Chapter 31.
Dalawang araw nang nakalipas. Naririto parin ako sa nakakatakot na lugar na ito. Ang Impyerno. Sa Maternal Plane. May mga kinakain ang mga kasamahan ko, hindi ko lang magets kung ano iyon pero itim na sabaw. Ang sabi sa akin ni Trish, ang kausap kong babae na buhat nang dumating ako dito, ito daw talaga ang kinakain ng mga ina ng mga magiging cambion. Kadalasan nakikita ko sa kanila ay halos buto't balat at namumutla. Gustuhin ko sanang magtanong tungkol doon pero hindi ako makahanap ng tiempo dahil mahigpit kaming binabantayan ng mga bantay sa lugar na ito.
Pagkatapos kumain ay agad kaming pinapabalik sa mga selda.
Natigilan ako nang may may naririnig akong sigaw ng isa sa mga kasamahan ko.
"AAAAHHHHHHHHHHHH!"
Kumunot ang aking noo at bumaling ako kay Trish. "A-anong sigaw iyon?" Hindi ko mapigilang tanungin siya. Bumuhay ang takot sa aking dibdib ng mga sandali ding ito.
"Manganganak na siya." Sagot niya na may hilaw na ngiti.
Napaawang ang bibig ko. Speechless. Hindi ko alam kung anong irereact ko. Base sa sigaw niyang iyon, namimilipit siya sa sakit na may halong panghihina. Parang...
"Ano bang tinatayo-tayo ninyo d'yan?! Pumasok na kayo!" Bulyaw ng babaeng demonyo sa amin, isa siya sa mga bantay dito sa Maternal Plane. Malakas kaming tinulak. Halos masubsob ako sa sahig pero si Trish ay talagang natumba.
Pagkasara ng pinto ay agad ko siyang dianluhan para tulungan siyang makatayo ng maayos. "Ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong ko.
Napangiwi siya at bumaling sa akin. "K-kaya pa..." May bahid na panghihina nang sagutin niya iyon.
Inakay ko siya hanggang sa marating namin ang pinakasulok ng silid na ito. Inaalalayan ko siyang makaupo ng maayos. Pinagpapawisan siya ng matindi. "Trish..."
Pumikit siya saka hinimas niya ng marahan ang kaniyang tyan. "Pinangarap kong maging ina pero hindi sa ganitong paraan..." Mahina niyang sambit. "Pakiramdam ko... H-hindi ko mahahawakan ang anak ko... Pagkasilang niya..."
Umiling ako. "Huwag kang magsalita ng ganyan." Sabi ko.
Isang hilaw na ngiti ang iginawad niya sa akin. "May hihilingin ako sa iyo, Beth... Sana mapagbigyan mo ako..."
"A-ano iyon?" Umupo din ako sa tabi niya.
Lumungkot ang mukha niya. Tiningnan niya ang kaniyang tyan. "May lakas ka pa, Beth. Sa oras na may pagkakataon kang makatakas at dumating sa punto na... Hindi ko na kaya... I-isama mo ang anak ko... A-ayokong mamuhay siya sa ganitong lugar... Ayokong... Maranasan niya ang hirap dito... K-kahit na..." May tumulo na isang butil ng luha mula sa kaniyang mata. Marahas iyon umagos sa kaniyang pisngi. "Kahit na... Hindi siya kikilalanin ng kaniyang... Ama." May bahid na sakit at paghihinagpis nang sabihin niya iyon. Sa akin naman siya tumingin. Ngumiti siya kahit na may lungkot sa kaniyang mga mata. "Napakaswerte mo, Beth. Napakaswerte mo dahil minahal ka ng demonyo na siyang ama ng dinadala mo ngayon."
Parang pinipiga ang puso ko sa aking narinig. "Makikita mo pa ang anak mo, Trish. Huwag ka naman magsalita ng ganyan... Kailangan ka din niya."
"Gugustuhin ko man, Beth. Alam ko kung hanggang saan nalang ako..."
Hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Niyakap ko siya. Kahit na kakakilala lang namin, naging malapit naman kami kahit papaano. Siya ang palagi kong kasama simula noong dumating ako sa lugar na ito. Hinaplos-haplos ko ang kaniyang buhok.
"Kung babae man ang magiging anak ko, gusto ko siyang ipangalang Sherianna... Kapag lalaki naman, Rhys..." Hanggang sa ipinikit niya ang kaniyang mga mata. Nakatulog na siguro siya.
BINABASA MO ANG
Haunt By The Demon #Wattys2018 (UNDER REVISION)
Ficción GeneralThe Demon Series #1: Buhat nang bumisita ang misteryosong lalaki sa panaginip ni Bethany ay hindi na naging normal ang takbo ng kaniyang buhay. Palagi na siyang napapahamak. Araw-araw ay dala niya ang takot at kaba ngunit kinakaya niyang magpakatata...