8 years later.
Abala kaming lahat dito sa studio. Panay sigaw ko para magbigay ng instructions sa mga models na nasa harap ko. I'm just doing my job. Professional. Walang personalan.
"Okay, change outfit and retouch!" Malakas na pagsabi ko sa kanila.
Agad lumapit ang dalawang assistant sa mga model para magpalit ng damit. Meron ding lumapit na make up artist para ayusan ang mga iyon. Dahil summer na, hindi pwedeng hindi summer outfit ang ipapasuot sa kanila. By next week may shoot pa akong pupuntahan somewhere in Visayas, hindi pa nga lang confirmed kung tuloy na talaga, nag-aalanganin pa kasi ang kliyente dahil sa budget ng buong team kaya maglileave ako ng call sa kaniya mamaya after ng shoot na ito.
Nireview ko ang mga shots na ginawa kanina. Niisa-isa ko ang mga iyon. At the same time, anong klaseng pose at background naman ang nababagay sa mga iyon.
"Mukhang busy na busy ka, ah."
Napatingin ako kung sino ang nagsalita na iyon. Si Carmz, nakahalukipkip siya habang papalapit sa akin. Wearing a sweet smile. Kung dati wavy ang buhok niya, ngayon ay talagang nagparebond ang isang ito, nagpakulay pa ng buhok.
"Parang ikaw, hindi." Then I smirked.
"Eh mas nakakapagod naman iyang ginagawa mo, panay tayo mo. Eh ako nasa harap lang ng computer at nakaupo." Saka ngumuso siya. "Kailangan ko na talaga mag-gym, panigurado."
"Natawagan mo na ba si Shayne?" Tanong ko sabay ibinalik ko ang atensyon ko sa DSLR na hawak ko.
"Yeah, at the moment, busy siya sa isang kabilang branch. Alam ko naman ang isang iyon..." Sumandal siya pader. "And Jasmine is busy. May binabantayan daw siya. Bigatin."
Nakapagtapos na kami ni Carmz ng multimedia arts, pero pinili niyang magtayo ng negosyo kasama namin ni Shayne which is ang studio. Siya ang bahalang umaasikaso sa mga designs habang ako naman ay photography, minsan videographer ako. Si Shayne naman ay nagtapos ng Marketing. While Jasmine is now a private secret agent. Talagang ginusto niya ng maaksyon na buhay, susunod talaga siya sa yapak ng tatay niya
Hanggang ngayon, hindi pa rin nila alam ang tungkol sa nangyari sa akin. Tungkol sa incubus, sa karumal-dumal na nasaksihan namin ni tita noon. Kaming dalawa lang ang nakakaalam sa ganoong bagay. Wala akong balak ipagsabi sa kanila. Hangga't kaya kong itago, itatago ko.
Malaking ipinagpapasalamat ko, hindi na siya bumalik ang di umano'y demonyo. Hindi na ako ginagambala pa. Pero may times na sumasagi sa isipan ko iyon. 'Yung feeling na nakakamove-on ka na pero hindi mo pa rin makalimutan ang nakaraan. Medyo magulo pero ganoon talaga ang nangyayari.
Pagkatapos ko ng grade 10, nagpasya na kaming lumipat ni tita sa malayo. Sa Cavite. Para na din makamove on ako. Napapansin ko na ding bumabalik na din naman sa dati ang lahat. Nagagawa ko nang makihalubilo sa ibang tao, nababawasan na din naman ang takot at kaba na inabot ko. Unti-unti gumagaan ang pakiramdam ko hindi tulad noon na sa tuwing papasok ako, baon-baon ko iyon.
May isang karinderya na ngayon si tita. Ako mismo ang nagbigay sa kaniya ng ganoong negosyo para na din sukli sa hirap na dinanas niya sa akin lalo na't inalagaan at hindi niya ako pinabayaan simulang namatay ang parents ko. Hanggang ngayon, nariyan parin siya sa tabi ko. Hindi niya ako iniiwan.
"Nga pala, may natanggap akong tawag." Sabi pa ni Carmz. "Kliyente din. Interisado daw siya sa mga shots mo na nakapost sa website natin. Kung okay lang daw ba pumunta ka daw doon, inaadvertise nila ang kanilang hotel and resort nila."
Bumaling ako sa kaniya. "Kailan naman daw?" Seryosong tanong ko. Ganito talaga ako, kapag trabaho ang usapan, nagiging seryoso ako.
"Tomorrow, sabi ng secretary ng mismong may-ari."
BINABASA MO ANG
Haunt By The Demon #Wattys2018 (UNDER REVISION)
Художественная прозаThe Demon Series #1: Buhat nang bumisita ang misteryosong lalaki sa panaginip ni Bethany ay hindi na naging normal ang takbo ng kaniyang buhay. Palagi na siyang napapahamak. Araw-araw ay dala niya ang takot at kaba ngunit kinakaya niyang magpakatata...