I'm The Demon's Part Time Girlfriend

12.8K 140 38
                                    

Prologue

Naranasan mo na bang maging part time? 

Part time driver.

Part time waiter.

Part time julalay.

Part time tagahugas.

Part time tagagawa ng projects.

Part time taga answer ng assignments.

Part time taga hatid ng anak ng kapitbahay niyong chismosa.

Part time tagagawa ng baon ng kaklase mong tamad.

Part time taga ikot ng asong si Bree na pagmamay ari ng kapitbahay mong si Bruno.

Part time taga bugbog ng mga may gustong ipabugbog. De joke lang.

Part time taga bili ng snacks ng kaklase mo sa canteen.

Part time taga kamot ng alipunga ng lolang nasa kabilang kanto.

Ako si Ynna , ang bida sa istoryang ito. Ako si Ynna... maganda, mayaman, makinis, mabait, matalino, maganda ulit at higit sa lahat... maganda pa rin.

Pero joke lang. Hindi ako mayaman, hindi ako makinis, hindi ako mabait...konti lang. Hindi ako... hindi ako.... hindi ako maganda! Kasuraaaa. =___= Mamatay na lahat ng maganda! Tss. At higit sa lahat... mahirap ako. Buhay daga ako. Isang kahig, isang tuka.

Kaya nga ako maraming part time diba? Ginawa ko na lahat yun. Lahat ng matinong pwedeng i part time game ako basta may pera ba, eh tinitira ko na.

Sa maraming taon kong pamumuhay ng mag isa akala ko lahat ng matinong part time napasukan ko na. Akala ko hanggang paglilinis lang ako ng aso ni Bruno at pag kakati ng alipunga ni Lola. 

Akala ko lang pala. 

Hindi ko akalain na may mas malala pa palang part time sa pagkakamot ng alipunga ni lola...

Sa kamalas malasan, sa sobrang kamalasan na akala mo hindi nako dadatnan ng bukas....

Naging part time maid ako ng isang DEMONYO. 

At sa sobrang walang bukas na kamalasan ulit...

Magiging part time FIRST LADY pa pala ako ng isang DEMONYO.

Akala ko hanggang  PART TIME lang ako. 

Leche.

Magiging FULL TIME pala kamalasan ko nito. 

I'm The Demon's Part Time Girlfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon