chapter30.

5.5K 160 10
                                    

NOTE : Hi, my dear readers! I would like to tell you na kasama sa entry ng #wattys2018 ang story na ito pati ang story nina Farris and Marguerite na "Unbounded Fondness." Sana masuportahan ninyo din. 

#hauntbythedemon   

*

Chapter 30.

Tumigil ang karwahe sa isang madilim at nakakatakot na lugar. Kahit na umaapaw na ang takot at kaba ay pilit kong tatagan ang aking sarili. Hindi lang pala sa akin at kay Ramael. Para na din sa magiging anak namin.

"Labas!" Sigaw sa akin ni Flavius sabay hatak niya sa akin palabas ng karwahe.

Halos masubsob ako sa lupa dahil sa paghila niya sa akin. Napatingala ako sa matayog na gusali na nasa aking harap. I-itim na kastilyo?

May lumapit sa amin na paniguradong mga tauhan ito ni Flavius at mahigpit nila akong hinawakan sa magkabilang braso ko. Panay kabog ng aking dibdib dahil sa takot habang papasok kami sa naturang gusali na iyon. May iba't ibang nilalang din ang mga nakakasalubong namin, ngunit karamihan talaga ay mga demonyo. Halos magkadabali-bali ang mga leeg nila dahil sa tingin nila sa akin.

Pinili ko nalang na ibaba ang aking tingin, hindi ko sila kayang tingnan. Lihim ko kinagat ang aking labi para maibsan ang mga negatibong pakiramdam pati ng aking isipan.

May mga naririnig akong iyakan at hiyawan. A-ano bang meron sa lugar na ito? Mas lalo ako natatakot...

"Tama naaa...."

"Aaaahhhh!!"

"Pakiusap, tama naa....."

"Huwaaaagggg...."

"Maawa kayo sa amin!"

Ilang beses na akong napasinghap dahil sa aking mga naririnig. Tanging mga kandila na nakadikit sa pader ang nagsisilbing gabay namin sa daan. Hanggang sa tumigil kami sa isang malaking pinto na yari din sa bakal. Binuksan ng bantay iyon at pumasok. Halos wala na akong makita...

Walang sabi na hinagis ako sa sahig. Napasapo ako sa aking tyan. Natatakot ako na baka malaglag ang anak na nasa aking sinpupunan. Natatakot akong mawala ang anak namin ni Ramael...

"Dito ka mananatili hanggang sa manganak ka, Bethany." Nakangising sabi sa akin ni Flavius.

Hindi ko magawang sumagot. Nanatili lang akong nakatingin sa kaniya. Nagtataas-baba ang aking dibdib dahil sa takot, para akong kakapusin ng hininga dahil doon. Pinapanood ko lang siya kung papaano niya ako tinalikuran hanggang sa lumabas sila sa madilim na silid na ito.

Nang magsara ang pinto ay inayos ko ang aking upo at sumandal sa pader. Muli kong hinawakan ang aking tyan. Hinihamas-himas ko ito. Pumikit ako ng mariin. 'Huwag na huwag mo akong iiwan, anak, ha? Kumapit ka lang sa akin hanggang sa makauwi tayo, kasama na ang daddy mo...' Sa isip ko.

"Bakit hawak-hawak mo iyan?"

Napatingin ako sa aking gilid nang may narinig akong boses ng isang babae. Dahil sa sinag ng buwan na umagos sa silid na ito sa pamamagitan ng maliit na bintana ay naaninag ko ang isang babae. Kasing edad ko lang siya. Maputi pero maputla. Bakas sa mukha niya ang hirap at nanghihina na.

Bumaba ang tingin sa kaniyang tyan. Medyo malaki na ito.

"Cambion din bang dinadala mo?" Tanong niya.

Tahimik akong tumango bilang  sagot.

"Mukhang kakabuntis mo palang." Sabi niya na hilaw ngumiti. Napasapo din siya sa kaniyang tyan. "Dalawang buwan na ito at ilang araw na din ay manganganak na ako..."

Nagulat ako sa kaniyang sinabi. "D-dalawang buwan?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

Siya naman ang tumango. "Ganyan din ang reaksyon ko noong nalaman ko na ganoong kaiksi pala kapag ipinagbubuntis mo ang cambion..." Napatingin siya sa isang bagay na nasa aking kamay. "K-kasal ka?"

Haunt By The Demon #Wattys2018 (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon