Chapter 27.
It's been three weeks. Naging maayos naman ang pagsasama namin ni Ramael bilang mag-asawa. Malaking adjustment pero hinid ibig sabihin n'on ay susuko na ako. Na susukuan ko na siya. Being harsh and bad is his nature. Noon palang ay tinanggap ko na kung ano talaga siya. Sa tuwing may hindi kami napagkakasunduan, ay hindi pwedeng matutulog kami na pareho ang masama ang loob. Sa katunayan pa nga ay siya pa ang sumusuyo na magkabati kami, hindi ko rin naman siya matiis kaya ganoon.
Pinatigil na din niya ako sa trabaho. Wala na rin naman ako magagawa. Sinabi ko sa mga kaibigan ko tungkol sa bagay na iyon. Naiitindihan naman daw nila. Maghahanap nalang daw sila ng ibang photographer. Nasabi ko rin sa kanila na kapag may critical situation at walang photographer, pwede nila akong tawagan. Palagi akong naghahanap ng gagawin dito sa mansyon niya. Natulong ako sa Raziel sa mga ginagawa niya. Noong una ay ayaw niya dahil baka mapagalitan daw siya ni Ramael but I insist. Sa huli ay wala na rin siya magagawa.
Pinahid ko ng bimpo ang aking noo dahil sa namumuong pawis. Napabuntong-hininga ako at ipinagpatuloy ko ang aking ginagawa sa pag-aayos ng mga halaman dito sa garden ng mansyon. Nagiging maayos na ito. Mabuti nalang pala ay dumating si Raziel at siya ang nag-ayos nito. Buti nalang din ay pinayagan siya ni Ramael na maggardening ang isang iyon.
"Beth, inom ka muna tubig, oh." Masiglang alok sa akin ni Raziel.
Tumigil ako sa aking ginagawa. Bumaling ako sa kaniya. Napangiti ako. Tumayo at tinanggap ko ang baso ng tubig. Ininom ko iyon saka ay ibinalik ko din sa kaniya ang baso na wala nang laman. "Salamat, Raziel."
"You're welcome. Teka, bakit hindi ka kaya muna magpahinga? Baka patayin ako ni Ramael kapag nalaman niyang napagod ka nang husto dito." Nag-aalalang tanong niya.
"Mas mabobored kasi ako kapag walang ginagawa. Saka, wala namang mali dito, eh." Pagrarason ko pa.
"Sigurado ka ba?"
Tumango ako.
Nakapameywang siya. "Sa totoo lang, hindi pa rin ako makapaniwala. Napaibig mo ang isang tulad ni Ramael." Nakangiti niyang sambit.
Nanatili lang akong nakatingin sa kaniya. "Hm, bakit?"
Bumaling siya sa akin. "Ang akala ko din ay anak lang ang habol sa iyo ng isang iyon. Pero mukhang mas higit pa doon sa inaasahan ko." Dagdag pa niya.
Iyon din ang akala ko noong una. Akala ko ay iyon din ang kailangan niya sa akin. Pero nang napagtanto ko, mukhang may halong pagmamahal na din ang nananaig sa aming dalawa. Nasabi din niya sa akin na gusto niya daw magkaanak sa akin ay dahil gusto niyang makita ang bunga ng pagmamahal niya sa akin.
"Hindi ka ba natatakot sa maaaring mangyari, Beth?" Biglang sumeryoso ang tono ng boses niya nang tanungin niya ako ng bagay na iyon.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Mag-asawa na kayo ni Ramael. Kahit balik-baliktarin niyo pa ang sitwasyon ay magkakaroon pa rin kayo ng anak na cambion. Hindi normal na tao..." Malungkot niyang pahayag.
Napatingin ako sa langit. "Matatakot pa rin naman pero alam kong hindi kami pababayaan ni Ramael."
Napapansin ko ang pagtahimik ni Raziel. Nababasa ako sa kaniyang mga mata ang kalungkutan. Wala akong ideya kung bakit.
Napasapo ako sa aking bibig at naduduwal.
"Beth? Ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Raziel sa akin.
Isang pilit na ngiti ang iginawad ko pero mabilis akong lumayo sa kaniya. Hindi ko mapigilan ang sarili kong masuka sa isang sulok. Parang halos lahat ng kinain ko kaninang umaga at nailabas ko.
BINABASA MO ANG
Haunt By The Demon #Wattys2018 (UNDER REVISION)
Ficțiune generalăThe Demon Series #1: Buhat nang bumisita ang misteryosong lalaki sa panaginip ni Bethany ay hindi na naging normal ang takbo ng kaniyang buhay. Palagi na siyang napapahamak. Araw-araw ay dala niya ang takot at kaba ngunit kinakaya niyang magpakatata...