Lumipas na ang tatlong araw ay medyo humupa ang kaba na aking naramdaman nitong nakaraan. Mabuti ay hindi ko nakakasalubong o nakikita ang PE teacher na iyon. Umiiwas ba ako? Parang ganoon na nga. Isang beses sa isang linggo naman namin siya namimeet dahil sa subject niya at iyon siguro ang kailangan kong pagtiisan. Pero ang panliligaw naman ni William ay patuloy pa rin. Gumagawa na din ako ng paraan para iparamdam sa kaniya na wala siyang pag-asa o tsansa na makukuha mula sa akin.
Balak ko sana ngayon kausapin siya para ibigay na sa kaniya ang sagot ko. Teka, nasaan na kaya ang isang iyon? Kailangan ko pa yata siya hanapin, ah.
Nagparticipate ako sa volleyball. Hindi kasi ako nakapaglaro noong nakaraang meeting dahil sa sama ng pakiramdam ko. Ako ang ginawang mid-blocker dahil sa aking tangkad na 5'6. Buti nalang din ay may baon akong damit pamalit kapag pinagpawisan ako ng husto.
"Ikaw naman ang magserve, Beth!" Malakas na sabi sa akin ni Shayne sabay turo niya sa direksyon kung saan ako pupwesto. Sa end line.
Ngumuso ako. Sa totoo lang, hindi ako marunong magvolleyball. Kaya lang naman ako sumali para na din may grade ako... At para makaiwas kahit papano sa PE teacher na iyon. Ewan ko ba, hindi maalis sa isipan ko 'yung huling sinasabi niya sa akin noon. Hanggang nagyon ay wala pa rin akong ideya kung ano bang kailangan niya sa akin.
Bago man pumito ang ampayr na kaklase ko din ay namataan ko ang PE teacher na iyon sa isang sulok. Diretsong nakatingin dito... Or should I say, sa akin siya nakatingin? Seryosong tingin ang iginawad niya sa akin na para bang pinag-aaralan niya ako.
Halos matalon ako sa gulat nang marinig ko ang tunog ng pito. Napaserve tuloy ako ng wala sa oras kaya ang ending, nagmisdirect ang tira na iyon kaya sa kabilang team ang puntos pati na rin ang susunod na service.
Lihim ko kinagat ang aking labi. Parang akong nahiya sa inakto ko. Lihim ako sumulyap sa PE teacher namin. My goodness, talagang nakatingin pa rin siya dito! Bakit ganoon?
Bumuhay ang kaba na aking nararamdaman. Parang hindi na tama ito...
**
Pagkatapos ng klase na iyon ay pinauna ko nang magshower ang iilan naming kaklase. Kasama ko ngayon dito sa bleachers ang mga kaibigan ko. Nagdaldalan sina Shayne at Carmz habang kami naman ni Jasmine ay tahimik na nakikinig sa pakikipagkwentuhan nila.
"After ng klase, doon ulit tayo sa Coffee Shop!" Masayang aya ni Shayne. "Ano? Arat ba?"
"Hm, may taekwondo class ako." Sabi ni Jasmine na blangko ang ekspresyon sa kaniyang mukha.
"Ikaw ba, Beth?" Sa akin naman napunta ang tanong na iyon.
Napaawang ang bibig ko. Nagdadalawang isip kung ano bang isasagot ko... "Hindi na muna siguro." Sagot ko.
Napalitan ng pagtataka sa kaniyang mukha dahil sa sinagot ko. "Oh bakit?" Tanong ni Carmz.
"Dadaan ako ng Library... May hihiramin akong textbook..." Palusot ko.
Dahil ang totoo niyan ay kikitain ko si William. Sasabihin ko na kasi sa kaniya ang sagot ko sa panliligaw niya sa akin. Kaya kailangan ko siyang makita ngayong araw para wala na akong iisipin pa sa susunod na araw na dadating...
"Oh sige..." Wala na silang magawa kungdi sumang-ayon nalang sa aking pasya.
**
Hindi naman ako nabigo. Nakausap ko si William. Medyo nagulat pa nga siya dahil hindi niya inaasahan na pupuntahan ko siya sa mismong classroom nila. Sinabi ko sa kaniya ang oras at lugar kung saan kami magkikita mamaya. Sana ay may sapat akong lakas ng loob para sabihin sa kaniya ang totoo kong nararamdaman sa kaniya.. Alam kong magagalit siya sa isasagot ko, pero para din naman sa kaniya iyon. Ayoko lang din siya umasa sa wala kaya mas mabuti nang ganito...
BINABASA MO ANG
Haunt By The Demon #Wattys2018 (UNDER REVISION)
Aktuelle LiteraturThe Demon Series #1: Buhat nang bumisita ang misteryosong lalaki sa panaginip ni Bethany ay hindi na naging normal ang takbo ng kaniyang buhay. Palagi na siyang napapahamak. Araw-araw ay dala niya ang takot at kaba ngunit kinakaya niyang magpakatata...