chapter15.

7.2K 164 6
                                    

"Woooow!" Hindi ko mapigilang mabulalas iyon nang makita ko ang mga pagkain na nakahain na sa mahabang dining table. Sa tingin palang, masasarap na. Sa tingin palang, mukhang professional chef ang nagluto ng mga ito.

"The dinner is served." Masayang sabi ni Raziel na may mapaglarong ngiti sa kaniyang mga labi. Nakasuot pa rin siyang apron at nakapameywang, feeling proud sa kaniyang ginawa. Bumaling siya sa akin. "What do you think, Beth?"

Ngumiti ako. "Mukhang masasarap..."

"Don't smile at him, Bethany." Mariin at inis na sabat ni Ramael,

Napabuntong-hininga ako. "Siya, ako'y gutom na. Kakain na ako." Sabi ko nalang. Nagmartsa ako patungo sa isa sa mga dining chair. Hinila ko iyon at umupo. Kinuha ko ang table napkin saka nilagay iyon sa aking kandungan. Tumingin ako sa dalawa. Kumunot ang noo ko nang naabutan ko silang nagsusukatan na naman sila ng tingin sa isa't isa. Galit ang mukha ni Ramael samantalang si Raziel naman ay nakahalukipkip na nakangiti., tila inaasar niya ang kaharap niya. "Mamaya na kayo mag-away kapag tapos na tayo kumain." Malakas na pagkasabi ko sa kanila.

Doon ay pinutol na nila ang tingin sa isa't isa. Dinaluhan ni Ramael ang karaniwan niyang pwesto dito sa dining table habang si Raziel naman ay siya na ang bahalang namimili ng mauupuan niya. Medyo nagulat naman ako dahil may dalawang lalaki at dalawang babae ang pumasok dito sa Dining Area. Ang mga lalaki ay nakasuot na katulad sa matandang bulter, ang mga babae naman ay nakasuot ng... Maid?

"I hired them, masyadong malungkot naman itong bahay mo. At isa pa, masyado nang matanda ang bulter mo dito, dude. Dapat ay may katuwang-" Naputol ang sasabihin ni Raziel nang biglang hinampas ni Ramael ang mesa na ikinagulat ko.

"What the fuck are you doing, Raziel?!" Bulyaw niya.

Kalmado lang nakatingin sa kaniya si Raziel. "Sinabi ko na, ah. Bingi lang, dude?" Sabay napakamot siya sa kaniyang ulo.

"This is my house and don't break my rules!" Sigaw ulit ni Ramael.

Ngumuso si Raziel. "Dude, kawawa nga ang matanda. Sa katunayan ay senior na iyan. Dapat ay nagpunta na siya sa malayong lugar o sa probinsya niya at kasama na niya ang pamilya niya."

Matalim na tiningnan ni Ramael si Raziel. Kumuyom ang kamao niya. Alam na, galit na naman ang isang ito.

"Kung iniisip mo ay ang pambayad mo sa serbisyo nila, there's nothing to worry about. I can pay." Dagdag pa nito.

Hinawakan ni Ramael ang kopita na nasa kaniyang tabi at marahas siyang uminom ng tubig mula doon. "Fine." Finally he agreed.

Muli napangiti si Raziel. Tila nanalo siya sa isang pustahan. Bumaling siya sa mga bagong dating. "Mamaya kakausapin ko kayo. Finally we have the master's approval." Aniya sa mga iyon.

Agad nagsikilos ang mga butler at maid. Pinagsilbihan kami. Ilang beses na din ako tumanggi dahil hindi ako sanay. Mas sanay ako sa self-service.

"Let's pray..." Anunsyo ni Raziel bago kami kumain.

Napatingin ako kay Ramael. Lukot na naman ang mukha niya. Oo nga pala., he's a demon, literally. Malakas ang allergy niya sa mga prayers.

"Anyone?" Si Raziel upang mapukaw ang atensyon namin sa kaniya.

Napangiwi ako at tumingin ulit kay Ramael. Nababasa ko ang galit sa mukha niya. Unti-unti na natatanggap ng sistema ko tungkol kay Ramael. Magagawa niyang makihalubilo sa mga mortal na tulad ko pero may kaibahan pa rin. Lalo na ang pagdadasal.

"You want to pray, Raziel?" Mariin ngunit kalmadong tanong ni Ramael sa kaniya.

"Of course, we're receiving God's grace." May ipinagmamalaking sagot nito sa kaniya.

Haunt By The Demon #Wattys2018 (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon