for me." Bulong nya against his lips.
Okay lang.
At least nageeffort syang magsinungaling. It means na may pakialam ito sa kanya na ayaw nyang masaktan sya.
"I love you." Sambit ni Kathryn.
Natigilan si Daniel. Hindi nito alam ang sasabihin.
Nagtiptoe sya at hinalikan ito sa baba. "Ang aga pa ba para sabihin ko yun? Meron akong aaminin sayo. Nagsinungaling ako nung sinabi ko sayo na crush kita dati. Ang totoo nyan, mahal na kita noon pa man at mahal pa rin kita. Hindi na ata ako nakagetover sa feeling na yun. I have always loved you, Daniel. Wag kang mag-alala hindi kita pipiliting mahalin din ako. Willing akong maghintay. Love me in your own good time." Buong pagmamahal nyang sabi dito.
"Hindi ko alam anong dapat kong maramdaman." Sabi ni Daniel. "Ang saya ko kasi mahal mo ako and at the same time pakiramdam ko ay hindi ako deserving sa pagmamahal mo. Hindi ko pa kayang ipangako sayo na kaya kitang mahalin gaya ng pagmamahal mo sa akin."
"A piece of your heart will do, Daniel. Hindi ko hinihingi ang buong puso mo. Kahit kapiraso lang."
Niyakap sya ng mahigpit ni Daniel.
"Halika na, magbreakfast na tayo. Malalate ka na sa office." Hinila na nya ito para maupo sa dining table.
Masaya silang kumain, at habang naliligo si Daniel ay hinanda nya ang mga susuotin nito. Kapag naman nasa opisina si Daniel ay naglilinis sya ng buong bahay at nageedit ng photos sa laptop. Magluluto sya ng dinner bago pa man makauwi ang binata at kakain sila ng sabay. Manonood sila ng TV and then they would make love.
Yan ang routine nila araw-araw. Isa syang epitome ng isang housewife. Hindi ito ang nakasanayan nyang buhay, pero kakayanin nya ito.
__________

BINABASA MO ANG
All of Me
General Fiction'Cause all of me loves all of you... Love your curves and all your edges... Your perfect imperfections...