chapter8.

7.9K 210 4
                                    

Hindi na kami nagsayang ng oras ni tita. Sinadya naming huwag muna ako pumasok ng araw ding iyon. Pinatingin muna niya ako sa isang Psychologist.

May mga pinasagot sa aking iilang psychological test. Habang sinasagot ko iyon ay kinakausap naman ng psychometrician si tita para tanungin ng iilang bagay tutal naman daw ay siya ang kasa-kasama ko buhat nang namatay ang parents ko hanggang ngayon.

Pagkatapos ng iilang test ay ininterview ako, napapansin ko lang na hindi pasyente ang tawag sa akin, kungdi client. Tinatanong ako kung kailan daw nagsimula ito at papaano daw lumulula ang takot at kaba na nararamdaman ko. Sinabi ko din ang totoo, at walang halong kasinungalingan.

Ang ending, hindi pa naman daw severe ang anxiety ko. Hindi pa malala at maaari pang maagapan. Hindi rin daw nila masabi kung may delusional disorder iyon o ano dahil palagi kong nababanggit parang totoo ang nangayayari sa akin.

"May kakilala daw ang katrabaho ko na isang albularyo. Pwede tayong dumiretso doon..." Wika ni tita habang nasa bus kami.

"Sige po." Sang-ayon ko pa.

Humigpit ang pagkahawak niya sa akin. Dahil d'yan ay napatingin ako sa kaniya. Bahagya siyang ngumiti. "Pagkatapos ng gamutan mo, pwede tayong pumunta sa probinsya namin para mailayo kita."

Sa sinabi na iyon ni tiya ay kahit papaano ay gumaan ang aking pakiramdam. Ramdam ko na hindi ako mapapabayaan ni tita, lalo na sa ganitong sitwasyon at estado na ako. Tulad din ng gusto ko, gusto kong bumalik ang lahat sa normal. Gusto kong maalis ang demonyo na iyon sa katawan ko, o kahit sa panaginip ko. Ayokong maapektuhan ang pag-aaral ko lalo na ang daily lifestyle ko...

Nakarating kami sa isang maliit na kubo. Nasa parte kami ng Cavite. Bandang Indang daw ito at mukhang malayo sa sibilisasyon. Malawak ang lupain, maraming puno at halaman ang pumapalibot sa naturang kubo. Naabutan naming wala masyadong tao o kaya nagpapagamot.

"Sigurado po kayong dito iyon, tita?" Hindi ko mapigilang tanong ko sa tiyahin ko.

Bago man niya ako sagutin ay tiningnan niya ang maliit na papel na kaniyang hawak. "Heto kasi ang address na binigay sa akin ng katrabaho ko. Dito rin tayo tinuro ng mga lokal..." Tiniklop niya ang papel saka ibinalik niya iyon sa bulsa ng kaniyang pantalon. "Tara, pumasok na muna tayo."

Tumango ako bilang pagsang-ayon.

Humakbang kami papasok sa naturang puno. Si tita ang kumatok sa pinto ng kubo.

"Tao po?" Sadyang nilakasan ni tita para marinig siya sa loob. "Tao po?! Nariyan po ba si Mang Lando?"

Maya-maya din ay dahan-dahan nagbukas ang pinto. Napalunok ako dahil sa kaba. Hanggang sa tumambad sa amin ang isang matandang lalaki. Nakasuot ito ng tsaleko at lumang pantalon na nakatupi ang laylayan nito hanggang tuhod. Siya na ba ang tinutukoy ni tita na mang Lando?

"Anong kailangan nila?" Tanong niya sa amin.

Alanganing ngumiti si tita. "Ano po kasi, ako po si Tilda, ang iyon naman po ang aking pamangkin na si Beth. Galing pa apo kaming Maynila. Tinuro lang po sa amin ng katrabaho ko itong address niyo, magpapatingin po sana kami..." Paliwanag ni tita sa kaniya. "Kayo po ba si Mang Lando?"

"Ako nga," Seryosong sagot ng matandang albularyo pagkatapos ay bumaling siya sa akin. Naniningkit ang mga mata niya habang pinagmamasdan niya ako. "Siya ba ang pasyente?"

"O-opo, siya nga po..." Sagot ni tita.

"Oh siya, pumasok na muna kayo. Tapos ko na din gamutin ang iba." Aniya saka nilakihan niya ang awang pinto ng kubo.

Tumingin sa akin si tita at binigyan niya ako ng sensyales na lumapit. Sumunod naman ako. Hahakbang sana ako pero parang may pumipigil sa akin. Mas bumibilis ang tibok ng puso ko. Anong...

Haunt By The Demon #Wattys2018 (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon