Mag-isa na akong naglalakad ngayon sa gilid ng malapad na kalsada na ito. Pauwi na kasi ako. Hindi ako pwedeng gabihin dahil baka magtaka na si tita kung bakit napapadalas na akong late umuwi. Laking pasasalamat ko na din dahil hindi na tulad ng dati na araw-araw na akong kinakabahan o natatakot pero sa lalaking nakita ko kanina sa Coffee Shop, iba ang pakiramdam ko.
Tumigil ako sa paglalakad nang may makakasalubong akong lalaki. Hindi inaasahan na ang taong iyon ay ang lalaki kanina!
"Hi!" He happily greeted me.
Hindi ako agad makapagsalita pero bakas sa mukha ko ang pag-alinlangan.
He chuckled. "Medyo natakot ba kita kanina? Sorry." Sabay nilahad niya ang kaniyang palad sa akin. "I'm Raziel, by the way."
Raziel? Ibig sabihin... Hindi siya tulad ng iniisip ko?
Nanatili lang akong nakatitig sa kaniyang palad. Parang gusto kong sagutin iyon ngunit parang may pumipigil sa akin kaya sa huli ay hindi ko magawang tugunan iyon.
"Ops." Wari'y napahiya siya dahil sa aking inakto. Binawi niya ang kaniyang palad at lumipad iyon sa kaniyang batok. "Masyado yata akong feeling close sa iyo." Then he chuckled again.
Tama ako, hindi siya tulad ng iba na nakilala ko tulad sa lower class man at sa PE teacher na nakilala ko. May mali man ako nakikita sa kaniya pero hindi ko lang matukoy kung ano iyon. Ang mas nakakapansin lang sa kaniya ay ang kaniyang ngiti. It's genuine and he gentle. Dahil siguro sa kaniyang mukha na mala-anghel din.
Hinigpitan ko ang pagkahawak ko sa aking bag. "B-Bethany. Beth nalang." Sabi ko.
"It's nice to meet you, Beth." Masaya niyang sabi.
Yumuko ako at nagmamadali na akong umalis pero bigla ulit siya nagsalita kaya napatigil ako. "Alam kong may pinagdadaanan ka... If you don't mind, you can search everything about him." He paused for a seconds. "Incubus."
Bumilis ang tibok ng aking puso nang marinig ko ang huling salita. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko. Incubus? I'm not familiar with that. Ano ba ang bagay na 'yan?
"I hope it will helps, Beth." Rinig ko pang sabi niya. Hanggang doon nalang iyon.
"Sandali—" Sabi ko para tanungin ko pa siya pero wala na siya.
Iginala ko ang mga mata, nagbabaka sakaling nasa paligid lang siya pero wala na talaga, ni anino niya ay wala. Bigla akong kinilabutan. Napayakap ako sa aking sarili saka nagmamadali nang umalis sa lugar na iyon.
**
Pagdating ko sa bahay ay sinalubong ako ni tita. Kasalukuyan siyang nagluluto ng dinner. Nagmamadali akong umakyat patungo sa aking kuwarto. Hindi ako nagsayang ng panahon. Binuklat ko ang laptop saka binuksan ko iyon. Naka-connect naman siya sa wifi. Tinungo ko ang Google. Agad ko tinipa ang laptop.
Sinulat ko ang Incubus sa search bar.
Medyo nahirapan pa ako dahil halos lahat na incubus na lumabas sa resulat ay ang music band pero sila ang sadya ko. Hindi ako sumuko na hanapin ang kailangan kong hanapin. Marami akong katanungan sa aking isipan na kailangan mabigyan ng sagot. Sa mga araw na nagdaan simula naencounter ko ang mga ito, para akong tanga. Dahil wala akong ideya kung ano bang nangyayari sa akin.
Nakuha ko ang hinahanap ko.
"Incubus, singular. Incubi, plural..." Basa ko habang nasa harap ako ng monitor.
May isang webiste akong pinindot tungkol sa kanila. Binasa ko ang nilalaman noon.
In western medieval legend, an incubus (plural incubi) is a demon in male form supposed to lie upon sleepers, especially women, in order to have sexual intercourse with them. They are also believed to this in order to spawn other incubi. The incubus drains energy from the woman on whom it lies in order to to sustain itself, and some sources to indicate that it may be identifies by its unnaturally cold penis.
These creatures are actually quite dangerous, since they can cause unwanted pregnancies or even death.
Napasapo ako sa aking bibig sa nabasa ko. Napamura ako nang pabulog. "Oh my god..." Mahinang bulalas ko.
Ipinagpatuloy ko ang aking pagbabasa.
Victims may have been experiencing waking dreams or sleep paralysis.
Ibig sabihin... Hindi talaga biro ang nararamdaman kong iyon?
Incubi are famous for their insatiable lust. These demons are so sex-crazed that their human partners can literally dies of exhaustion after too many midnight tryst. Incubi can be also violent. Many victims describe the demons sitting on their chest or covering their mouths, so that they couldn't breathe.
Kaya ganito ang nararamdaman ko? Ang hindi makahinga? Kung bakit parang paralisado ako? Kung bakit hindi ko magawang manlaban? Kaya pagkagising ko ay nahubad na saplot ko pang-ibaba? Kaya ba pakiramdam ko ay parang totoo kahit sa panaginip ko lang nakita iyon?
Marami pa akong nalaman tungkol sa kanila. Sa oras na namarkahan ka ng incubus, iyon daw ang magiging husyat upang lapitin ng rape. Kaya din daw nila magpalit-palit ng anyo...
Napaisip ako. Ang lalaking nasa panaginip ko, ang lower class man at ang PE teacher na gumahasa sa akin... Iisa lang ba sila?
Hindi ko na kinaya lahat ng mga nabasa ko. Tiniklop ko ang laptop at huminga. Tumagilig ako't niyakap ang unan na nasa aking tabi. Natatakot na ako... Natatakot na ako sa maaring mangyari.
Anak ang kailangan niya sa akin... Kaya ganito ang ginagawa ng lalaking iyon sa akin.
**
Tahimik kaming kumakain ni tita. Gusto ko sanang iopen up sa kaniya ang problema ko, ang kaso napapangunahan ako ng takot. Natatakot ako na baka hindi siya maniwala sa akin. Natatakot ako na baka sabihin akong wirdo. Natatakot ako na baka umiba ang pakikitungo niya sa akin.
"Beth," Tawag niya sa akin habang patuloy siya sa kaniyang pagkain.
"P-po..."
"May problema ka ba, anak?" Saka tumigil siya't bumaling sa akin. "Kanina ko pa napapansin na parang may gusto kang sabihin sa akin, may problema ba?" Bakas sa boses niya ang pag-aalala.
Napalunok ako. Sasabihin ko na ba?
Marahan niyang hinawakan ang aking kamay. "Tungkol ba iyan sa school?"
Agad akong umiling. "H-hindi ko na po kaya, tita..." Basag ang boses ko nang sabihin ko iyon. Naiiyak na ako sa harap niya. Hindi ko na kayang dalhin ang iniindang sakit at problema sa pang-araw-araw...
"A-ano 'yon, kung ganoon?" Mas lalo siyang nag-alala nang sabihin niya iyon.
Lakas-loob ko siyang tiningnan. Nanginginig ang aking labi. Napasnghap. "M-meron akong sleeping paralysis, tita..." Kusa nang tumulo ang isang butil ng luha at marahas iyon umagos sa aking pisngi. "G-ginalaw po ako... Ng demonyo..." Yumuko ako. Natatakot ako sa kaniyang sasabihin.
Rinig ko ang pagsinghap ni tita. "Oh my God..." Bulalas niya, parang nanghihina siya sa kaniyang nalaman.
Pumikit ako ng mariin. Binitawan ko ang mga kurbyerto. Niyakap ko ang aking sarili. "G-gusto ko na siyang mawala... Simulang dumating siya sa buhay ko... Sa iglap lang... Nagbago na ang lahat... Hindi na tulad ng dati... Kung dati nagagawa kong tumawa at maging masaya... Nawala iyon... Araw-araw... Papasok ako ng eskuwelahan... Baon ko ang kaba at takot..." Hindi ko na mapigilang humahagulhol sa kaniyang harap.
Ramdam ko ang mahigpit na yakap ni tita.
"Hindi ko na kaya... Hindi ko na kaya..." Sabi ko pa.
Hinagod niya ang aking likod para mapatahan ako. Kumalas siya ng yakap sa akin at ikinulong niya ang mukha ko sa mga palad niya. "Ipapatingin kita, anak... Kailangan muna natin ang obserbasyon ng syensya bago tayo tumuloy sa albularyo, ha? Okay na ba iyon, anak?" Naiiyak na sabi niya.
Tumango ako kahit na patuloy pa rin ang pagtangis ko.
Muli ako niyakap ni tita. Pumikit ako ng mariin.
Kahit papaano ay gumaan ang aking pakiramdam. Siguro ay kailangan kong magpasalamat sa lalaki kanina... Kay Raziel.
__
Note: Credits to newworldencyclopedia.
BINABASA MO ANG
Haunt By The Demon #Wattys2018 (UNDER REVISION)
General FictionThe Demon Series #1: Buhat nang bumisita ang misteryosong lalaki sa panaginip ni Bethany ay hindi na naging normal ang takbo ng kaniyang buhay. Palagi na siyang napapahamak. Araw-araw ay dala niya ang takot at kaba ngunit kinakaya niyang magpakatata...