Tumigil ang sasakyan sa isang Mansyon. Kahit nasa loob palang kami ng sasakyan ay agad ko na iginala ang paningin ko sa paligid. Old Hispanic style ang bahay. Ang mas ikinabahala ko ang aura mula palang sa labas ng Mansyon na ito! Daig pang haunted house, eh! May mga patay na puno at halaman sa paligid! Tas wala man lang bukas na ilaw sa loob ng malaking bahay na iyan?!
"Welcome to my home," Nakangising sabi sa akin ni Ramael. "Bethany."
Bumaling ako sa kaniya na hindi pa rin makapaniwala. Seryoso? Bahay niya ito? Nakakatakot na bahay na ito... Sa kaniya?!
Lumabas siya mula dito sa loob ng sasakyan at saka dumako siya sa pinto na nasa gilid ko. Binuksan niya iyon saka hinawakan niya ako sa braso hanggang sa nakalabas na ako. "S-saan mo ako dadalhin?" Natatakot kong tanong sa kaniya.
Blangko ang kaniyang ekspresyon nang nagtama ang mga tingin namin. "As what have you heard a while ago, this is my home. And you, as the mother of my future child, you're gonna live here." Malamig niyang sagot sa akin.
I gasped. Parang ayaw magsink in sa isipan ko ang mga pinagsasabi niya. Bakit ba palagi niyang sinasabi sa akin na ako ang magiging nanay ng anak niya eh hindi ko nga siya kilala! HIndi ko rin naman naging boyfriend ito kung makaasta kala mo may nakaraan kami kahit naman no boyfriend since birth pa ako! "Tigilan mo na ako, Mr. B-Black... Babalik na ako sa Cavite." Mariin kong sabi, nilalaban ko ang takot na nararamdaman ko ngayon.
"What have I told you? You are not going anywhere." May bahid na galit nang sabihin niya iyon.
Ramdam ko na mas humigpit ang pagkahawak niya sa aking braso. Kinaladkad na naman niya ako hanggang nasa tapat na kami ng malaking pinto ng mansyon na ito. Dahan-dahan iyon nagbukas. Hindi mawala ang takot at kaba sa puso ko.
"Welcome home, young master..." Isang matandang lalaki ang sumalubong sa amin. Wait, young master?
Hindi ko narinig na binati ni Ramael ang matanda pabalik. Sa halip ay dumiretso lang siya ng lakad habang patuloy pa rin niya ako kinakaladkad! Aba, bastos din ang lalaking ito kahit sa mga matatanda! Wala man lang galang!
Walang kaming kibuan hanggang sa nakarating kami sa tapat ng pinto. Mas bumibilis ang pintig ng puso ko. Bumuhay din ang kuryusidad sa aking sistema kung ano ang meron d'yan sa loob.
Binitawan ako ni Ramael at nilapitan niya ang pinto. Pinihit niya iyon saka dahan-dahan niyang tinulak iyon. Medyo nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang loob ng silid na iyon. Madilim, ngunit tanging mga kandila ang nagsisilbing ilaw sa buong silid na iyon. Biglang tumindig ang balahibo ko sa mga nakita ko.
"Welcome to my Dark Room, Bethany." Wika ni Ramael nang humarap na siya sa akin. Malamig na tingin pa rin ang iginawad niya sa akin.
Napasinghap ako, kasabay na napasapo ako sa aking dibdib dahil sa kaba. What the hell...
Ramdam ko nalang kaniyang kamay na aking bewang. Marahas niya akong ipinasok sa sili na mas ko ikinatakot. May malapad na kama sa gitna ng silid na ito, pinapalibutan ng tubig? May maliit daanan upang makarating doon sa magkabilang gilid ng kama na iyon. Kulay puti ang bed sheets pati ang mga unan at kumot...
Tinanggal ko ang kaniyang kamay sa aking bewang. Pilit ko nilakasan ang loob ko na humarap sa kaniya. Nilalabanan ang takot na aking nararamdaman. "Sino ka ba talaga? B-bakit ganito ang nararamdaman ko sa iyo...? Ba-bakit..."
Humakbang siya ng dalawa palapit sa akin. Tinititigan niya ako sa pamamagitan ng kaniyang malalamig na mga mata. "Kilala mo na ako noon pa." Malamig niya tugon sa akin.
Bahagyang kumunot ang noo ko. Ano daw? Kilala ko na daw siya noon pa?
"A-anong ibig mong sabihin?" Hindi ko pa rin maitindihan!
BINABASA MO ANG
Haunt By The Demon #Wattys2018 (UNDER REVISION)
General FictionThe Demon Series #1: Buhat nang bumisita ang misteryosong lalaki sa panaginip ni Bethany ay hindi na naging normal ang takbo ng kaniyang buhay. Palagi na siyang napapahamak. Araw-araw ay dala niya ang takot at kaba ngunit kinakaya niyang magpakatata...