"Ilang ulit ko bang sasabihin sa inyo na hindi ako makikipagdate dyan sa kaibigan mong model!" Naiinis na sigaw ni Kathryn.
"Bakit naman hindi?" Tanong ni Chienna.
Inirapan nya ito. Pinipilit sya ng mga kaibigan nyang makipagdate sa mga kaibigan nitong lalaki at napapagod na syang pagbigyan ang mga ito. Hindi naman sya nageenjoy na makipagdate sa hindi naman nya kakilala.
Tiningnan sya ng masama ni Hope. "Mahal mo pa sya."
"Syempre naman!" Sagot nya agad dito. "Hindi ko naman sya agad agad makakalimutan no."
"Kaya nga dapat ka ng makipagdate sa iba." Singit ni Chienna.
"Ayaw ko nga!"
"Bakit nga?!" Sabay pang sigaw nina Hope at Chienna.
"Ayoko sa idea na makikipagdate ako para makalimutan ko yung isang tao. Napaka-unfair nun."
Napabuntong hininga na lang ang dalawang kausap nya.
"Alam mo namang boto ako kay Daniel diba?" Sabi ni Chienna. "Gustong gusto ko sya para sayo kaya nga hindi man lang ako nagtanim ng sama ng loob kahit gaano pa sya kagago. Pero Kath, tanggapin na natin. Si Julia ang pinili nya. Ang kapatid mo ang mahal nya. At magiging bayaw mo na sya!"
"At patigilin mo na rin ang puso mo sa kakaasa." Dagdag pa ni Hope.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Wag ka ng magdeny." Nakairap na sabi ni Hope. "Naghahanap ka ng himala, Kath. At alam mo yan. Umaasa ka pa na may chance pa kayo ni Daniel. Hindi ko alam bakit ba umaasa ka pa. Hindi ka naman ganyan dati kina Jerome at Enrique. Di ko alam ano bang meron si Daniel at nagkakaganyan ka."
"Sya ang first love ko." Bulong nya.
"Alam namin." Pambabara ni Chienna. "Pero di naman ikaw ang first love nya."
"Oo na. Sige na." Pagsuko nya. "Makikipagdate na ko sa kaibigan nyo."
Tama ang mga kaibigan nya. Umaasa pa rin sya na magkaroon ng himala. Araw araw ay umaasa syang dadating si Daniel at sasabihin sa kanyang narealize na nito na sya talaga ang mahal ng binata. Hinihintay nyang dumating ang araw na iyon. Pero naghihintay sya sa wala. Umaasa sya sa wala.
__________
Naalimpungatan si Daniel dahil naramdaman nyang may humahalik sa kanya.
Kathryn?
Minsan kasi ay ginigising sya nito sa pamamagitan ng paghalik.
Napangiti sya at pinalalim ang halik. Hinawakan nya ang kamay nito at dumagan sa dalaga. She moaned in pleasure. Natigilan si Daniel sa ginagawa nya.
Hindi sya si Kathryn.
Dahan dahan nyang idinilat ang mata nya at nakita si Julia. Agad syang bumangon at dumistansya dito.
"What's wrong?" Naguguluhang tanong ni Julia.
Umiling lamang si Daniel at nagpunta na sa banyo para maghilamos.
He hates waking up everyday. Hindi pa ron sya sanay na gumigising ng hindi nakikita ang mukha ni Kathryn, ng hindi naaamoy ang pagkaing inihanda nito para sa kanya, ng hindi hinahalikan ang dalaga. Tiningnan nya ang sarili nya sa salamin. He looks like shit.
"Another day in hell." Sabi nya sa sarili nya sa salamin.
"Nagluto ako ng special breakfast for you." Bungad sa kanya ni Julia pagkalabas nya sa banyo.

BINABASA MO ANG
All of Me
Ficción General'Cause all of me loves all of you... Love your curves and all your edges... Your perfect imperfections...