chapter14.

7.1K 164 2
                                    

Isang nakakabasag na katahimikan ang nananaig dito sa loob ng opisina ni Ramael. Nasa magkabilang single couch silang dalawa. Nagsusukatan ng tingin. Habang ako naman ay nasa gitna, palipat-lipat ang tingin ko sa kanila-nagtataka.

Maraming tanong ang bumubuo sa aking isipan. Magkakilala pala sila? Magkaano-ano ba sila? Magkapatid? Magkaibigan? Magpinsan? O ano? Gustuhin ko mang tanungin ang bagay na iyon ay hindi ko magawa. Papaano kasi, ang seryoso ng atmosphere dito. At saka, mukhang nakakahiyang sumingit sa dalawang ito.

"Anong ginagawa mo dito?" Sa wakas ay nagtanong din si Ramael.

Ngumuso si Raziel. "Sinabi ko na, si Bethany ang ipinunta ko dito. Hindi ikaw." Unti-unting gumuguhit sa kaniyang mga labi ang mapanglarong ngiti.

Umigting ang panga ni Ramael. Parang hindi niya nagustuhan ang isinagot sa kaniya ni Raziel. Ano ba kasing problema?!

"Leave, Raziel." Mariing sambit ni Ramael sa kaniya.

"I'm scared but I can't, dude." Sagot sa kaniya ni Raziel at prente siyang sumandal sa couch na kinauupuan niya ngayon. "I'm here for my mission."

Kita ko ang pagkuyom ng kamao ni Ramael. Parang iyon lang ang paraan niya para pigilan ang sariling sugurin si Raziel sa harap ko. "Bethany," Tawag niya sa akin. Bumaling siya sa akin na seryoso ang kaniyang mukha. "Leave us for a while. I need to talk to him. Man to man."

Napalunok ako. "S-sige..." Tumayo na ako saka naglakad na ako patungo sa pinto. Pinihit ko ang pinto at lumabas na. Napabuntong-hininga ako at tumingin sa sekretarya ni Ramael na si Megan, abala sa pagtitipa sa kaharap niyang computer.

Mukhang hindi naman niya napansin ang presensya ko kaya muli akong naglakad. Until I reached the elevator. Pumasok ako doon at pinindot ko ang buton kung saan ako lalabas-sa ground floor. Maggagala-gala na muna ako. But wait, nakalimutan ko yata ang DSLR ko doon sa office!

"Tsk." Sabay sumandal ako sa pader. Humalukipkip ako. Sumagi na naman sa isipan ko ang nangyari kanina. Napapaisip na talaga ako kung anong koneksyon ng dalawang iyon. Kung ano bang relasyon nilang dalawa. Kung bakit ganoon ang galit ni Ramael na makita ni Raziel. May alitan ba ang dalawang iyon? Ay, sandali. Oo nga pala, si Raziel pala ang nagbanggit sa akin tungkol sa incubus. Bakit ba niya ako tinulungan noon?

Pagkatunog ng elevator ay siya naman ang pagbukas ng pinto nito. Agad akong lumabas at lumabas sa Hotel.

Una kong pinuntahan ang sea shore. Talagang dinadayo ang resort na ito. Maganda din naman ang view dito kaya hindi na nakakapagtaka kung bakit marami ang dumadayo dito. May natatanaw din akong mga isla. Kaya pala nag-ooffer sila ng island hopping.

Ipinagpatuloy ko ang paglalakad ko. Sayang, wala sina Carmz, Shayne at Jasmine dito. Paniguradong mag-eenjoy din ang mga iyon dito. Mahilig din sila sa mga ganito. Sa mga beach.

Hinahayaan ko lang na paglaruan ng hangin ang aking buhok. Dinadama ko din ang simoy ng hangin na humahaplos sa aking balat.

Hindi ko na namamalayan na napadpad ako sa gubat. Tumigil ako sa paglalakad. Hindi kaya maligaw ako dito? Hindi ko pa man din dala ang cellphone ko! Kainis!

Muli ako natigilan nang may naririnig akong tunog. May rumagasang tubig. Tingin ko ay medyo malapit na ako doon. Muli akong humakbang para sundan ng tunog na iyon.

Hinawi ko ang mga nakaharang na halaman sa harap ko. Mas lalo ako lumapit. Bumungad sa akin ang ilog na may kadugtong na talon. Wait, kung hindi ako nagkakamali, ito 'yung lugar kung saan ko nakilala si Ramael noong nakaraan, ah!

Mas gusto ko ang lugar na ito kapag gabi.

Nilapitan ko ang ilog at pinagmasdan ko iyon. Malinis at parang tago ang lugar na ito, ah. Bigla akong may naisip. Mukhang wala namang ibang tao dito...

Haunt By The Demon #Wattys2018 (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon