Hanggang ngayon ay malaking palaisipan pa rin sa akin ang lalaking nasa panaginip ko. Hindi ko mawari kung ano ba talaga ang kailangan niya sa akin, maliban lang sa palagi niyang sinasabi na 'pagmamay-ari niya daw ako.' Pero kahit na, hindi ko pa rin siya mamukhaan dahil sa kapal ng usok na pumapalibot sa amin kagabi.
Break time namin ngayon. Napatingin ako sa mga kaibigan ko na abalang nag-uusap habang naglalakad. Ni wala na akong ideya kung ano na ang pinag-uusapan nila dahil sa malalim kong iniisip.
Tahimik ko lang sila pinagmamasdan habang nagkukuwentuhan. Gustuhin ko man magsalita ay hindi ko magawa. Parang imuurong ang dila ko kung sakali babanggit ko sa kanila ang bagay na 'yon. Sa huli ay nagpasya na ako. No, hindi ko pwedeng sabihin sa kanila ang naging karanasan ko kagabi. Pinangungunahan ako ng takot. Natatakot ako sa maaari nilang isipin sa akin. Natatakot ako na baka umiba ang pakikitungo nila sa akin. Natatakot ako na husgahan ako ng iba... Maski sa tiyahin ko ay hindi ko binalak na sabihin dahil ganoon din ang rason ko. Sa oras na sabihin ko sa kanila 'yon, baka sasabihin nila ay nababaliw na ako.
"Tara, Beth!" Masiglang aya sa akin ni Carmz, pointing at the Cafeteria.
Hilaw akong ngumiti at tumango. "S-sige..." Ang tanging nasabi ko saka sumunod sa kanila. Naging mabagal ang lakad ko hanggang sa tuluyan akong natigilan nang may nakasalubong akong isang lalaki. Sinundan ko iyon ng tingin. Parang pamilyar sa akin ang lalaking iyon pero sa tingin ko ay ahead ako sa kaniya ng isang taon, it means, lower class man ko siya.
"Beth! Let's go!" Malakas na tawag sa akin ni Shayne na napukaw ng aking atensyon.
Binawi ko ang tingin ko mula sa lalaking nakasalubong ko. "N-nariyan na...!" Sagot ko at binilisan ko ang lakad ko papasok sa Cafeteria.
Sinigang ang ulam ni Carmz, Adobo kay Shayne, Afritada kay Jasmine habang sa akin naman ay pinakbet. Wala akong gana ngayon sa karne kaya mas gusto ko ng gulay ngayon.
"May balita ako," Panimula ni Shayne. Gumuhit ang mapaglarong ngiti sa kaniyang mga labi.
"Ano na naman iyang balita mo?" Tanong sa kaniya ni Jasmine. "Siguraduhin mong makabuluhan iyan, ah?"
"May bago daw tayong teacher. Ang pagkaalam ko ay PE teacher siya..." Saka ngumisi siya. "Guwapo."
Carmz and Jaz rolled their eyes. "Sabi na, eh." Sabi nilang sambit.
Ginawaran sila ni Shayne ng inosenteng tingin. "Oh, bakit? Totoo naman, ah." She may now sounds so defensive.
Napailing nalang sila habang ako naman ay napayuko. Bakit ganito na naman ang nararamdaman ko? Bakit parang may kakaiba na naman tulad ng naramdam ko kanina sa lower class na nakasalubong ko kanina? Ganoon din sa college student na nakita ko sa Coffee Shop kahapon?
"Mag-aral ka kasi ng mabuti para mapansin ka din ng mga teacher lalo na kung crush mo." Sermon ni Jasmine kay Shayne.
Umingos siya. Sinulyapan niya ako. "Beth,"
Inangat ko sa kaniya ang tingin ko. "H-ha?"
Napatingin silang tatlo sa akin, may halong pagtataka. "Okay ka lang ba? Masyado kang tahimik ngayon. May problema ba?" Si Shayne ang nagtanong.
Napalunok ako saka hilaw ngumiti. "W-wala naman, wala akong problema. May iniisip lang ako..." Pagdadahilan ko pa. "Nag-iisip lang ako kung anong kukunin kong strand pagka-senior high na natin." Saka mahina akong tumawa para mas effective.
BINABASA MO ANG
Haunt By The Demon #Wattys2018 (UNDER REVISION)
General FictionThe Demon Series #1: Buhat nang bumisita ang misteryosong lalaki sa panaginip ni Bethany ay hindi na naging normal ang takbo ng kaniyang buhay. Palagi na siyang napapahamak. Araw-araw ay dala niya ang takot at kaba ngunit kinakaya niyang magpakatata...